Chapter 1.1: Ang Paglalakbay Sa Ibang Mundo. (7/15/2020)

1.6K 82 3
                                    


Chapter 1.1: Ang Paglalakbay Sa Ibang Mundo.

Written By: Cristina de Leon

TAKBO nang takbo si Artemis na tila wala nang katapusan. Kasalukuyan siyang hinahabol ng pulis na si Napoleon. Kaklase niya noong college na tila ginawa ng misyon sa buhay ang paghuli nito sa kanya.

Nakarating siya sa bangin kung saan ang babagsakan niya ay isang napakalalim na dagat. Napalunok siya nang masigurong malalim nga ang dagat sa ibaba, siguradong ikamamatay niya kapag nalaglag siya roon.

"Mabuti pa siguro kung sumuko ka na lang, Artemis dahil wala ka nang matatakbuhan pa. Ang tagal mo na akong pinahirapan pero ngayon, wala ka nang kawala. Sumuko ka na," sabi nito na malamig ang tingin na ibinigay sa kanya.

Yeah, they're old classmates before but it doesn't mean that they're friends. Simula noong magpulis ito, naging mortal na silang magkaaway.

"Mamamatay muna ako bago mo ako mahuli. Tandaan mo 'yan, Napoleon!"

"At mas pipiliin mo pa talaga iyon bago ka magbagong buhay? Marami kang pinatay na tao!"

"Mga tao na masasama at halang ang mga kaluluwa! Nararapat lang sa kanila ang mamatay!"

"May batas tayo para roon. Kaya nga may mga pulis, hindi ba?"

Tumawa siya ng malakas. "Wala na akong tiwala sa batas, Napoleon. Dahil ang batas mismo na nababayaran ang dahilan kung bakit namatay at hindi nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko at kapatid ko!"

"But still, hindi pa rin ikaw ang Diyos! Kahit pa sabihin na puro masasamang tao lang ang pinapatay mo, hindi ka pa rin dapat kumikitil ng buhay ng iba!"

Muli niya itong tinawanan. "Isa 'yang bagay na madaling sabihin ng isang tao na lumaki sa karangyaan at hindi nakaranas ng paghihirap at injustice sa buong buhay nila. By the way, ngayong naipaghiganti ko na sa wakas ang pamilya ko, wala nang dahilan para manatili pa akong buhay, maaari na rin akong sumama sa kanila sa kabilang buhay."

"What? Don't tell me—"

"Good bye, Mr. Napoleon Cervantes. See you on my next life!" Iyon lamang at walang pag-aalinlangan na tumalon siya sa bangin at sinalo siya ng pagkalalim-lalim na dagat.

Marami siyang nalunok na tubig nang bumagsak siya sa dagat. Pinilit niyang lumangoy pero inanod lang siya ng napakalakas na alon ng dagat hanggang sa unti-unti na siyang hindi makahinga at pandiliman ng paningin. Iyon na ang huli niyang naaalala.


-------------------------

"Lady Ling! Gumising po kayo! Hindi pa po kayo maaaring mamatay!"

Isang malakas na boses ng babae ang naririnig ni Artemis sa kamalayan niya. Unti-unting nagmulat ang mga mata niya at mukha ng umiiyak na dalagita ang nakita niya pero nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang pamilyar na mukhang iyon. May kaliitan ang mukha nito, singkit at manipis ang labi. Tantiya niya, ang height nito ay hindi pa umabot sa 5 feet. Sobrang cute nito lalo pa at curly ang buhok nito na para itong isang prinsesa kahit parang basahan ang suot nito.

Hindi siya maaaring magkamali, ito ay ang kapatid niyang si Sofia! Ang namatay niyang kapatid 5 years ago!

"Sofia, buhay ka! Kapatid ko!" Agad niyang sinugod ng yakap ang dalagita habang umiiyak. Nabuhay ang kapatid niya!

"Lady Ling?" Parang gulat na gulat naman ito sa ginawa niya.

"What is happening to you? Are you crazy?!" Isang boses naman ng lalaki ang narinig niya.

Nang maghiwalay sila ng yakap ni Sofia ay isang matandang lalaki ang nakita niya na naroon din sa gilid ng kama na kinahihigaan niya. Kayumanggi ang balat nito, may balbas sa baba at bigote. Ang buhok nito ay nakatali din paitaas. Masasabi niya sa kabila ng edad nito ay gwapo pa rin itong tingnan. Pero ang pinagtataka niya ay ang kasuotan nito! Para silang nasa isang lugar kung saan ang mga kasuotan ay nanggaling sa ancient China!

