Chapter 1.2: Who Am I? (7/25/2020)

1.3K 86 1
                                    


Chapter 1.2: Who Am I?

Written By: Cristina_de Leon

NANG makaalis ang mga tao roon ay saka lang niya naobserbahan ang marangyang kwartong kinaroroonan niya. Mataas ang kisame ng kwarto, malawak din iyon at ang pintura ng bahay, dark red. Ang mga ilaw na gamit ay hindi bombilya kundi mga chinese lanterns na nakikita lang niya noon sa mga pelikula. Wala rin siyang nakikitang kahit anong modernong kagamitan doon. Ni walang tv o electric fan pero malamig pa rin dahil malalaki ang mga bintana at pintuan.

"Nasa China ba tayo?" tanong niya sa kamukha ng kapatid niya.

"China? Ano po iyon? Sa pagkakatanda ko po, wala namang ganoong klaseng lugar sa Paraiso. Nasa Oblivion po tayo."

"Oblivion? Paraiso? Wait, nasa Earth pa ba tayo?" naguguluhang tanong niya.

"Earth? Ano pong Earth?"

"Earth. Iyon ang tawag sa mundo natin, hindi ba?" Hindi niya alam pero kahit siya ang nagtuturo ay parang siya pa ang nagmumukhang engot.

"Earth? Hindi po Earth ang tawag sa mundo natin. Nasa mundo tayo ng Paraiso at ang Oblivion ang isa sa mga bansa ng mundong ito. Lady Ling, masama pa po ba ang pakiramdam ninyo?" Hinapo ng babae ang noo niya at sa totoo lang, kahit wala siyang sakit, pakiramdam niya ay parang gusto niyang magkasakit nang dahil sa nangyayari.

Ang akala niya kanina ay nasa China siya dahil may mga similarity sa China ang lugar na kinaroroonan niya but it turns out na mukhang nasa ibang mundo siya. Pero ang ipinagtataka niya, paanong nangyari ang lahat ng ito?

Saka siya nakakita ng salamin. Agad siyang tumayo sa kinahihigaan at pumunta roon. Tiningnan niya ang sarili sa salamin at napahawak sa mukha niya.

Ang mukhang ito ay akin. Iba lang ang ayos ko pero ito pa rin ang mukha ko, sabi ng isip niya.

"Lady Ling? May problema po ba?" Sumunod sa kanya si Aya.

Agad niya itong tinulak sa kama at pinaibabawan ito. Sinakal niya ito sa leeg.

"Sino ang nagpadala sa 'yo rito para magpanggap na kapatid ko? Nagpaplastic surgery ka pa para lang gayahin ang mukha ng kapatid ko! Si Napoleon ba ang nagpadala sa 'yo rito? Palabas n'yo ba ito para pagtripan ako? Ang magsabi ng mga bagay na talagang magpapabaliw sa akin?!" galit na sabi niya.

"Lady Ling, hindi po ako makahinga..." Nahihirapang sabi nito.

"Talagang mamamatay ka kapag hindi ka nagsabi ng totoo! Sino ka?!" pagsigaw na niya.

"Ako po si Aya. Ako po ang alipin ninyo. Kung hihilingin n'yo po na patayin ako ay hindi po ako lalaban. Para sa inyo lang po ang buhay ko. Handa akong mamatay para sa inyo..." Tuluyan nang lumuha ang dalagita na sinasakal niya.

Hindi niya alam kung bakit pero nakita niya ang sincerity sa mga mata nito. Umiiyak ito at willing ngang mamamatay para sa kanya. Talaga nga bang palabas lang ang lahat ng ito?

Naiirita na niluwagan na niya ang pagkakasakal dito. Ubo naman ito nang ubo.

"Sa maniwala po kayo o sa hindi, hindi ko po talaga alam kung ano ang sinasabi ninyo, Lady Ling pero maniwala po kayo sa akin. Tapat po ako sa inyo simula pa lang noong pagkabata. Hinding-hindi ko po kayo tatraydurin," sabi nito nang medyo makakalma na.

Sa totoo lang, hanga siya sa lakas ng loob nito na hindi tumakbo palayo sa kanya matapos niya itong pagtangkaan na patayin.

"Sabihin mo sa akin kung ano ang mga dapat kong malaman."

12. The Goddess of BeastsWhere stories live. Discover now