Chapter 6.1: The Prince's Obsession.

1K 64 6
                                    

"WALA PA RING balita kay Lady Ling? May ginagawa ba talaga kayo?!"

Halos mapaigtad sa gulat si General Yan nang naghagis ng kopita ng alak sa gilid niya si Prinsepe Amir. Mabuti na lamang at nakailag siya dahil kung hindi ay baka tinamaan na siya niyon.

Naroon sila sa Yan Manor at inimbitahan niya itong maupo sa sala. Naroon din sina Madam Rohan at Lady Soi na tahimik lang at ito naman, tanging ang personal guard lamang nito na si Rem ang kasama.

Pumunta pa talaga ang mga ito sa mansyon nila para lang makibalita dahil ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin nila nakikita ang anak at ang maid nito.

"Ginagawa naman namin ang lahat ng makakaya namin, Prinsepe Amir. Nilibot na ng mga alagad ko ang halos lahat ng mga lugar o syudad na malapit dito pero hindi pa rin nila makita ang anak ko—"

"How about the guard who helped them to get away? The one who provided them food, clothes and carriage? Don't he know anything?" pagputol ng prinsepe sa sasabihin niya.

"Naparasuhan na po siya ng kamatayan nang dahil sa ginawa niya—"

"At talagang pinatay mo agad ang tanging tao na maaaring magbigay sa atin ng clue kung nasaan si Lady Ling? Puro muscle na lang ba ang laman ng utak mo, ha, General Yan?!" pagsigaw ng prinsepe.

Natahimik naman ang General at nagyuko ng ulo. Sa totoo lang, insulto para sa kanya na masigawan ng isang tao na mas bata pa kaysa sa kanya pero alam niyang hindi siya maaaaring lumaban. Kahit pa isa siyang General, mas mataas pa rin ang posisyon ng prinsepe kaysa sa kanya at bilang nag-iisang crown prince na magiging hari rin in the future, kapag ginusto nito na ipapatay siya at kahit ang buong pamilya niya ay wala siyang magagawa.

Bakit ba kasi tumakas ang pasaway niyang anak sa sarili nitong kasal? Isang malaking palaisipan para sa kanya ang ginawa nito dahil bilang ama nito, alam niya na simula pa lang sa pagkabata ay pangarap na nito si Prinsepe Amir. Ngayong ito na ang pinili ng prinsepe, hindi niya maintindihan kung bakit parang ito pa ngayon ang lumalayo sa lalaki. Bukod doon, nag-aksaya pa ito ng panahon para iligtas ang isang alipin.

Ah, imposible na sayangin ni Lady Ling ang buhay nito para lamang sa isang alipin. Sigurado siya na ginawa lang nitong dahilan si Aya para makaalis sa lugar na iyon at dinala nito ang maid nito dahil hindi nito makakayang mabuhay na walang nag-aasikaso rito.

"Laki po sa marangyang buhay ang anak ko. Imposibleng makatagal iyon sa kakarampot na pagkain na mayroon ang karawahe na iyon. At ang pera na dala nila, bagama't malaki ay mauubos din. Babalik din ng kusa si Lady Ling, magtiwala kayo..." sabi niya habang nakayuko.

"Ha. At kailan siya sa tingin mo babalik? Hindi mo ba alam na kapag nalaman ng tao na tumakas siya ay ano ang iisipin nila tungkol sa akin? Na ang isang prinsepe ay inaayawan ng isang babae? Naaannounce na ng ama kong Hari ang engagement namin at kung patuloy pa iyong maaantala, sigurado ako na ang royal family ang mapapahiya. Naisip mo ba iyon?"

Hindi siya nakapagsalita. Nang dahil sa ginawa ni Lady Ling ay ang buong pamilya nila ang mapapahamak. Sa Paraiso, ano mang kasalanang ginawa ng isa ay kasalanan ng lahat ng myembro ng kanyang pamilya. Kaya kung anumang dumi ang ginawa ng anak ay kailangan niya iyong linisin.

"Pinapangako ko po sa inyo, Prinsepe Amir, mahahanap ko rin siya—"

"I'll give you one week to find her. Kapag hindi mo pa rin siya makita ay ako na ang gagawa ng aksyon para hanapin siya. Naiintindihan mo?" panggigipit nito.

"Masusunod, mahal na prinsepe."

Iyon lamang at umalis na si Prinsepe Amir at ang personal guard nito na si Rem. Nakahinga sila ng maluwag sa wakas at niyakap pa siya nina Madam Rohan at Lady Soi na halatang kabang-kaba rin sa nangyayari.

"Daddy, ano ang gagawin sa atin ng royal family kapag hindi nakita natin nakita si Ling?" nag-aalalang tanong ni Lady Soi.

Bumuntong-hininga siya. "Alam mo naman kung ano ang ginagawa nila sa mga naninira ng pangalan nila, Lady Soi. Kung hindi kamatayan ay maaaring madedemote tayo sa pagiging mahirap kapag hindi pa natin siya makita."

"Bakit kailangan nating madamay nang dahil sa kanya, Daddy? At bakit ba bigla na lang nagkaroon ng pakialam sa kanya ang prinsepe? Kung dati ito nangyari ay baka hinayaan na lang niya ang babaeng iyon. Hindi naman niya ugali na ipilit ang sarili sa isang babae na hindi naman interesado sa kanya, e. Bakit ba kasi hindi na lang ako ang pinili niya!" reklamo ni Lady Soi na tila umaatungal na parang isang bata.

Napaisip din siya sa sinabi ng anak. Totoo nga iyon, kahit siya ay may pagtatangka kung bakit sa iglap ay parang si Prince Amir na ang obsess kay Lady Ling. Iyong pagsigaw nito kanina ang unang pagkakataon na nakita niya na nawala sa composure nito ang prinsepe. Kadalasan, kahit galit ito ay itinatago lang nito at pailalim ito kung gumanti pero ngayon, nagawa pa siya nitong sigawan.

Hindi kaya paraan lang ito ni Lady Ling para makuha ang atensyon ng prinsepe? Iyong nagpapahabol ito at sinasadya na ipakitang walang interes para lalo itong kabaliwan ng lalaki?

Sa ugali ng anak niya ay posible ngang tama ang nasa isip niya. Palabas lang ni Lady Ling ang lahat at isang araw ay babalik na lang ito para maging asawa na ni Prinsepe Amir. Kapag sinuwerte ito na tuluyang makuha ang puso ng prinsepe ay baka ito po ang gawing crown princess ng lalaki. Kapag nangyari iyon mas lalo pang lalakas ang kapangyarihan ng pamilya nila.

- TO BE CONTINUED...

12. The Goddess of BeastsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