Wait, nasa China ba siya? Pero ang pagkakaalam niya, modern clothes na rin ang suot ng mga nasa China ngayon, nagsusuot lang ang mga ito ng mga traditional clothes kapag may mga ceremony na ginagawa katulad ng kasal or other traditional activities. At kung nasa China nga siya, bakit niya naiintindihan ang sinasabi ng mga ito?!

Ang pagkakaalam niya ay nalunod siya matapos niyang tumalon sa bangin dahil sa kakahabol sa kanya ni Napoleon.

"Nababaliw ka na ba talaga, ha, Ling? Nang dahil lang hindi ka napili para maging crown princess ay papatayin mo ang sarili mo? Ano ba talaga ang gusto mo? Ang ipilit mo ang sarili mo sa crown prince?! Ilang beses ka na niyang tinanggihan, hindi ba? Panahon na para maghanap ka ng isang lalaking totoong magmamahal sa 'yo at ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Master Yue! Anak siya ng Duke, hindi na rin nalalayo ang posisyon niya kung ikukumpara sa crown prince at bukod doon, mahal na mahal ka niya. Bakit hindi mo man lang siya bigyan ng pagkakataon?!"

Maraming sinasabi ang lalaki sa gilid ng kama niya pero sa totoo lang, sumasakit lang ang ulo niya na marinig ang boses nito.

"Master Yan, sa tingin ko po ay hindi pa maayos ang pakiramdam ni Lady Ling. Mas maganda siguro kung hayaan po muna natin siyang magpahinga—"

"Sino ka para mag-advice sa akin? Alipin ka lang!" pagsigaw ng matandang tinawag ni Master Yan sa kapatid niya.

"Huwag mong sinisigawan ang kapatid ko na matanda ka!" Hindi na siya nakapagpigil at sumagot na siya. Hindi siya makapapayag na apihin nang kahit na sino ang kapatid niya.

"Kapatid? Paano mong naging kapatid ang alipin na 'yan? Hindi mo ba natatandaan na Aya ang pangalan niya at hindi Sofia? At ano ang tinawag mo sa akin? Matanda?! Wala kang galang! Nabagok na ba ang ulo mo kaya ka ganyan magsalita?!" Tila hindi makapaniwala ang lalaki na may sumagot dito ng pabalag. Pero sa totoo lang, wala siyang pakialam sa nararamdaman nito.

Kung ganoon, kamukha lang ng Aya na ito ang kapatid niyang si Sofia?

"Master Yan, I'm sorry to say this but I guess, your servant is right. Mukhang kailangan pa munang magpahinga ni Lady Ling ngayon. Talaga ngang nabagok ang ulo niya at sa tingin ko, nagdurusa siya ngayon sa isang sakit ng pagkalimot." Sumabat na sa usapan ang isang matandang lalaki na naroon din sa kwartong iyon. Sa tingin niya ay isa itong doktor.

"Sakit ng pagkalimot? What is that? Ikamamatay ba iyon ng kapatid ko?" nagtatakang tanong naman ng isang babae na naroon na sa tingin niya ay halos kasing edad din niya.

"Isa iyong kondisyon kung saan ang pasyente ay hindi natatandaan ang kanyang pagkatao. Minsan, may mga sintomas din na ang akala niya ay ibang tao siya o ibang tao ang mga nasa paligid niya. Katulad ng pagtawag niyang kapatid sa alipin niya. Isa iyon sa mga senyales ng sakit na mayroon siya," pagpapaliwanag ng doktor.

"Honey, I think tama si Dr. Lu. Hayaan na muna natin na makapagpahinga si Lady Ling," sabi naman ng katabi ni Master Yan na may edad na babae.

Bumuntong-hininga ang matandang lalaki saka na tumayo ang mga ito para umalis.

"Aya, ikaw na ang bahala sa amo mo. Siguraduhin mo na makakausap na namin siya ng maayos kapag pumunta kami ulit dito," habilin ng matandang lalaki sa kapatid niya na tinawag nitong 'Aya'.

"Masusunod po, Master Yan," sabi naman ni Aya.

Hindi na siya nagsalita para umalis na ang mga tao na nasa paligid niya. Kung mayroon man siyang gusto ng mga panahon na iyon ay iyon ay walang iba kundi katahimikan. 

- TO BE CONTINUED...

The Goddess of BeastsKde žijí příběhy. Začni objevovat