Chapter 4.3: Ang Paghihiwalay

1K 67 5
                                    

Chapter 4.3: Ang Paghihiwalay

Written By: Cristina de Leon

UNTI-UNTING nagmulat ng mga mata si Aya at ang berdeng kulay ng langit at huni ng mga ibon ang nasilayan niya. Naramdaman niya na medyo masakit ang katawan niya pero hindi katulad noong bago siya mawalan ng malay, ngayon ay medyo magaan at malinis na ang pakiramdam niya.

"Mabuti at gising ka na." Isang malamig na boses ng isang babae ang narinig niya.

"L-Lady Ling..." Bumangon siya sa pagkakahiga at nilibot ang paningin sa paligid. Nasa isang sapa sila at nakahiga siya sa damuhan habang si Lady Ling naman ay nakaupo sa isang may kalakihang bato kung saan sa harap nito ay may sinigaang apoy.

"Wala na tayo sa mansyon? Nasaan po tayo, Lady Ling?" nagtatakang tanong niya. Napatingin din siya sa sarili. Malinis na ang damit na suot niya, hindi katulad noon na puro dugo iyon galing sa mga sugat niya at napunit din ng lalaking nagtangka sa puri niya.

Pero ang mas ikinagulat niya ay nang makita na maging si Lady Ling ay nakapangsuot na rin ng pang-aliping damit at higit sa lahat, nakadisguise na naman ito bilang isang lalaki!

Oo at nakaladlad ang mahaba at unat na unat na buhok ni Lady Ling pero dahil matangkad din ito at pilit na itinatago ang kalakihan ng dibdib, idagdag pa ang boyish na porma nito ngayon, nagmumukha itong lalaki sa paningin niya.

"Tinulungan ako ng guard na hinostage ko para makaalis doon. Binigyan niya ako ng karawahe at mga malilinis na damit ng mga aliping babae para may maisuot sa 'yo. Halos tatlong araw din akong walang tigil na nangabayo para lang makalayo sa mansyon at magpunta rito sa malayong bundok kung saan wala sigurong magkakaroon ng idea na pupuntahan natin. Sa layo ng nilakbay natin, sa tingin ko ay mahihirapan din sila na hanapin pa tayo," paliwanag nito.

"Tatlong araw na po ang lumipas? Ganoon po ako katagal nakatulog?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Sa totoo lang, sa dami ng sugat na natamo mo dahil sa ginawang pagpapahirap sa 'yo, nakakagulat pa nga na nagising ka sa loob lang ng tatlong araw. Araw-araw kong nililinisan at ginagamot ng mga halamang gamot ang mga sugat mo para maghilom. Mabuti na lang at magaling ka na," sabi nito na parang wala lang.

Biglang nabalik sa isipan niya ang mga nangyari bago siya mawalan ng malay. Iyong mga sandali na ang akala niya ay katapusan na niya at tinitiis niya ang halik ng isang lalaki na pwede na niyang maging ama sa tanda. Paulit-ulit niyang tinatawag sa isipan niya ang pangalan ni Lady Ling at nagdadasal siya sa Diyos na sana ay makita man lang niya ito bago siya mamatay at nangyari naman iyon pero hindi ang ganda ng mukha nito ang una niyang nasilayan kundi ang napugot na ulo ng lalaking namamantala sa kanya.

Bigla siyang nanginig sa takot muli ng maalala ang nangyari.

"Pagkatapos ng nakita mong ginawa ko noong iniligtas kita, hindi na ako magtataka kung matakot ka na rin sa akin. Wala na tayo sa mansyon ng mga Yan kaya simula ngayon ay hindi na rin kita alipin. Wala ka nang obligasyon sa akin at wala na rin akong obligasyon sa 'yo."

Nanlaki ang mga mata niya nang dahil sa narinig. "Iiwan n'yo na ako, Lady Ling?" Nangilid ang luha sa mga mata niya.

"Hindi ako ang Lady Ling mo."

Nangunot ang noo niya sa narinig. "Hindi ka ba nagtataka na bigla akong nagbago simula nang magkaroon ako ng malay mula sa 'pagpapakamatay' ng totoong Lady Ling mo? Iyon ay dahil hindi ako siya."

Mas lalong sumakit ang ulo niya dahil sa narinig. "Hindi ko po maintindihan. Ano po ang ibig ninyong sabihin?"

Bumuntong-hininga ito. "Hindi ako si Ling. Ako si Artemis Floyd. To be honest, iyong nakita mo na pagpugot ko sa ulo ng namantala sa 'yo ay hindi na isang bagay na bago para sa akin dahil sa nakaraang buhay ko bilang si Artemis ay isa akong asassin na kumikitil ng buhay para sa malaking halaga. In fact, ang huling naaalala ko mula sa nakaraang buhay ko ay ang paghabol sa akin ng isang pulis na gusto akong hulihin at dahil mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa sa makulong, tumalon ako sa isang malalim na dagat. Paggising ko ay nandito na ako sa mundong ito. Nasa katauhan na ako ng Lady Ling na tinatawag mo..."

12. The Goddess of BeastsWhere stories live. Discover now