Chapter 1 "Hope"

1.9K 38 5
                                    

_Shen's POV_

They said I'm a fool sa paghihintay sa wala. Almost seven years past simula ng umalis si Kristine at pumunta ng Italy.Simula ng araw na iyon wala na kaming  communication ni Kristine. Hindi na siya nagparamdam ni isa sa mga kakilala niya sa pilipinas, maging ang bestfriend niyang si Jhane. Wala na akong ibang balita sa kanya. Hindi ko na alam kung ano na nagyari sa buhay niya. Kung may asawa't anak na ba siya? Kapag naiisip ko iyon di ko maiwasan ang hindi masaktan.

Sa loob din ng limang taon na paghahanap ko sa kanya after ng wedding ni Carl and Jhane, hindi ko siya nahanap. Pero hindi ako sumuko sa paghahanap maging sa paghihintay sa pagbabalik niya. Dahil nararamdaman ko na darating din ang panahon na magkikita ulit kami.

Sa loob ng pitong taon, lagi ko pinagdadasal na sana bumalik na siya, na sana hindi pa huli ang lahat pa sa'kin. Na sana magkaroon man lang ako ng pagkakataon na masabi sa kanya kung gaano ko siya ka mahal.

Oo napakalaki kong g@go, bakit ba kung kailan wala na siya sa tabi ko, doon ka na realized kung gaano kahirap ang mabuhay kung wala na siya sa tabi ko. Feeling ko ang pitong taon na pamumuhay ko dito habang wala siya ay isang miserably. Pero salamat sa mga memories namin dalawa, dahil iyon nalang ang pinanghahawakan kong lakas sa ngayon.

Ginamit ko ang pera ng Innovero para sa pagahahanap kay Kristine. Ginawa ko ang lahat para mahanap siya pero wala pa rin nangyari.

Sabi ng iba sumuko na ako at maghanap nalang ako ng iba. Kung pwede lang sana...kung pwede lang talaga turuan ang puso na huminto na siya sa pagtibok para kay Kristine, sana noon pa naging masaya na ako, kaso hindi eh, hanggang ngayon ikaw pa rin talaga.

****

"Ma, okay lang po ako dito sa Italy, pabalik na po ako diyan sa pilipinas" binaba ko na ang phone ko dahil pasakay na ako ng eroplano pabalik ng pilipinas. Nandito ako sa italy, twice a year lagi ako pumupunta dito umaasa na baka bumalik na siya at magkita kami, pero hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik.

Ano ba ang nagawa kong kasalanan at pinapahirapan ako ng ganito? Sobra ko ba talaga siyang nasaktan at bakit halos doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Nagstopover muna ako sa singapore bago tuluyan makarating pilipinas. After ng mahabang biyahe nakarating din ng pinas. Hindi ko namalayan na nalanding na pala kami, kung hindi pa ako ginsing ng isang flight attendant. Agad ako tumayo at kinuha ang gamit ko tsaka naglakad na palabas ng eroplano.

Siguro sa susunod kong pagbalik sa Italy nandun na siya.

****

"Daddy!" tawag sa'kin ni Kahel at agad siya nagpabuhat sa'kin.

"Woo ang baby ko ang bigat na ah" -Shen

"Waa Daddy pasalubong ko?" Lagi siya ganito, sa tuwing dadating ako lagi talaga siya nagahahanap ng pasalubong kaya ayan lagi rin ako may dala.

"Nasa bag pa, baby eh, mamaya nalang ibibigay ko sa'yo"- Shen

"Kahel, pagpahingahin mo nga muna ang Daddy mo, pagod pa iyan galing Italy" Hay nako kahit kailan talaga wala siyang pagbabago. Ibinaba ko na si Kahel at pumantay sa kanya. Nakita ko na gusto niya makipaglaro sa'kin pero sadyang napagod talaga ako sa biyahe.

"Baby, magpapahinga lang si Daddy ha, pangako bukas mamamasyal tayo" Kahel is four years old boy. Isa siya pinaka iingatan ko sa lahat.

"Kahel, take a bath na para makapasok na ng school" utos ng mama niya. Agad naman sumunod si Kahel at pumunta sa room niya. Napaupo nalang ako sa sofa at minamasahe ang ulo ko. Mukhang napagod talaga ako sa biyahe.Naramdaman ko na may tumabi sa'kin. Akala ko kung sino na siya lang pala.

