Chapter 11

1.2K 28 1
                                    

_Kristine's POV_

Pagdating ko sa bahay agad ako pumasok sa kwarto ko at tsaka naglock. Buti nalang tulog na si John kaya hindi niya namalayan na dumating na ako. Halos manghina ang mga tuhod ko sa lahat ng sinabi sa'kin ni Shen.

"Kristine, Mahal kita" Nang maalala ko iyon, bigla na naman lumabas nag mga luha ko. Hindi ko maintindihan kung bakit umiiyak ako ngayon. Bakit ganito ako ka affected nung sbihin niyang mahal niya rin ako? Na alam ko naman sa sarili ko na wala na talaga akong nararamdaman para sa kanya. Sigurado ako na si John na ang nilalaman nitong puso ko kaya nga tinanggap ko ang marriage proposal niya.

Mahal na mahal ko si Shen, pero bilang kaibigan nalang, isang matalik na kaibigan.

Napahawak ako sa dibdib ko, ang lakas pa rin ng kabog nito. Anong nangyayare sa'yo? tanong ko sa puso ko.

Napatingin ako sa larawan na nasa side table. Kaming dalawa ni John ang nandoon. Makikita sa mga mukha namin kung gaano namin kamahal ang isa't isa.

Siguro kaya ako naiiyak ngayon dahil sa naawa ako kay Shen. Alam ko kasi ang pakiramdam niya. Ang magmahal na hindi masusuklian kahit na kailan. Sa mga oras na kasama ko siya kanina, ramdam ko ang hirap na nararamdaman niya.

Tumulo na naman ang luha ko "S-sorry Shen, pero huli na talaga ang lahat mas mahal ko na si John ngayon. Di ko makakaya na wala siya sa tabi ko"

Lumarawan ulit sa utak ko ang itsura ni Shen. Nakita ko siyang lumuha at ang sakit makita noon.

_Shen's POV_

Wala akong pinagsisihan na mahalin siya sa loob ng ilang taon. Wala akong pinagsisihan na hinintay ko siya kahit hindi ko alam kung ano patutunguhan nito.

Mahal na mahal kita, Kristine kahit na sobrang sakit na. Pero sa tingin ko wala pa rin siguro 'to kesa sa sa mga sakit na naranasan mo ng dahil sa'kin. Nasapak ko ang pader pagnaiisip ko kung gaano ako kamanhid. Napasabunot ako sa buhok ko at halos iuntog untog ko ang ulo ko sa pader.

"Bakit ba ang manhid ko! Bakit ba hindi ko man lang naramdaman iyon? bakit ba hindi ko man lang nakita iyon? Bakit? Bakit?" Patuloy na umagos ang mga luha ko. Wala akong pake alam kung masugatan na ang noo ko. Hanggang sa maramdaman ko ang unti unting pagdaloy ng dugo sa mukha ko galing sa noo. Doon ako napahinto.

Waalng kwenta kahit masaktan ko man ang sarili ko, dahil alam kung hindi na siya babalik sa'kin. Pinunasan ko ang luha ko at tsaka inayos ang sarili ko pati ang sugat na natamo ko sa paguntog ng ulo ko sa pader.

***

"Shen! Shen" kumakaway sa'kin si Jhane habang tinatawag ako. Nakangiti akong lumapit sa kanya. Ininvite ako ni Jhane na kumain sa labas. Nandito kami ngayon sa Resto nila Oliver and Ella.  Nakita ko iyong dalawa at agad ba naman ako niyakap na parang ewan ng dalawang 'to. Bakas sa mukha nila na malungkot sila.

"Shen, okay lang iyan marami pang babae diyan" nakayakap na sabi ni Ella sa'kin.

"Tae, mukhang alam niyo na ah" pinilit kung ngumiti pero nangawit din ako. Ayaw kong magpanggap ngayon lalo na sa harapan nila kung gaano kasakit ang nararamdaman ko.

"Thank you, Ella" niyakap ko na rin siya ng mahigpit.

"Pare fiancee ko iyan" natigilan kaming pareho ni Ella ng marinig ang tono  ng boses ni Oliver. Dahil doon natawa ako.

"Easy lang pre haha, di ko siya aagawin sa'yo, si Kristine pa rin ang mahal ko" natahimik ang tatlo ng sabihin ko iyon. Lumapit sa'kin si Jhane.

"Shen, tara umupo na tayo" Hinila niya ako sa table namin at agad naman nagsipagupuan ang dalawa.

Waiting For You (Sequel of MMF) [Fin]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum