Chapter 2.1: Goblin (7/19/2020)

1.1K 69 0
                                    

Chapter 2.1: Goblin

Written By: Cristina_deLeon


ANG AKALA ni Artemis ay hindi na siya masyadong magugulat kapag pumunta siya sa labas pero mas nakakagulat pala talaga kapag makikita mo na ang mga tao sa paligid mo, lahat ay nakasuot ng mga ancient clothing.

Kasalukuyan silang nasa market ngayon at lahat ng tao sa paligid ay busy sa kani-kanilang ginagawa. May mga couples na nagbobolahan, may mga nagtitinda at bumibili, mga nagtatakbuhang bata at may mga namamalimos sa kalye.

Iba't-ibang mga makakalumang bagay din ang mga nakikita niya sa paligid niya. Sa tingin niya, ang mundong kinaroroonan niya ngayon ay parallel world ng Earth. Iyon nga lang, hindi pa modern at nasa makalumang teknolohiya pa rin.

Isa siyang assasin at hindi naman siya mahilig sa rangya ng buhay pero sa tingin niya, mamimiss pa rin niya ang paggamit ng internet, cellphone, aircon, tv at kung ano-ano pang mga makabagong bagay. Makakatagal kaya talaga siya rito?

"Ayos lang po ba kayo, Lady Ling?" untag sa kanya ni Aya. Napansin yata nito na natutulala siya sa paligid niya.

"Paano ninyong kinakaya rito na nakasuot palagi ng mahahaba kahit mainit naman? Pati ang mga babae, parang normal lang na nakamake up kahit wala namang okasyon—"

"Ang mga may kayang babae lamang po ang obligado na magmake up sa lahat ng oras, Lady Ling. Katulad po ninyo, isang makapangyarihang tao ang ama ninyo. Dapat po, palagi kayong maayos at presentableng tingnan. Kaya nga po ngayon, natatakot ako na baka may makakilala sa inyo at makakita na ganyan ang ayos ninyo. Malalatigo ako kapag nalaman ng General na hindi ko man lang kayo inayusan," pagpaliwanag ni Aya sa kanya.

Well, tama nga naman ito. Sa sobrang excited niyang makaalis ng mansyon ng mga Yan, ni hindi na siya nagmake up at pinuyod lang niya ang buhok niya. Bukod doon, ang sinuot niya ay damit panlalaki na pinakuha niya kay Aya. Ang sabi nito, damit daw ng isa sa mga alipin na lalaki ng mansyon ang pinasuot nito sa kanya. Kapag daw kasi damit ng isa sa mga kapatid niyang lalaki ang kinuha nito at may nakahuli rito, kamatayan nito ang kapalit. Kinuha raw nito iyon ng palihim sa kwarto ng lalaking alipin.

Hindi kasi niya matake na magsuot ng mahabang kasuotan katulad ng sinusuot ng mga babaeng nakikita niya roon. Nasanay siyang nakapantalon lang at nakapuyod lang in the past kaya mas gugustuhan pa niya na magsuot na lang ng damit ng panlalaki dahil mas nakakagalaw siya at nakakakilos.

Buti na lang din at hindi gaanong kalakihan ang dibdib niya kaya naitago niya iyon. Ngayon ay nakatago siya sa katauhan ng isang lalaki.

Biglang nanlaki ang mga mata niya nang makakita siya ng isang tila Goblin na nakatuntong sa balikat ng isang lalaki na nagdaan sa harapan nila. Berde ang balat ng goblin, mahaba ang ilong nito at ang tenga nito ay parang sa mga elf. At ang buhok nito? Tatlong hibla lang. Hindi siya maaaring magkamali, hindi isang hayop ang nilalang na iyon na kasing liit ng isang duwende. Isa iyong goblin!

- TO BE CONTINUED...

12. The Goddess of BeastsWhere stories live. Discover now