Chapter 19

10.3K 354 15
                                    

Hi guys! Sorry ngayon lang naka pag update huhu. Enjoy this chapter guys.

Isabella's POV

"Oh so you're here for a vacation?" Tanong ko sa koreana habang nag sasabit ng painting sa wall nya. 

"Yeah.." napansin ko na medyo may halong lungkot ang boses nito.

"And also running away from my life back there." Saad nito.

"You know there's a lot to do here. You'll enjoy your stay here for sure." Magiliw kong tugon para hindi naman malungkot itong koreana. Ayaw ko naman mag tanong ng personal dahil baka kong anong isipin nito.

"Yeah.. that's why I chose to stay here. No one knows I'm here and there's a lot of wonderful places here that I want to visit." Tumango tango naman ako pag sangayon.

"By the way Bella, are you still studying?" Tanong naman nito.

"Yes. I'm a business management student." Sagot ko dito.

Marami kaming napag kwentohan ni Jennie. Mabait ang koreana at paulit ulit itong nagpasalamat sakin sa pag tulong ko dito.

"Just to repay your kindness, please? I'm your friendly neighbor after all." Saad nito habang nag pu puppy eyes pa. Singkit din ang mga mata nito tulad ng kay... uhm.. tulad ng kay Lee Min Ho. Oo tama kay Lee Min Hoo.

"Bella? Please? Just a dinner tomorrow night." Ulit naman nito.

"Okay then friendly neighbor." Natawa naman ako ng parang bata itong nag palakpak. Nagpalitan na kami ng phone numbers at tinanong ko pa ito kong okay na ito mag isa. Kaya naman na daw nya ang sarili at sanay na itong mag isa.

Pag pasok ko naman ng condo ay wala si brat marahil ay nasa kwarto nya. Pupunta kaya yon sa party ni Christian?

Nag ayos nalang ako ng sarili. Hindi naman kasi ako mahilig pumunta sa mga ganon. Dahil kong wala akong trabaho o exam ay tinatamad naman ako. Sapilitan pa minsan kong mag aya si Riri. Siguradong pupunta itong si brat at magpapahatid ito doon.

Itim na sneakers, itim na pantalon, itim na t shirt, at itim na baseball cap na iniregalo ni Erika noong pasko sa akin ang suot ko. Mukha akong hold upper dahil sa suot ko pero ayos lang di naman ako baba at baka may makakita pa.

Ilang minuto pa akong naupo sa sofa at sa wakas lumabas na din ang princessa. Parang bago pa din sa akin lahat, parang araw araw ay lalong gumaganda ang brat na to. Tulad noong una ay natutulala pa din ako sa ganda nito. Naka suot ito ng black jumpsuit, mababa ang pag ka v-neck nito kaya mas lalong na emphasize ang collarbone nito. Naka high heels din ang dalaga. Ang buhok nito ay naka messy pony tail na bagay na bagay sa kanya. Fierce na fierce ang ayos nito ngayon, regal. Sobrang ganda.

"Stop staring." Saad nito at doon lang ako nagising sa panaginip ko.

"I-Ihahatid na kita." Sabi ko ng makabawi at tumayo na.

"Aren't you going?" Tanong nito.

"Hindi na siguro. Ihahatid nalang kita at e text mo ako kong mag papasundo kana." Sabi ko dito na ikinakunot naman ng noo nya.

"No.. you're coming." Sabi nito at nag lakad na palabas. Agad ko naman itong sinundan.

"Madam.. teka." Tawag ko dito matapos kong ilock ang pinto ng condo.

"What?" Iritang tanong nito.

"Ihahatid lang kita doon at susunduin." Ulit ko dito. Tinaasan naman ako nito ng kilay at nag patuloy nag lakad patungo sa elevator. Sumunod naman na ako dito.

Angels In Bed Series: Amanda Tan El Grande Where stories live. Discover now