Chapter 3 "Reunion"

1.3K 27 2
                                    

_Shen's POV_

Nandito ako sa lugar kung saan una ko siyang nakilala, ang lugar kung saan nagsimula ang pagkakaibigan namin. Ang lugar na'to ay walang iba kundi ang lugar kung saan kami naghighschool. First year kami nun ng makilala ko siya. Hindi ko alam kung bakit nung una ka palang siya nakita, gusto gusto ko na siyang pagtripan at asarin. Palibhasa kasi nakakatuwa kasi siya kasi kahit anong asar ko sa kanya, hindi siya naiinis instead mas lalo niya ginagatungan ang pang aasar ko at babanat din siya ng kung ano ano hanggang sa mauuwi ang lahat sa tawanan. Hindi ko rin makakalimutan nung may kabilang section na sinubukan siyang pagtripan at saktan nun. Napagalaman ko na kaya nila ginawa iyon ng dahil sa'kin.

Alam ko naman sa mga oras na iyon, na iinggit lang sila kay Kristine dahil sa mas malapit ito sa'kin.

Di ko nga makalimutan iyong sinabi niya.

"Takte mga bulag ba sila?" -Kristine

"Ha? Anong pinagsasabi mo kristine?"-Shen

"Tignan mo nangyari sa uniform ko, nasira ang isang buttones dahil sa kabulagan nila"-Kristine

"Di talaga kita maintindihan"-Shen. Tumingin sa'kin ng seryoso si Kristine.

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit marami nagkakagusto sa'yo tsk tsk" napangiti ako sa sinabi niya.

"..eh ang PANGIT PANGIT mo naman tapos ang PAYATOT pa!"-Kristine.

Sa tuwing naalala ko ang mga memories namin dalawa, hindi ko talaga maiwasan ang mapangiti at hilingin na sana...bumalik ang oras.

"Ilang minuto nalang makikita na kita, Kristine" nandito ako ngayon sa loob ng classroom nung first year highschool kami, nakaupo sa pwesto ko noon kung saan nasa tabi ako ng bintana, sa may likuran. Bumabalik lahat sa'kin nag mga alaala ko nung highschool.

"Shen may assignment ka na sa math?" tanong sakin ni Kristine. Di ko makakalimutan ang itsura niya nun. Ang laki ng eyabag niya at di ko malaman kung bakit pero sa tingin ko dahil sa pag aaral.

"Ha? Oo m-meron" after kung sabihin iyon agad niya kinuha ang bag ko at tsaka hinalungakat ang math notebook ko.

"Waah isa ka talagang hulog ng langit, Shen...PAKOPYA ako ah"-Kristine. Hindi pa nga ako sumasagot ng oo, agad na niya kinupya ang assignment ko. Napangiti nalang ako, kahit kailan ka talaga...mahilig umasa sa'kin. Okay na rin iyon. ALam ko naman kasi na may Lunch ako mamaya sa kanya. Kasi kahit nung highschool pa kami, hilig na niya talaga ang pagluluto at lagi ako nakakalibre sa lunch. Pinapatikim niya kasi sa'kin ang mga experiment niyang food. Mukha naman mapagkakatiwalaan lahat kaya kinakain ko na. May iba doon na hindi masarap pero pinipilit kung lunukin. Patay kasi ako pag niluwa ko. Tapos isang beses naman, gumawa siya ng spaghetty na sobrang anghang grabe halos maluha luha ako sa pagkain nun. Pero inubos ko pa rin. Kaibigan ko siya eh, kaya kailangan ko siyang supportahan. Kahit ilang beses pa masira ang tiyan ko ng dahil sa mga pinapakain niya sa'kin. Habang tumatagal naman, natutuwa ako d ahiil hindi ko namamalayan na unti unti nag e-improve ang mga gawa niya.

Nakakatuwang isipin na andun ako ng mga panahon na iyon. Andun ako nung naguumpisa palang niya hinuhubog ang talento niyang iyon. Nakailang toilet tissue ba ako nun? Haha di ko na siguro mabilang.

Tumayo ako sa pwesto ko at lumipat sa upuan kung saan dun nakaupo si Kristine noon. Hindi naman magkalayo ang upuan namin ni Kristine, one seat apart kasi kami at siya na iyong sunod na katabi ko.

