Chapter 9.2 : A Night Without Lady Ling (9/2/2020)

1.4K 82 56
                                    

Chapter 9.2 : A Night Without Lady Ling

Written By: Cristina de Leon

GABI na pero hindi pa rin bumabalik sa kampo si Aya kaya naman naisipan ni Zhen na hanapin na ang cute na cute at inosenteng 'kapatid' ni Ling.

Naisip niya na pumunta sa dalampasigan kung saan niya ito unang nakita noon at hindi nga siya nagkamali dahil naroon nga ito.

"Aya, let's go back. Malamig na, baka magkasakit ka pa. Ano na lang ang sasabihin ko kay Lady Ling kapag nangyari iyon?"

Kinalabit nga niya ito at nanlaki ang mga mata niya nang makita na umiiyak nga ito!

"Aya, are you alright?" Nag-alalang tanong niya.

Tinabihan niya ito sa kinauupuan nito sa buhangin. Pinunasan naman nito ang luha nito.

"Tama ka, Master Zhen. Tama ka sa lahat ng sinabi mo. Siguro nga, ganoon ang nararamdaman ko para kay Lady Ling. Ayaw ko lang aminin sa sarili ko dahil alam ko na wala namang mangyayari. Kasi alam mo kung bakit? Dahil tama ka sa sinabi mo, parehas kaming babae. Kapag nalaman ng iba ang tungkol dito, sigurado ako na pagtatawanan ako at pandidirihan lalong-lalo na si Lady Ling! Ayaw kong maramdaman niya iyon sa akin!"

Hinawakan niya ang kamay nito. "No one will know aside from me, I promise..." pangako niya rito.

Natigilan naman ito pero maya-maya ay nag-umpisa na rin sa pagkekwento.

"Hindi ko rin maintindihan kung bakit bigla ko na lang naramdaman ito, Master Zhen. Simula pagkabata pa lang namin ay magkasama na kami pero never kong naramdaman na parang may something na sa akin. Pero simula noong ma-coma ang katawan ni Lady Ling at naging si 'Artemis' na ang kaluluwa na nasa katawan niya ay bigla na akong nakaramdam ng kakaiba. Hindi ako sigurado sa pagkatao ko dahil never naman akong nainlove sa buong buhay ko. Basta ang alam ko lang ay masaya ako na makasama ko si Lady Ling," pag-amin na na nito.

"Noong dumating ka, lalo akong naconfuse. Kasi nakakaramdam din ako ng attraction para sa 'yo dahil gwapo ka, mabait at makapangyarihan."

Naging prangka na rin si Aya. Alam naman kasi nito na kahit magsinungaling pa ito or magdahilan, nababasa niya ang isip nito kaya wala na ring sense kung maglilihim pa ito.

"Pero narealize ko na iyong attraction na nararamdaman ko para sa 'yo ay walang-wala kumpara sa nararamdaman ko para kay Lady Ling. Masaya ako sa tuwing kasama ko siya at gagawin ko ang lahat para sa kanya kahit pa ialay ang sarili kong buhay. Sa tingin ko, hindi ko makakayang mabuhay nang wala siya. Kaya sobrang lungkot ko nang sinabi ni Lady Ling na sasama ka na sa amin. Dahil alam ko na kung ikukumpara sa 'yo ay walang-wala ako. Sa bandang huli, kumpara sa akin ay ikaw pa rin ang pipiliin niya. Dahil isa lang naman akong alipin, e. Siguro nga ay kaibigan ang tingin niya sa akin pero ang isang asawa niya katulad mo ay mas magiging matimbang kaysa sa isang kaibigan. Sa bandang huli, wala akong ibang pwedeng gawin kundi ang tingnan na lang siya sa malayo habang masaya siya kasama mo." Tuluyan na namang umiyak si Aya.

Napabuntong-hininga na lang siya. Hindi niya magawang yakapin ito dahil hindi naman siya marunong mag-alo ng isang tao. Hindi niya alam kung ang pagyakap ba rito ay makakatulong para rito.

"You know what? Hindi ko alam kung paano kang lumaki pero napansin ko lang na sobrang baba ng tingin mo sa sarili mo," prangka na rin na sabi niya.

"Lumaki ako bilang isang alipin, Master Zhen. Hindi katulad mo na isang Diyos simula noong ipinanganak pa lang. Makapangyarihan ka habang ako naman ay mahina. Ang mga katulad ko ang itinuturing na pinakamababang tao sa mundo ng Paraiso. Tanging si Lady Ling lang ang nagpakita sa akin ng halaga at nagparamdam sa akin na tao rin ako na dapat na respetuhin at mahalin. Kung nagkapalit lang tayo ng kapalaran, masisiguro ko sa 'yo na magiging mababa rin ang tingin mo sa sarili mo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

12. The Goddess of BeastsWhere stories live. Discover now