Chapter 19

977 21 0
                                    

[Kristine’s POV]

Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko nung nakita ako ni Shen na nakasilip sa bintana at nakatingin sa kanila. Ano ba kase nakain ko at naiispan ko silang silipin. Eh ano naman kung my iba na si Shen?Ano naman kung ang bilis niyang nakahanap kapalit sa’kin.

Nakaramdam ako ng inis

“Mahal? Mahal niya ako? Kung mahal niya ako hindi dapat agad siya nakahanap ng kapalit ko” wala na nga, wala na nga sigurong lalaking totoo kung magmahal.

Napatayo ako sa pagkakahiga nung marinig ko na may nagstart ng sasakyan, dali dali naman akong sumilip sa bintana at nakita ko si Shen pasakay dito at maging iyong babae.

Saan sila pupunta? Bigla ko naalala ang nangyari kanina.

*Flash Back*

Naka upo ako sa sofa at nagugulohan nung pumasok ang bruhang babae sa pamamahay ko at tinanong pa kung saan ang restroom. Hindi ko siya sinagot. Nagulat nalang ako nung tumabi ito sa’kin.

“Palayain mo na si Shen at ibigay mo nalang siya sa’kin” sabi nito.Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. P-palayain? Matagal ng Malaya si Shen noh at tsaka isa pa wala naman kaming relasyon bukod sa magbestfriend lang.

“Miss,  matagal ng malaya si Shen” pag correct ko sa kanya.

“Iyon ba ang sa tingin mo?” nagugulohan talaga ako sa sinasabi niya.

“Ano ba ang gusto mong iparating?”- Kristine.

Napabuntong hininga ito “Hay nako di bale na nga...ganito na lang kung kunin ko si Shen ngayon, okay lang ba sa’yo?” para ako nanigas sa sinabi niya. K-kunin niya si Shen?

“Hindi ko na siya ibabalik at sisiguraduhin kong akin na lang siya” Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nung sabihin niyang kukunin niya si Shen. P-parang s-sinabi niyang kinukuha na rin niya ang nag iisang liwanag na nagbibigay liwananag sa buhay ko ngayon.

“Siguro nga ikaw ang mahal niya ngayon, pero tandaan mo napapagod din ang puso, Kristine” nagulat ako nung tawagin niya ang pangalan ko. K-kilala niya ako?

“Nagulat ka ba kung bakit kilala kita?” she smirk “Sabihin nalang natin sikat ka sa barkada dahil ikaw ang mahal ng ultimate crush ng group na walang iba kung hindi si Shen Ken Hidalgo” M-mahal? A-alam nila iyon?

“Palakpak tenga ka naman dahil pinagmamayabang ka sa’min ni Shen kahit na hindi pa kayo” napangiti ito na parang mapait.

“A-aminin ko sa’yo na gusto ko nga si Shen at handa ko gawin ngayon ang lahat para kunin siya at ilayo sa isang katulad mong wala ginawa kundi ang saktan siya” Parang gusto ko maiyak sa mga sinasampal niya sa pagmumukha ko. Na parang sinasbai niyang ako talaga ang dahilan sa lahat ng sakit at hirap na nararmdaman at pinagdadanan ni Shen ngayon. Bakit? Hindi niya ba alam na sobrang nasaktan din ako nung mahalin ko si Shen, at hindi naman ako mandhid para di amintindihan ang feeling ni Shen, dahil isang beses sa buhay ko naramdaman ko rin ang ganyang klaseng sakit. Ang umasa, ang umasa araw araw na baka mahalin ka rin ng taong mahal mo.

“Pero sa tingin ko kahit anong gawin ko ikaw pa rin talaga eh” napatingin ako ng diretso sa babaeng kaharap ko dahil sa sinabi niya. Tapos ngumiti siya ng nakakaloko.

“Hay ano kaya ang dapat kung gawin para makuha ko na siya hmmm kung gayumahin ko kaya haha” natawang sabi nito.

“G-gayuma?” napa kunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Huwag mong subukan gawin iyan kay Shen “ halos masigawan ko siya.

“Hahaha bakit natatakot ka ba na iba na ang mahalin ni Shen at hindi na ikaw?” aba talagang kunti kunti nalang makaktikim na sa’kin ang bruhang ‘to. Magsasalita pa sana ako nung tumayo siya at parang patungo sac r pero bago siya tuluyan umalis meron siyang sinabi.

Waiting For You (Sequel of MMF) [Fin]Where stories live. Discover now