Review 46

70 2 1
                                    

Critique made by: theharmionepotter (formerly: kristinaesmeralda)

Title: Finally Fallen (Now: Farewell in Tears)
Author: MissBavarian

Title: Finally Fallen (Now: Farewell in Tears)Author: MissBavarian

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

🎀 TITLE:

It reminds me of a song with the same title. Kung babasahin ang title ng story mo, I assume na about ang story sa love at first sight pero nagkamali ako nang mabasa ko ang blurb.

I think the title should be something related sa pag-move-on. I suggest "Turning Pages".

🎀 BLURB:

Katulad ng sinabi ko sa itaas, medyo contradicting ang title sa blurb. Kasi about sa pag-move-on ang blurb pero about sa pag-fall in love ang title.

Okay ang blurb maliban sa ibang sentence at paragraph na kailangang i-revise.

You can follow this suggestion:

"Isang mapait na nakaraan ang nagpabago ng pananaw ni Megan tungkol sa pag-ibig-ang hindi magtiwala kanino man.

Ngunit mapaglaro ang tadhana at nakatagpo niya si Jairus. Sa pagkakataong ito ay umasa siyang hindi nito sisirain ang kaniyang tiwala ngunit siya'y nagkamali. Walang pinagkaiba si Jairus sa mga taong sumira ng kaniyang pagtitiwala.

Ngayong buo na ulit ang kaniyang puso at nangakong iingatan ito mula sa mga taong sumira nito ay muli silang nagkita ng huling lalaking winasak ito.

Ngunit hindi katulad ng dati, tuluyan na niyang nalaman ang katotohanan sa likod ng kaniyang mapait na nakaraan."

🎀 BOOK COVER:

Wala akong nakikitang problema sa book cover maliban sa mga stickers. Masyado itong nakaka-distract.

🎀 PROLOGUE:

Naguluhan ako sa prologue mo kahit sabihin na nailalahad dito kung sino na ang nagsasalita at kung sino ang hindi.

Iba-iba kasi ang point of view na nabasa ko. Lahat na ata ng author's point of view ay nasa prologue.

Mayroong First Person, tulad nito:
"Ako ba ang nagloko? Hindi naman 'di ba?"

Kahit sabihin na ito ay naka-itallic, maibibilang ito sa first person's point of view. Ang suggestion ko ay lagyan mo ito ng apostrophe (') at dagdagan ito para maging third person.

For example:
'Ako ba ang nagloko? Hindi, 'di ba?' tanong niya sa kaniyang sarili.

Kung mayroon akong nakitang first person point of view. Mayroon ding second person.

Tulad nito:
"Masakit marinig na harap harapan kang sinasabihan ng mga masasakit na salita na wala namang basehan, pero mas masakit pala kapag ang taong pinagkukuhanan mo ng natitirang lakas para magpatuloy ang siyang susuko sa 'yo."

I-edit mo na lang siya at gawing third person.

Parang ganito:
"Tunay na masakit masabihan ng masasakit na salitang walang basehan nang harap-harapan ngunit mas masakit nang sinukuan siya ng taong pinagkukuhaan niya ng lakas upang magpatuloy."

The rest naman ay nakasulat na in Third Person's Point of View. Ayusin ito at tanggalin ang mga filler words. Idi-discuss ko sa ibaba ang filler words.

🎀 DIALOGUE:

Wala akong nakitang problema sa mga dialogues maliban sa mga kaunting mali sa paggamit ng bantas at mga filler words. The rest ay maayos na maging ang mga spelling.

🎀 NARRATION:

Tulad ng sinabi ko kanina, may nakita akong iba't-ibang point of view sa story mo at hindi lang iyon matatagpuan sa prologue. Nasabi ko na ang mga example ng bawat isa sa mga ito at nagbigay ng suggestion na pwedeng ipalit.

Sinabi ko sa itaas na marami akong nakitang filler words na nakita. Ito ay sa buong story o sa mga chapters na naka-publish.

Ang filler words ay mga meaningless word na hindi kailangan sa pagsusulat. Ang mga halimbawa nito ay tulad ng mga sumunod: din/rin, lang/lamang, pala, nga, naman at pa.

Mas maganda kung mawawala ang mga filler words sa bawat sentence ng story mo dahil mas maganda itong basahin. Makikita mo ang mga tinatawag kong filler words oras na i-revise mo ang story mo.

At bilang panghuli, ang paglilipat mo ng scenes o kaya ay ang pag-fast forward ng mga ito.

Gumagamit ka ng tatlong asterisk tulad nito (***). Pagkatapos mo namang putulin ang scene ay kina-capitalize mo ng buo ang unang salita ng panibago scene. Siguro ay ito ang paraan mo para ipaalam sa mga readers mo na bago na ang scene na nababasa nila o kaya ay nag-fast forward na pero mali ito.

Halimbawa:
"Hindi siya nakaimik dahil hindi niya rin alam ang isasagot. Ang alam niya lang ay ayaw niya sa lalaki. Sa tuwing nakakasama at nakikitang malapit ang lalaki sa kanya, kumukulo ang dugo niya

***

TULALA si Megan dahil sa tagal ng biyahe nila ni Jairus. Kapag kasama niya kasi ito, bumabagal ang oras."

Idaan mo ito sa narration. Ito ang halimbawa ng narration na tinutukoy ko na walang paggamit ng asterisks at pag-capitalize ng unang salita ng panibagong scene:

"Hindi makaimik si Megan dahil hindi niya alam ang kaniyang isasagot. Ang tanging alam niya ay ayaw niya kay Jairus. Sa tuwing nakakasama at nakikita niya itong lumalapit sa kaniya ay kumukulo ang kaniyang dugo.

Tahimik niyang kinain ang kaniyang almusal at pagkatapos ay lumabas kasama ang kaniyang ina upang ihatid sila ni Jairus.

Nakatulala si Megan sa buong biyahe niya kasama si Jairus dahil sa tagal nilang nasa daan. Para sa kaniya ay bumabagal ang oras tuwing kasama niya ang binata."

Nabasa ko rin ang palitan ng message ni Megan at Ethan sa isang chapter. Siguro ay gawin mo na consistent ang alignment ng message nila Megan at Ethan. Halimbawa, sa kaliwa naka-align ang mga messages ni Ethan habang nasa kanan naka-align ang mga messages ni Megan upang hindi malito ang mga readers.

Maliban sa mga nabanggit ko sa itaas ay wala na akong puna sa narration mo.

🎀 MESSAGE FROM THE CRITIC:

Hindi ako professional pagdating sa pagbibigay ng critic at nagbabase lamang sa aking nalalaman. Paumanhin kung kakaunti ang nilalaman ng aking critique na naibigay o kung mayroon mang mali sa aking mga nasabi sa itaas.

Maliban dito, ipagpatuloy mo ang iyong pagsusulat. Salamat sa pagtitiwala sa aming critique shop sa pagbibigay ng critique sa iyong story.

Edit: (as of 08/24/20)

Paumanhin kung natagalan ang pagbibigay ko ng critique sa iyong storya. Ginawa ko rin noong panahon na 'Finally Fallen' pa ang title ng story mo at hindi 'Farewell in Tears'. Naging abala ako sa pag-aasikaso ng mga requirements ko para sa school at nakalimutan na kung naibigay ko ba ito o hindi sa namamahala ng critique shop.

Muli ay humihingi ako ng paumanhin sa aking nagawang pagkakamali. Sana ay maintindihan ninyo ang aking panig.

Arcane's Critique Shop 2.0Where stories live. Discover now