"Shen, hanggang kailan ka ganyan?" Nagulat ako ng tanungin niya sa'kin iyan. Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin.

"Galing dito ang mama, nakikiusap siya sa'kin na sabihan kitang ihinto mo na ang ginagawa mo" huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Parang sinasabi niyong ihinto ko na rin ang paghinga ko, Jhane" nakangiting tumingin ako sa kanya. Hinawakan niya ang pisngi ko.

"Huwag kang ngumiti sa harap ko Shen na parang okay ka lang, alam ko na...sobrang nagdurusa ka" Nakikita ko sa mga mata niya ang awa. Sa loob ng limang taon, ganyang mga mata ang ipinapakita nila sa'kin. Aawang awa sila sa nangyari sa'kin. Pero hindi ko pinansin iyon at kahit kailan kahit hindi ko pinakita sa kanila ang sobrang sakit na nararamdaman ko, hindi pa rin naalis sa mga mata nila ang ganyang titig.

"I hate to say this Shen, pero sa tingin ko...kailangan mo ng mag move on"-Jhane. Nablanko ang isip ko ng sabihin niya iyon. Hindi ako makapaniwala na si Jhane, na nakakaalam ng lahat, si Jhane na bestfriend ni Kristine na bestfriend ko na rin ang magsasabi sa'kin ng ganyan.

"Hindi ako makapaniwalang masasabi mo sa'kin iyan, Jhane"-Shen

"I'm sorry, Shen" Nabalot kami ng katahimikan. Dapat ba talagang sumuko na ako? Dapat bang magmove na ako at e give up na kita Kristine? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang mababaliw na'ko.

"You're right" Sa tingin ko oras na para sumuko. Oras na para isipin ko naman ang sarili ko at mag move on. Dahil kung kami talaga, dpaat noon pa nagkita na kami.

"You're right Jhane, kailangan ko ng mag move on" nasasaktan akong isipin na kailangan ko ng sumuko. Hindi naman ako manhid eh, hindi na ako naging manhid simula ng malaman ko kung gaano ako katanga na hindi malaman ang tunay na nararamdaman ni Kristine para sa'kin.

"Thank you Shen, sige magpahinga ka na" -Jhane. Umakyat na ako ng kwarto.

Hindi ibig sabihin sa pagsuko ko sa ngayon, eh hindi na kita mahal Krsitine. Siguro kailangan ko na rin bigyan ng oras ang pamilya ko at mga taong nagmamahal sa'kin. Alam ko na napabayaan ko na sila dahil naging busy ako sa paghahanap sa'yo.

*Toktok* may kumatok sa pinto

"Daddy, iyong pasalubong ko" Napangiti ako bigla, Kahel talaga kahit kailan di makapaghintay.

"Kahel, ano ka ba? Magpapahinga pa ang daddy mo, mamaya na iyang pasalubong...Shen, magpahinga ka na muna" Narinig ko pang nagdabog si Kahel , hinila na ata siya ni Jhane papasok ng kwarto niya para magbihis na para pumunta ng school.

Siguro, ito na rin ang tama at dapat kong gawin. Ang bigyan ng oras ang sarili ko at ang mga mahal ko sa buhay.

Kinuha ko na ang luggage ko para buksan. Nang sa ganun mabigay ko na kay Kahel ang pasalubong ko sa kanya, ang batang iyon talaga. Nang bubuksan ko na, nagulat ako bakit hindi nabuksan ang lock ng bag. Tama naman ang number na nilagay ko. Inayos ko ulit pero ganun pa rin ang naging resulta, hindi pa rin nabuksan.

"Anong nangyayari? Bag ko ba talaga 'to?" Tinignan ko ng mabuti ang bag hanggang sa tignan ko ang pangalan na nakalagay sa bag.

Tinignan ko ng maigi...lumakas ang kabog ng dibdib ko ng mabasa ang buong pangalan na nakalagay rito.

"Kristine Mae Lopez?" - Shen

_Aauthor's Note_

Sabi ko nga san'yo wala ng paligoy ligoy pa ang part two haha di tulad ng book one lol. Enjoy sa update. Comment and vote po sana. Maiksi lang po ang book two

_AyuMaki_

Waiting For You (Sequel of MMF) [Fin]Where stories live. Discover now