CHAPTER 19: Come hell or high water

23 3 0
                                    

Tahimik naming binaybay ang kalsada patungo sa Military Academy. Nasabihan na rin ako ni Ex na makakasabay ko ang class Siklab na nasa huling yugto na ng kanilang training bago maging opisyal na miyembro ng Forces.

Sinamahan ako ng dalawa hanggang sa loob ng magiging silid ko. Nakamasid lang ako sa kanila habang nililibot at ini-inspeksyon ang loob nito. Isa-isang binuksan ni Terrence ang cabinet at closet na naroon. Si Ex naman ay ang banyo ang pinagdiskitahan.

Hindi pa nakuntento ang dalawa at pati lamp shade, gilid at ilalim ng kama, kisame, at bumbilya ay sinuri pang maigi. Halos mahilo ako sa kakapabalik-balik nila.

"What are you two doing?" I asked nang mapagod na sa kakamasid sa dalawa.

"We're just checking. Your room might be bugged or wired," Terrence explained. Nasobrahan naman yata sa pagiging paranoid ang dalawa.

"You can't trust anyone here. After what you found out, they might spy on you," dagdag naman ni Ex.

"Teka nga, 'wag kayong paranoid masyado. I can perfectly look after myself." Pagsisigurado ko sa dalawa. Did I really need to prove them that I could definitely take care of myself without them? Daig pa nila si mommy kung mag-alala.

"We're perfectly aware that you can also put yourself in danger. You're a walking hazard yourself." Hindi talaga matatapos ang araw na ito nang hindi ako babarahin ni Ex. I chose to ignore him than have another endless banter.

Natigil lang sila sa kakaikot nang masiguro na walang anumang bugging devices na naka-install sa kwarto ko.

"Huwag kang makakampante sa lugar na ito. This isn't the same academy that you once had been to," seryosong paalala ni Ex na akala mo ay giyera ang susuungin ko.

"Huwag mo ring kakausapin ang mga cadets dito! Hindi sila kasing maginoo ko! Not even the Delrios," singit naman ni Terrence. Halos mapatampal ako sa noo. Talent talaga niya na laging ibida ang sarili every chance he got. Wala nga sa isip ko ang makipag-close sa kanila dahil mahirap ang magtiwala lalo na sa sitwasyon ko.

Naghintay sila hanggang sa makapagpalit ako ng training clothes. I was advised earlier na nasa field na raw ang mga makakasama ko sa training. Sinabayan ako ng dalawa at inihatid sa field bago tumulak pabalik sa Kampo.

"I guess this is goodbye," sabi ko sa kanilang dalawa. "We'll see each other after 100 days."

"Don't be so over dramatic." Baling ni Ex sa akin. Overdramatic my face!

"Oh, cheesecake, 100 days are nothing." Sabay bawi naman ni Terrence.

Sabay-sabay kaming napahinto sa paglalakad nang matanaw ang ilang hanay ng mga cadets. Their backs were on us kaya hindi nila kami napansin. They stood straight without moving, their hands on their back.

"Nagsisimula na yata. Got to go!" Paalam ko sa dalawa. Hahakbang pa lamang ako nang pigilan ni Terrence. Nagtatakang tingin ang iginawad ko sa kanya.

"We'll greet the Delrios before heading back," Terrence said before letting go of my hand. I thought he's particularly not fond of the Delrios. Why greet them now?

Nauna nang maglakad si Ex patungo sa unahan ng hanay kung nasaan nakatayo at nagmamando ang magkakapatid na Delrio. Naglakad naman ako sa likuran nila.

"What brings you here, Captain Venzuela?" Bungad ng isa sa kanila na nakasuot din ng captain uniform. He didn't even smile or anything. Hostility was evident in his voice. I was certain that he's not happy seeing them here.

The Tale of the AscendantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon