Chapter 9

10.2K 395 13
                                    

Isabella's POV

Kung nakakamatay lang siguro ang tingin ay malamang sa malamang isa na akong malamig na bangkay. Matapos kasi ang pagtatago ko kanina ay agad naman ako humingi ng tawad kay Brat pero sadyang sobra ata ang galit neto sakin dahil hindi mawala ang pagka pula ng kanyang mukha.

"Sorry na kasi talaga. Wala na kasi talaga akong choice kanina e. Makikita kasi talaga ako ng mga kaibigan ko." Yan ang kanina ko pang dinadahilan sa kanya. Masama pa din ang tingin niya sa akin habang naka upo lang sa shotgun seat. Pabalik na din kasi kami sa school ngayon.

Hindi na siya kumibo at tumingin nalang sa labas ng bintana. Napabuntong hininga nalang ako. Tigas din ng puso nitong brat na to e. Hanggang makarating na kami sa harap ng school ay wala pa rin itong imik at bumaba na ng sasakyan.

"Problema mo jan Maria?" Tanong ni Riri habang kumakain kami dito sa canteen.

Hindi kasi mawala sa isip ko si brat e. Kelan ba sya nawala sa isip mo? Tuya naman ng utak ko. Arg! Bwesit!

"Si Amanda ba yun" Tanong ni Riri at agad naman

Nag pintig agad ang tenga ko pag karinig ko palang nang pangalan nya. Hinanap naman siya nang mga mata pero di ko siya nakita.

Agad naman akong napatingin kay Riri na may nakakalokong ngiti.

"Malala ka na friend" Sabi niya sabay pakawala nang malutong na tawa

"Bwesit ka talaga kahit kailan Riri." Gigil na sabi ko sa kanya.

"Eh bakit kasi wala dito sa earth yang isip mo? Asan ba? Sa panty ni Ms. Amanda?" Tuloy tuloy na litanya ni Riri.

Agad naman nag init yung pisngi ko sa huli niyang sinabi. Naalala ko kasi yung eksena kanina.

"A-ang bastos talaga ng bibig mo bakla. Kung ano ano sinasabi mo." Sabi ko sabay bato sa kanya ng tissue para mapagtakpan ang pag kahiya ko.

"Eh bakit ka namumula jan? Ikaw ha" Isang mapagdudang tingin naman ang ipinukol niya sa akin.

"Ano nanaman ba kasi yun bakla? Nakakainis ka ha" Medyo inis na sabi ko sa kanya.

"Okay hindi na." Sabi nito sabay taas pa ng kamay na tila sumusuko pero hindi pa din nawawala yung nakakaasar niyang tingin sa akin.

Wala nanaman si Drey dahil may importante daw silang lakad ng pamilya niya.

Pina una ko na si bakla sa room dahil dadaan pa ako sa comfort room.

Palabas na ako nang mag vibrate ang cellphone ko. Hindi ko na kailangan pang tignan to dahil si brat lang naman ang naka save na contact dito.

"Where are you?" agad na bungan niya sa akin.

" Papunta na ako sa next class ko."Mabuti naman at mukhang hindi na ito galit sa akin. May mahabang katahimikan ang bumalot sa amin. Hindi niya naman kasi sinasabi kong ano ang ipapagawa niya.

"A-ah m-may ipag uutos ka ba?" Tanong ko nang hindi pa din ito nag sasalita. May narinig akong bulong niya pero di ko naman maintindihan.

"After you finish your class sunduin mo ko agad."  Yun lang sinabi niya at ibinaba na nag tawag bago pa ako makasagot.

Pag katapos nang huli kong klase ay nag madali na akong pumunta sa parking lot pero syempre maingat ako.

Agad ko siyang nakita na nakatayo sa labas nang school. Tumawa eto habang kausap niya ang mga kaibigan niya. Hays. Bakit ba kasi sobrang ganda nang babae na to?

Feeling ko masyadong unfair. Marahil siguro noong nag pasabog nang kagandahan ang itaas ay naroon din siya sa itaas... nag do donate.

Nang mapansin niya ako ay nag paalam na ito sa mga julalay niya at nag lakad na papunta sa kotse niya.

Angels In Bed Series: Amanda Tan El Grande Where stories live. Discover now