Chapter 7.4: Parallel World. (8/20/2020)

863 63 6
                                    

Chapter 7.4: Parallel World.

Written By: Cristina de Leon

"She's not really, Sofia because she have no memory of her but like you and Ling, she is the equivalent of Sofia's soul in this world. Their souls are just the same but still different."

Nang dahil sa sinabi ni Zhen ay tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata niya.

"Ang tagal kong humiling sa mga Diyos na sana ay ibalik nila sa akin ang kapatid ko na halos ako na ang nagpalaki noon at tinupad nga nila iyon. I mean, tinupad mo. Hindi ako makapaniwala. Kaya naman pala sobrang gaan ng loob ko kay Aya... Siya pala talaga ang kapatid ko..." umiiyak na sabi niya sa pagitan ng pag-iyak.

Hinawakan ni Zhen ang kamay niya. "Kung gusto mong ibalik kita sa totoo mong mundo ay maaari ko pa iyong gawin, Lady Ling. Noong dinala ko ang kaluluwa mo sa mundong ito ay 15% lamang ng kapangyarihan ko ang nagamit ko. Sa kasalukuyan ay mayroong pa akong 50% na enerhiya na natitiwa sa katawan ko. Magagawa ko pa rin na dalhin ka roon pabalik sa pamamagitan ng paggamit ng 20% pa."

"Kung gagawin mo iyan, 30% na lang ang matitira sa katawan mo, hindi ba?"

Tumango ito.

"Ano ang mangyayari sa 'yo kapag ganoon na lang kababa ng enerhiya mo ang matira?"

"Sa umpisa ay magiging isang ordinaryong tao na lamang ako, Lady Ling at mawawala ang lahat ng kapangyarihan na mayroon ako pero kalaunan ay ikamamatay ko rin. Mababa na para sa akin ang 50% ng enerhiya na mayroon ako kaya hindi rin magtatagal ang buhay ko kung mababawasan pa iyon."

"Kung alam mong mangyayari iyon ay bakit mo pa rin gagawin? Gusto mo ba talagang mamatay?" hindi makapaniwalang sabi niya.

"Maybe because I deserve it. Tama ka sa sinabi mo sa akin kanina, I'm really selfish to drag you into this world just to be with me-"

"Ayos na sa akin," pagputol niya sa sasasabihin pa nito.

"Ha?"

"Ang sabi ko ay ayos na sa akin. Tinupad mo lang naman ang hiniling ko noon, hindi ba? Ang sabi ko noon, gusto kong makasama ulit ang kapatid ko and if staying here is what it takes to be with her again, I will gladly do it. I won't leave this world as long as she's here. And you? Pinapatawad na kita. Kaya huwag ka nang masyadong mag-alala. Hindi na ako galit."

Ngumiti na rin sa wakas si Zhen. Para bang nagbukas ang pinto ng langit para rito.

"Pero gusto ko lang iconfirm, kung narito ako sa katawang ito na ang sabi mo ay incarnation ko, saan napunta ang kaluluwa ng totoong Ling?"

"Kalahati na lang ang enerhiya ko ang natira sa katawan ko kaya I'm sorry, Lady Ling, hindi ko na makikita ang Earth to check mula rito. Pero ang tanging ginawa ko lang naman noon, ay ilagay ang kaluluwa mo bago ka pa man tuluyang mamatay sa kabilang mundo papunta sa isang katawan na wala ng laman."

"Wait, ang ibig mong sabihin, buhay pa ang katawang lupa ko sa Earth bago mo inilipat ang kaluluwa ko sa katawang ito?"

"Oo, pero magtatagal lamang ng isang araw ang isang katawan na walang laman, Lady Ling kaya most likely, agad ding mamamatay ang katawang lupa mo sa Earth kung wala pang kaluluwa ang sasanib doon. Tungkol naman sa totoong Lady Ling, dahil sa pagpapakamatay na ginawa niya ay dalawa lang ang posibleng puntahan ng kaluluwa niya. It's either nasa after life na siya or siya ang pumalit sa katawan mo na nasa Earth."

"M-May possibility na nagpalit kami?"

"Oo. Dahil parallel world ng Paraiso ang Earth, nangangahulugan din na mayroon ding langit at impyerno sa mundong ito. At sa iisang dimension, hindi maaaring magsama ang 'dalawang' ikaw sa iisang mundo. Dahil kasalukuyan kang narito sa mundong ito, may possibility na hindi tinanggap ang kaluluwa ng totoong Ling sa langit o impyerno rito kaya may posibilidad na nabuhay siyang muli sa katawan mo na nasa Earth. Dahil din sa law na ito ng mga dimension, kahit pa siguro na hilingin mo na ilagay ko ang kaluluwa ng kapatid mong si Sofia sa mundong ito para makasama mo rin siya ay hindi na maaaring mangyari. Dahil sa mundong ito ay buhay pa ang isang siya, at si Aya iyon."

Doon na niya lubos na naiintindihan ang mga pangyayari. Kaya lamang nagawang mailagay ni Zhen ang kaluluwa niya sa katawang ito ay dahil namatay na ang totoong Ling. At maaaring ngayon ay nabuhay muli sa katawan ng totoong siya. Posible nga kaya na ganoon ang nangyari?

"Kung totoo man na ganoon ang nangyari, magiging challenge para sa kanya dahil hindi madali ang maging ako. Lalo na para sa isang spoiled brat na katulad niya na sanay na nakukuha ang lahat ng gusto? Sa mundong iyon ay kinailangan ko pang maging asassin para lang magkaroon ng magandang buhay. I think we should just forget about this. Wala na rin naman tayong magagawa dahil nangyari na. Hindi lang naman siya ang nahihirapan dahil kahit ako, mapipilitan ako na makibagay sa mundong ito. Besides, I already decided to stay. Kung nasaan ang kapatid ko ay doon din ako," sabi niya.

"But I still can't help myself but to feel bad. Tama ka sa sinabi mo kanina, nang dahil sa pagiging selfish ko ay hindi ko na naisip ang consequences ng ginawa ko. Hindi ko naisip na bukod sa 'yo ay mayroon pang isang ikaw na maaaring maapektuhan."

"Lady Ling wouldn't try to kill herself if she still love her life. Siguro iyon na rin ang mas makabubuti para sa kanya. Iyong magkaroon ng bagong buhay para makapagsimula ulit. Kaya don't feel so bad about it. Dahil sa mundong ito, pinili niya nang pakawalan ang buhay niya, hindi ba?" sabi pa niya.

Natigilan naman si Zhen. Inabot niya ang kamay dito.

"Kaya welcome to our family, Zhen. From now on, I will also treat you like a brother. Kahit pa sabihin na selfish reason lang ang dahilan kung bakit ako narito ngayon, tinupad mo pa rin ang hiling ko na makasama ulit ang kapatid ko kaya ipinagpapasalamat ko iyon sa 'yo," nakangit nang sabi niya.

Saglit pa itong napatitig lang sa kamay niya hangggang sa maya-maya ay nawala na ang pag-aalala sa mukha nito at agad nang hinawakan din ang kamay niya.

Ngayon, may isa na namang myembro ang nadagdag sa pamilya nila...

- TO BE CONTINUED...

12. The Goddess of BeastsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant