Chapter 9

1K 24 2
                                    

_Shen’s POV_

Kung hindi ko sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko, habang buhay ko iyon pagsisihan. Ngayon nakapag decision na ako. Sasabihin ko na kay Kristine. Tinawagan ko siya para magkita kami sa isang lugar kung saan makakapag usap kaming dalawa ng maayos, Kung saan kaya kong sabihin lahat ng gusto kong sabihin.Magkikita kami sa isang resto malapit dito sa Makati.

Almost 30 minutes na ako naghihintay dito pero wala pa rin siya.

“Shen” may tumapik sa balikat ko at ng makita kong sino iyon. Parang napatalon ang puso ko s saya ng makit ko siya.

“Kristine” nakangiting sabi ko. Umupo na siya sa tapat ko.

“Sorry I’m Late” –Kristine

“Ok lang ang mahalaga pumunta ka” Ngayon nakahinga na ako ng maluwag, kasi alam kong safe siya. Omorder muna kami ng makakain, bago nag usap.

“So anong bago sa’yo Shen?” tanong niya sakin

“Bago? Anong ibig mong sabihin?”- Shen.

“Bago, I mean kung anong a balita sa buhay mo? Hmm work? Love life or ano pa man basta tungkol sa’yo”- Kristine

“Sa work muna tayo, nagtratrabaho ako ngayon sa isang company business namin sa Makati, malapit lang sa condo ko”-Shen

“Naks, mukhang ganda ganda na ng buhay mo ah”-Kristine

“Oo nga eh, pero hindi naman ako masaya” –Shen

_Kristine’s POV_

“Oo nga eh, pero hindi naman ako masaya” –Shen. Malungkot na sabi nito.

“Bakit naman Shen?” Nakaramdam din ako ng lungkot sa sinabi niya. Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot. Sa tingin ko alam ko na kung ano ang dahilan bakit siya malungkot at nag susuffer hanggang ngayon. Siguro dahil ang babaeng pinapangarap niya simula pa noon ay hindi napa sa kanya.

“Ikaw kasi Bakit hindi mo siya pinaglaban!!” ngayon nakaramdam ako ng inis. Kasi naman feeling ko nasayang ang effort ko nung tulungan ko siya na magtapat kay Emily. Grabe kaya paghihirap ko nun para lang masabi niya, kahit na sobrang sakit sa part ko pero  ginawa ko iyon para maging masaya, tapos ngayon ganito lang magiging resulta. Nakakainis!

“Akala ko ba mahal mo, tapos ngayon malalaman ko na hindi pala naging Happy Ending ang story niyo? Nakakaasar!!’ Oo sobrang naiinins na talaga ako.

“Wala ng kwentang ipaglaban siya, Kristine” mas lalo ako nainis sa sagot niya, argh ang hina niya talaga kahit kailan.

“Kahit kailan Shen, napaka Duwag mo!!”-Kristine

“Kristine, huminahon ka lang” pagpapakalma niya sakin.

“Huminahon? Paano ako hihinahon sa nakikita ko ngayon, nakikita ko kung gaano ka kalungkot dahil lang diyan sa kaduwagan mo! Kaya ayan naunahan ka! Mag isip ka nga Shen, kung ipinaglaban mo lang siya eh di sana masaya ka na ngayon, Eh di sana hindi ako naiinis ngayon” Hindi ko namanlayan na natataasan ko nap ala siya ng boses at pinagtitinginan na kami. Si Shen naman nanatiling nakatingin lang sakin at mukhang hindi niya alam kung ano ang e rereact niya sa lahat ng sinabi ko. Pinakalma ko sarili ko at tsaka inayos nalang ang upo tsaka uminom ng tubig.

“Paano ko siya ipaglalaban...”-Shen, Talagang iniinis niya ako.

“Huli na para sabihin iyan, Shen” bigla ako natahimik sa sumunod na sinabi niya.

“Kung hindi ko naman siya mahal” napatingin ako ng diretso sa mg mata niya at natahimik ako.

“Kristine, paano ko ipaglalaban ang babaeng hindi ko namn mahal at alam kong hindi rin ako mahal”-Shen. Nang mk recover na ko sa sinbi niya dun lng ko nakapagsalit.

“H-hindi mo na mahal si Emily? P-paano nangyari iyon?” –Kristine

“Hindi ko alam” after niyang sabihin iyon, hindi n kami umimik at kumain nalang.

“So bakit mo nasabing hindi ka masaya?” Bkit nga ba Shen?  Matagal bago niya sinagot ang tanong ko.

“Meron akong babaeng hinihintay simula pa noon. Umalis siya ng bansa para mag aral at naiwan ako ditong nag iisa.Simula ng umalis siya doon ko lang na realize na hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa buhay ko. Unti unti doon ko na realize na mahal ko pala ang babaeng iyon” Hindi ko alam kung ano ang sasbihin ko ngayon sa mga sinabi niya. Nakaramdam ako ng mabilis na pagtibok ng puso dahil sa mga sinabi niya. At ito pa habang sinasabi niya ito nakatingin lang siya sa mg mata ko at hindi man lang kumukurap.

“Ngayon bumalik na siya at sobrang saya ko ng makita ko siya ulit. Sabi ko sa sarili ko pag nakita ko siya ulit di ko na siya papakawalan. Pero nang dumating siya, nalaman ko na malapit na siyang ikasal. Sobrang sakit nung malaman ko iyon pero wala akong magawa. Kaya naisip ko, paanong hindi ko siya papakawalan kung alam kong hindi na siya sa’kin” Ang lakas ng tibok ng puso ko hnggang ngayon. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa mga mata ko at nagulat ako ng makita ko, anytime babagsak na ng luha niya.

“Kristine Mae Lopez, sorry kung nasaktan kita ng sobra noon, sorry kong masyado akong naging manhid at ngayon sobrang pinagsisihan ko. Wala na akong paki alam kung ano man ang maging resulta ng lahat ng sasabihin ko ngayon. Basta mahalaga masabi ko ‘to sa’yo.

“Kristine, I love you so much” –Shen.

Waiting For You (Sequel of MMF) [Fin]Where stories live. Discover now