Chapter 42

8K 295 28
                                    

Amanda Tan El Grande


Palipat lipat ang tingin ko papel na hawak ko at sa pusang tahimik na nakaupo sa ibabaw ng mesa ko.

"Hi. My name is Cloud. Please take care of me.

Ps. I'm a good boy."


Gumalaw ang makapal na buntot ni Cloud. Alam kong galing kay Alex si Cloud. Pareho lang sila ng breed ni Pandora but Cloud looks like a literal cloud. Sobrang kapal at puti ng balahibo nito.

Pag pasok ko sa office ngayong umaga ay narito na siya.

"Hello Cloud.." bakas naman sa mukha ko ang labis na kasiyahan dahil sa regalo ni Alex.

Hinayaan ko nalang muna si Cloud sa office. Ipapa sundo ko nalang siya mamaya.

"Excuse me Attorney.. may nag iwan po sa nito sa labas." Pumasok ang assistant ko na may daladalang pulang box. I frown. Galing ulit kay Alex?

"Thanks Kath.." Wala namang kasamang letter o ano.

Tinanggal ko ang pagkaka ribbon nito at binuksan.

"AHHH!!!" Agad nanginig ang buo kong katawan nang makita ang laman ng box. Mabilis ang naging pag hinga ko nag pupumilit tumakas ang mga luha ko.

"Attorney?! Anong nangyari?" Marahil ay narinig ni Kath ang pag sigaw ko. Hindi ako makapag salita.

"Oh my... tatawag po ako ng security." She said at kinuha na ang box na may lamang patay na pusa.


That's a death threat. Marami na akong natanggap na death threat mula ng bumangga ako ng malalaking pangalan pero ngayon lang ako nakatanggap ng ganito.

"Na check na po namin ang CCTV sa labas Attorney at heto po ang nakita namin.." pinakita sakin ang isang CCTV footage kong saan may isang lalake, base sa hubog neto ang nag iwan ng box. Naka hoodie, mask at pantalon ang lalake. Hindi na ito namukhaan dahil alam nitong may CCTV doon at naitago nito ng mabuti ang mukha niya.


"Okay thanks.. paki doble nalang ang pag babantay sa labas ng office." Utos ko dito at naiwan nanaman ako sa office. Kahit na punong puno ng kaba ang dibdib ko ay pinag patuloy ko pa din ang pag ta trabaho.

Napagatigil ako sa pag pirma ng biglang nag ring ang phone ko. It's from an unknown caller.

"Hello?" Walang sumagot. I frown.

"Did you like it?" Automatic na umangat ang gilid ng labi ko ng marinig ang boses niya. I know it's her. Pano niya naman kaya nakuha ang number ko?

"Yeah.. thank you by the way. I really love him." Nawala agad ang mga iniisip ko ng marinig ko ang boses niya.

"Glad to hear that and I'm on my way to pick you up." Agad naman akong napatingin sa orasan. Tanghali na pala.

"Okay. Take care." Paalala ko dito.

"Of course I will.." Na imagine ko kaagadang maganda niyang mukha.

Hindi ako mapakali dahil excited akong makita si Alex kaya nag ayos na ako ng mga gamit. Lumipas ang sampo, bente at trenta minuto pero wala pa din siya. I sighed. Nagugutom na ako pero hindi ko mapigilan ang mag alala. Hindi ako mapakaling naka upo sa swivel chair ko.

I decided to call the number she used to call me earlier pero unattended ito. Another 30 minutes had passed pero wala pa din ito. Tapos na ang break time. Where the hell is she? Parang wala na akong marinig dahil sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Angels In Bed Series: Amanda Tan El Grande Where stories live. Discover now