Review 36

156 5 3
                                    

Critique made by: elsense

Book: Alchemic Chaos: Fate
Author: KyriaArtemisa_

[Note: Hi, aspiring writer! Everything that I encoded here is according to my knowledge as a critic

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

[Note: Hi, aspiring writer! Everything that I encoded here is according to my knowledge as a critic. I do not intend to offend you as well your proofreader with this critique but rather, I am doing this for your improvement.]

🎀 TITLE: 

Wala akong problema sa title. 

🎀 BOOK COVER:

Wala akong problema sa book cover. Readable ang title at hindi magulong tignan. ‘Yung color palette and background nung dalawang subject ang mas nakapagpa-justify doon sa title ng story. 

🎀 STORY DESCRIPTION: 

‘Yung unang sentence mo, sa una kong basa, hindi ko naintindihan kung ano ‘yung gusto mong iparating. 

"Tunay ngang mapanganib ang mahika't kapangyarihan sa kadahilanang iilan na lamang ang hindi naiisanla ang kaluluwa sa dilim upang makamit ito."

Binasa ko ulit siya at sa pagkakaintindi ko rito, mapanganib ang mga mahika dahil iilan na lang sila na hindi isinasangla ang kaluluwa para makuha ‘yung power na gusto nila. 

Reconstruct the sentence dahil may maling words na naka-input kaya magulo. Ang kapangyarihan at mahika ay iisa lang ang thought kaya 'wag pagsamahin sa iisang sentence.

Suggestion
“Tunay ngang mapanganib ang mga mahika. Sa paghahangad ng karamihan para sa kapangyarihan, handa nilang isangla ang kanilang mga kaluluwa sa pwersa ng kadiliman...”

Next:
 ANG MGA ALKEMISTA - ang mga pinaniniwalaang makapangyarihan sa buong kontinente.  Mga piling nilalang na nabiyayaan ng kakayahan upang gumamit ng mahika…

- Iwasan ang redundancy ng mga words sa isang sentence. Specifically, ‘yung pag-uulit mo ng “ANG MGA”. 

Continuation
“Mga nilalang na itinuturing na bayani at tinitingala dahil sa ginawang kabayanihan noong unang digmaan laban sa mga pwersa ng dilim.”

- Sa sentence na ‘to, nabanggit mo na itinuturing silang mga bayani. Therefore, it’s obvious na may ginawa silang kabayanihan to be called heroes so no need to reason this out. 

Continuation
Mga magigiting na ibinuwis ang buhay para sa kapalaran ng buong kontinente. 

Mga nilalang na mahirap nang hagilapin dahil sa uhaw ng karamihan sa mahika at kapangyarihan. Handang isanla ang kaluluwa sa dilim!

- Nabanggit mo na sa mga naunang paragraph na itinuturing silang mga bayani dahil sa pakikidigma. Sa isang digmaan, it’s obvious na may magbubuwis ng buhay. Nabanggit mo na rin sa una ‘yung tungkol sa marami ang uhaw sa kapangyarihan kaya nagagawa nilang isangla ang mga kaluluwa nila sa dilim kaya hindi mo na kailangang i-emphasize pa kasi nauulit lang ‘yung thought. 

Arcane's Critique Shop 2.0Where stories live. Discover now