Chapter 4.1: Ang Masamang Balita (8/4/2020)

950 59 2
                                    


AUTHOR'S NOTE:

Back to work na kami ulit kaya medyo busy na. I will still try to update on my rest day kaya I hope makapagcomment din kayo about the story para ganahan naman ako. Hahaha!

Salamat sa mga nagbabasa nito. God bless...

------

Chapter 4.1: Ang Masamang Balita

Written By: Cristina de Leon

NASILAW sa sinag ng araw si Ling nang magising siya kinabukasan. Mayroong isang babae ang nag-aayos ng kurtina sa loob ng kwarto niya.

"Nasaan si Aya?" nagtatakang tanong niya. Kung mayroon mang dapat na naglilinis sa loob ng kwarto niya ay ito dapat iyon dahil kahit marami siyang maid, si Aya lang ang pinapayagan niyang pumasok sa loob ng kwarto niya ayon na rin dito.

"Magandang umaga po, Lady Ling. Ako po si Ming. Ako na po ang mag-aasikaso sa inyo simula ngayon." Bahagya pa itong yumukod bilang paggalang sa kanya.

Bigla siyang napabangon sa pagkakahiga dahil sa narinig. "What do you mean by that? Nasaan ba si Aya?" nakakunot ang noo na tanong niya.

Hindi sumagot ang maid.

"I'm asking you. Nawalan ka na ba ng dila?" parang siga na tanong niya. Ayaw naman niyang maging rude pero ang ayaw niya sa lahat ay iyong nagsasalita siya tapos walang imik ang kausap niya.

"I'm sorry, Miss Ling, hindi ko po pwedeng sabihin sa inyo?" nakayukong sabi nito.

Sa sobrang inis niya ay tumayo na siya sa kama at hinila ang kwelyo ng damit nito.

"Sasabihin mo sa akin o sasapakin ko 'yang mukha mo?"

Parang tinablan naman ng takot si Ming. Dati na niya itong maid noon pa man at kahit hindi ito ang head maid, alam niya na isa ito sa mga nakaranas ng pagiging bayolente ng dating Ling noon. Ayon kay Aya, hindi raw mabait ang 'dating siya'. Marami raw siyang natapakan na mga taong maliliit sa kanya. Hindi rin naman niya masabi na naiiba siya sa dating Ling dahil sa totoo lang ay aminado siya na may pagkamaldita rin siya, pero syempre, nasa lugar naman. Hindi naman siya bayolente sa mga taong wala namang ginagawang masama sa kanya. Kung ang dating Ling ay bayolente dahil lang laki ito sa yaman at spoiled na simula bata pa lang, siya naman ay laki sa hirap na mananakit lang kung 'kinakailangan' at sa tingin niya, mukhang kailangang matakot ng babaeng nasa harapan niya ngayon para mapagsalita niya ito.

"Hindi na po ninyo makikita si Aya dahil pinahihirapan na po siya roon sa dungeon. Wala pa akong nakitang alipin na nakalabas doon ng buhay..."

"What?! Natulog lang ako, ikinulong na nila ang personal maid ko? Mga walanghiya sila!"

"Lady Ling, huwag po kayong magalit. May ginawa pong kasalanan si Aya at alam naman po niya ang kaparusahan sa mga alipin na nakakagawa ng kasalanan kaya sa tingin ko ay tanggap na rin niya kung ano man ang sasapitin niya—"

"Kung siya tanggap niya na, ako, hindi pa! Hindi ka man lang ba nag-aalala sa kanya? Alipin din siya na katulad mo at kung mayroon mang may kasalanan dito ay ako iyon, hindi siya! Hindi niya deserve mamatay ng dahil lang sa walang kakwenta-kwentang bagay!" Galit na galit na lumabas siya sa kwarto. Ni wala siyang suot na tsinelas sa paa, magulo ang buhok at nakapangtulog lang siya.

"Lady Ling! Huwag po kayong lumabas na ganyan ang ayos! Mapapagalitan po ako ng General!" Takot na takot na sinundan siya ni Ming hanggang labas pero tumakbo siya at dahil may pagkalampa ito, ni hindi man lang ito nakahabol sa kanya. Tuluyan na siyang nawala sa paningin nito nang may talunin siyang isang hindi kataasang pader. Tumalon siya sa kabilang bahagi niyon at agad na pinuntahan ang dungeon kung nasaan ang kinaroroonan ni Aya. 

- TO BE CONTINUED...

12. The Goddess of BeastsWhere stories live. Discover now