Nagring ang phone ko at dali dlai ko naman tinignan kung sino. Natuwa ako ng makita ang number.

"Hello" sagot ko.

"Ahm hello Mr. Innovero, gusto ko lang sabihin na malapit na ako sa place na pinagusapan na'tin"

"Ah okay, nandito na ako, hihintayin nalang kita dito"- Shen.

_Kristine's POV_

Nang inbinigay niya ang lugar kung saan kami magkikita. Bakit medyo kinabahan ako. Ito ang lugar kung saan marami akong memories sa taong iyon. At di ko maiwasan ang hindi kabahan. Sinunod ko nalang siya dahil sigurado ako magagalit si John pagnalaman niyang nawawala ang wedding dress ko na bigay pa ng mama niya. Pinark ko na ang sasakyan, mag isa lang akong pumunta dito. Sa pagtapak palang ng mga paa ko sa lugar na'to. Bigla nalang bumalik sa'kin lahat ng mga memories na walang iba kundi puro siya. Buong Highschool life ko sa kanya lang umikot ang lahat. Mga alaalang masasabi kong may saya, lungkot at pait na halos ilang taon na ang nakalipas.

Malaki na rin nag pinagbago ng school na'to. Marami na rin ang nagbago, may bagong mga building na nadagdag pero iisa pa rin building ang hindi ko makakalimutan. ANg building kung saan una ko siyang nakita.

Huminga muna ako ng malalim ng nasa harapan na ako ng building na tinutukoy niya. Ito ang building na mahalaga sa'kin, maraming naiwan memories dito na hindi madaling kalimutan kahit ilang taon na nag lumipas.

Nasa ikatatlong palapag ang classroom ko nun at doon din ang sinasabi ni Mr.Innovero na puntahan ko. Habang papalapit ako ng papalapit sa room na iyon, mas lalo bumibilis ang tibok ng puso ko. Nagkataon lang kaya? Baka naman kasi teavcher si Mr. Innovero sa school na'to kaya dito niya ako pinapunta. Bukod dun may isa pang tumatakbo sa isipan ko. Naiisip ko na baka plinano ang lahat.

Binuksan ko ng dahan dahan ang pinto, habang papasok ako sa classroom ko noon. Mas lalo ko na miss ang highschool days ko. May nakita akong lalaki na nakatalikod at nakaharap lang sa bintana. Medyo familiar sakin ang tinidig niya. Kinatok ko ang pinto para mapansin niyang nandito na ako.

*tok*tok*

"Ikaw ba si Mr.Innovero?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw ba si Kristine Mae Lopez?" nang marinig ko nag boses niya, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Bakit parang ang tagal tagal ko ng kilala ang taong nasa harapan ko ngayon.

Dahan dahan siyang humarap sa'kin, laking gulat ko ng makita kung sino ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Long time no see, Kristine" Hindi ko mapaliwanag ang ngiti na pinakita niya sa'kin. Makikita ang saya na nararamdaman niya. Nagulat ako s amga nangyari at kahit ako hindi ko napigilan ang sarili ko at dahan dahan akong lumapit upang yakapin siya habang siya naman mabilis na lumapit sa'kin para yakapin din ako.

"Kristine,Kristine,Kristine,Kristine ikaw na ba talaga 'to?" nakayakap kami sa isa't isa. Patuloy niyang binabanggit ang pangalan ko at ako naman ay hindi makapagsalita dahil sa hindi ko inaasahan 'to. Hindi ko inaasahan na agad ko siya makikita...hindi ko inaasahan na makikita ko pa pala ang best friend ko.

"Shen" tanging nasabi ko.

"Sa wakas bumalik ka na, Na miss kita ng sobra, Kristine" mas lalo humigpit ang yakap niya sa'kin at napahigpit din nag yakap ko sa kanya.

"Miss na miss din kita, Shen...s-sobra"-Kristine

_Author's Note_

Ayie Ayie magdiwang tayooo1 Nagkita na rin sila sa wakas haha

Waiting For You (Sequel of MMF) [Fin]Where stories live. Discover now