Chapter 22

125 53 29
                                    

Diana's Point of View

Habang nagmamaneho ako panay ang dinig ko sa buntong-hininga ni Zhyna habang nakasandal ang kaniyang siko sa bintana ng kotse at marahang kinakagat ang hinlalaki ng kaniyang daliri.

Alas-dies na ng gabi  pero ngayon pa lang kami umuuwi galing trabaho. Ilang araw na nga kaming overtime dahil sa mga sunod-sunod na mga task sa amin. Grabe. Nakaka-stress. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagsisihan na pinili kong magtrabaho kaysa sa mag-stay na lang sa bahay ngayon na marami naman akong ipon. 

Ilang araw na rin ang nakakalipas nang mangyari ang nakakakabang pangyayari na ginawa ko sa buong buhay ko. 'Yong tungkol kay Ms. Chu and doon sa lalaking may pangalang Warren kasabay ang nakakapanglitong mga narinig mula sa kanila nang mga oras na'yon.

Hindi ko nagawang i-kwento kay Zhyna about sa nangyaring 'yon. Dahil natatakot ako sa magiging reaction niya.

Sa totoo lang, sobrang nakakasakit ng ulo ang mga nangyayari ngayon. Pinilit kong tanggalin sa isipan ko panandalian si Ms. Chu at gusto ko na munang bigyan ng pansin itong babaeng katabi ko na ilang araw na rin wala sa sarili!

"Are you okay?" Pasulyap-sulyap ang ginagawa ko sa kaniya dahil nagmamaneho ako.

"Yes." Nabasag ang kaniyang boses dahilan upang lalo akong mag-alala.

Inihinto ko sa gilid ng kalsada ang sasakyan at diretsong nilingon si Zhyna na ngayon ay kinakabahan.

"Hoy, anong nangyayari sa'yo?"

"Wala naman." Sinikap niya na hindi mabasag sa pangalawang pagkakataon ang kaniyang boses. Ngunit hindi pa rin umubra sa akin.

Lumabas ako saglit ng sasakyan at bumili ng beer sa katapat na store kung saan kami ngayon nahinto.

Pagkabalik ko, hinila ko si Zhyna palabas ng kotse at sumandal kami pareho sa harap nito. Inabot ko sa kaniya ang can of beer na kabibili ko lamang.

Marahan niya itong binuksan at ininom. I felt her sadness. Si Zhyna 'yong tipo ng tao na sa sobrang tahimik niya, mararamdaman mo ang lungkot na nararamdaman niya at mapapansin mo ang lalim ng mga tumatakbo sa isipan niya.

"Posible ba na wala kang maalala sa pagkatao mo?"

Sumimsim ako sa beer na hawak ko bago ko siya lingunin. Tumawa lamang ako ng pabiro ngunit hindi niya ito pinansin. Nakatingala lamang siya sa langit at pinagmamasdan ang iilang piraso ng mga bituin na masayang kumukutitap.

"Anong klaseng tanong 'yan, ha? Kung malawak pala ang imagination ko, your imagination is wider than mine." Tsaka ako tumawa-tawa sa harap niya na nang-aasar. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Is it possible?" pagtatanong niya na tila nais malaman ang isasagot ko. Seryoso talaga siya!

Sa pagkakataon na'yon, ramdam ko na seryoso si Zhyna sa tanong niya kaya naman hindi ko na pang binalak na magbiro pa.

"Oo naman, Zhy. Bakit mo natanong?" nag-aalala kong tanong.

Gumuhit sa kaniya ang ngiti na tila naiinis sa naiisip. "I can't remember anything."

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa mga narinig mula sa kaniya. Tumawa ako nang marahan para magbakasakali na bawiin niya ang sinabi niya.

"What do you mean?" tanong ko.

"May amnesia ako, Diana," wala sa sariling tugon niya na ikinabigla ko. 

"Hoy, huwag mo nga akong niloloko-loko, ha. Alam kong pinagti-tripan mo lang ako. Nakakailang higop ka pa lang sa beer kung ano-ano na pinagsasabi mo." Tumawa pa ako para ipakita sa kaniya na hindi niya ako maloloko ngunit hindi niya iyon binawi at mas lalo siyang naging seryoso.

Someone Holds Me (Part 1 of Someone Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon