Chapter 12

1.1K 23 2
                                    

_Shen’sPOV_

Ilang beses kong sinubukan na kausapin siya o makipagkita sa kanya pero bigo ako. Lagi lang niya sinasabi na busy siya sa pagaayos ng kasal niya. Pero iba ngayon, naiinis na ako sa lagi niyang dinadahilan kaya tinawagan ko siya. Sinabi ko na magkikipagkita siya sa’kin sa ayaw o sa ayaw man niya. Maghihintay ako sa lugar na sinabi ko hanggang sa dumating siya.

Miss na miss ko na siya, gustong gusto ko siyang makita at makasama man lang kahit ilang oras lang naman. Halos isa’t kalahating oras akong naghintay sa kanya dito sa tapat ng bahay namin pero wala pa rin siya. Nandito ako ngayon sa hidalgo residence. Wala sila papa at iba kong kapatid, nasa work kasi and school sila. Kaya mag isa lang ako ngayon. Lumabas na ako ng gate ng maaninig ko ang isang babae, si Kritine. Tumakbo ako papalapit sa kanya.

“Kristine” nakangiti akong sinalubong siya.

“S-sorry, late ako”-Kristine.

“Okay lang, tara pasok ka” pumasok kami sa bahay. Dito ko naisipan dalhin si Kristine dahil alam ko matutuwa siya. Marami din kaming memories dito. Ang totoo talaga niyan kaya dito ko siya pinapunta para magluto siya. Miss na miss ko na kasi iyong mga luto niya eh.

“Ano gusto mo tubig o Juice?” dali dali ako pumunta ng kusina, ewan ko pero para akong tanga na masyadong na excite na nandito siya ngayon sa tabi ko.

“Ah o-okay lang ako, Shen” –Kristine napahinto ako sa pagtitimpla ng juice sa sinabi niya.

“Ang t-totoo niyan may gusto sana akong sabihin kaya pumunta na rin ako dito” iniwan ko ang ginagawa ko sa kusena at lumapit sa kanya.

“Bago mo sabihin kung ano man iyan gusto mong sabihin, pwede ba ako mag request” ngayon pa lang nararamdaman ko na kung ano ang gusto niya sabihin sa’kin at ayaw kong marinig iyon. Pero siguro kailangan ko na rin harapin ‘to at tanggapin. Tumingin siya sa’kin at naghihintay sa sasabihin ko.

“Ah pikit ka muna bago ko sabihin” nnapanganga naman siya s sinabi ko.

“Sige na Kristine, pikit ka na dali dali” ayaw niya pa sana gawin eh pero ginawa nalang niya. Pinagmasdan ko siya, ibang iba na nga siya sa dating Kristine na nakilala ko. Mas lalo siya gumaganda habang lumilipas ang panahon, isa na rin siyang ganap na babae.

“Huwag kang didilat” hinawakan ko ang kamay niya, naramdaman ko na nagulat siya.

“Easy lang. Kristine, basta huwag mo ididlat ang mga mata mo ha” tumango naman siya. Inalalayan ko siya paunta sa kusina.

“Okay ngayon pwede muna buksan ang mga mata mo” Dahan dahan naman binuksan nito ang mga mata niya at napakunot ito sabay tingin sa’kin na nagtatanong bakit ang daming ingredient ng pagluluto ang nandito sa harapan niya. Ngumiti lang ako bago nagsalita.

“Tanan, ayan ang request ko sayo,  pwede bang lutuan mo naman ako ng lunch, miss na miss ko na kase mga luto mo Krsitine”

“Iyon lang pala, oh sige ano bang gusto mong luto?”

“Basta Filipino foods ang gusto ko Kristine”- Shen.”Sarapan mo ha”  nakita ko na napangiti si Kristine.

“Oo na, para ka naman bata diyan kong mag request” natatawang sabi nito habang tinitignan ang mga sangkap.

***

“Ito na ang lunch ng bestfriend ko” masayang sabi ni Kristine habang inilalapag sa lamesa ang dalawng putahing ginawa nito. Halos magulat ako sa nakikita ko, hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapangiti at matuwa. Nilagangng baka at adobong baboy ang hinain niya. Ang dalawang putahing paborito ko simula noon hanggang ngayon. Umupo siya sa harapan ko at nakangiti itong nakatingin sa hinandang pagkain.

Waiting For You (Sequel of MMF) [Fin]Where stories live. Discover now