Chapter 41

7.6K 293 25
                                    

Amanda Tan El Grande

Abala ako sa mga kasong naka pending dahil may mga deadline akong hinahabol. Hindi ko namamalayan ang oras hanggang sa dumating si Alex para mag hatid ng lunch. Hindi niya daw masasabayan dahil may aasikasuhin daw ito.

"Attorney.. may gusto daw pong kumausap sa inyo. LA Dela fuente daw po." Agad akong napatigil sa ginagawa ko ng marinig ko ang pangalan niya.

Anong ginagawa niya dito?

"Let him in.." huminga muna ako ng malalim. I composed myself.

Mamaya pa ay pumasok sa pinto ang isang matangkad na lalake.

"What can I do for you Mr. Dela fuente?" I monotonously asked.

"Oh come on just call me LA. Feeling ko ako na si Daddy." I just shrugged.

"So what brings you here?" Naupo ito sa upuan sa harap ko. Maamo ang mukha nito pero iba ang aurang dala nito. Nakakatakot.

"I will go straight to the point Attorney.. gusto kong e hire ka bilang private lawyer ko." Nanginginig ang mga kamay ko. Alam kong may kinalaman siya at ang pamilya niya sa nangyare kay Bella. Hanggat maaari ay ayokong may makasalamuhang kahit na sinong Dela fuente. Yes, my father is friends with them but he knows nothing.

I gave him a smile. Alam kong alam niya na na  may alam ako. Alam kong may kinalaman din siya sa pagka matay ng hostage. Nililinis niya talaga. Ang pinagtataka ko ay bakit niya ako iaalok na maging lawyer niya? Anong binabalak niya?

"I am really impressed with your reputation. Besides, our family are great friends." Gusto ko na talaga siyang sapakain.

"I'm sorry LA but I'm a public lawyer and I'd like to stay as it is." He chuckled.

"Well.. pag isipan mo Attorney. I'll go ahead." Ngumiti muna ito ng nakakaasar bago umalis.

"Fuck!" I'm so frustrated. Hindi ako matatahimik hanggat hindi sila nahuhuli.

Natapos ang araw at stress na stress ako sa daming gawain.

"Crazy day?" Nagulat pa ako ng may nagsalita sa likod ko. Andito kasi ako sa parking area ng office.

"Nakakagulat ka naman." I heard her chuckled.

"How's your day?" Tanong niya. Akala ko ba ay may importanteng lakad to?

"Stressful.. why are you here by the way?" Tanong ko dito dahil bigla biglang sumusulpot.

"I came here to see you of course.." Nailing nalang ako.

"Do you want to rest already? Are you tired?" Sunod sunod na tanong niya.

"I'm used to this kind of day. Wala pa nga ito." Saad ko naman dito. She smiled. That smile..

"I'll take you home then.."

"But I brought my own car." Turo ko sa sasakyan ko.

"I'll call someone to pick it up.. let's go." She held my hand. Pansin kong paiba iba ang sasakyang dala niya.

Pinag buksan niya ako ng pinto as usual. I'm starting to get used to this, to her.

Habang nag d drive siya ay hindi ko maiwasang mag nakaw ng tingin. She's so hot while driving my gosh..

"Are you going to stare at me the whole ride?" I snapped back to reality when i heard her say.

"I-I'm not staring!" Depensa ko.

Angels In Bed Series: Amanda Tan El Grande Where stories live. Discover now