Chapter 25 "Trust Me"

887 17 0
                                    

[Shen’s POV]

Kumatok ako sa bahay nila Kristine at may dala dalang isang bouquet ng flowers. Alam ko na mali ang ginawa ko kahapon, ang iwan nalang siya at habulin si Angel. Siguro nasaktan siya, naiinis ako sa sarili ko pagnaiisip na nasasaktan ko si Kristine. Nagulat ako nung makita ang babaeng naghahabol ng hininga na mabilis na binuksan ang pinto. Nakita ko na parang namamaga ang mga mata niya at parang hindi siya natulog buong gabi. Nasaktan ako ng makita ko ang pain sa mga mata niya, agad ko siya niyakap.

Sa ginawa kong iyon doon siya nagsimulang umiyak at niyakap ako. Masasaktan akong makita siyang ganito.

“A-akala ko sumama ka na sa babaeng iyon” hikbi niya at mas lalo humigpit ang yakap niya sa’kin. Sa bawat hikbi niya parang gusto ko parusahan ang sarili ko ngayon dahil nasaktan ko siya ng di ko sinasadya.

“taha na, taha na Kristine” pagpapatahan ko sa kanya.

“Kaasar ka” patuloy pa rin itong umiiyak.

“I’m sorry, Kristine” inalo ko siya papuntang sofa nila at kumuha ako ng tubig para mahimas masan siya. Napabuntong hininga ako. Ano ba itong nagawa ko.

“Krsitine, taha na” ayaw tumigil ng mga luha niya. Hahawakan ko sana siya nung tinapik niya nag kamay ko at tumalikod sa’kin.

“I hate you, Shen” w-what? S-she hate me? Para akong sinaksak ng matulis na bagay nung sbaihin iyon.

“K-kristine, I’m sorry, mahal na mahal kita” after kong sabihin iyon humarap siya s’kin.

“Mahal? Kung mahal mo ako bakit sumama ka sa babaeng iyon” natigilan ako. Hindi ko alma kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang nangyari noon.

“Ano hindi ka makapagsalita? Nakakainis ka na talaga” hinampas niya ang braso ko habnag umiiyak pa’rin.

“K-kristine, tama na” pagpigil ko sa kanya. Wala akong nagawa kundi ang e-kwento sa kanya ang nangyari noon. ANg about sa car accident at ang nangyari kay Angel, na nagkaroon ito ng amnesia at hanggang ngayon hindi pa rin niya maalala ang lahat.

“Nakokonsensiya ako, Kristine...ng dahil sa’kin nahihirapan siya” dahan dahan lumapit sa’kin si Kristine at niyakap ako.

“Sa tingin ko nagawa mo na ang lahat para makabawi sa kanya, Shen” nagulat ako nung sabihin niya iyon.

“Tama na ang ilang taon na pag alaga mo sa kanya, sapat na iyon” – Kristine.

“A-aminin ko nakakaramdam ako ng selos ngayon na malaman na bukod sa’kin at kay Jhane my isa pa palang babae dumating sa buhay mo” ramdam ko na nagseselos nga siya. Napangiti akong malaman iyon.

“Haha wala dapat paselosan, Kristine” agad agad na kumawala sa pagyakap sa’kin si Kristine at tinignan ako ng makahulugan.

“A-anong wala? P-pwede ba iyon?.. teka nga matanong kita, Shen..nagkagusto ka ba sa babaeng iyon noon?” natatawa nalang ako sa itsura niya at sa mga tanong niya.

“Kristine, maraming dumating na babae sa buhay ko pero ni isa wala akong nagustohan o minahal, paano ba naman ako magmamahal ng iba kung ikaw lang ang sinsigaw nito” turo ko sa puso ko.Nakita ko parang namula siya sa mga sinabi ko ngayon.

“Haha kinilig ka naman” natatawa kong sabi.

“Tse” agad naman siya umiwas ng tingin at humawak sa pisngi nito. Kahit kailan napaka cute niya pagnahihiya haha. Hinawakan ko ang balikat ni Kristine at dahan dahan iniharap sa’kin.

“Kristine” tawag ko sa kanya, iniangat naman niya ang ulo niya at tumingin sa’kin.

“Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko,pangako”

[Krsitine’s POV]

Nawala lahat ng sakit na naramdaman ko ng dahil sa mga sinabi niya. Unti unti ako nakahinga ng maluwang lalo na nungnangako siya. Kilala ko si Shen, pag nangangako siya tinutupad niya ito. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

“Promise, ikaw lang” unti unti ako napangiti at naramdaman ko nalang ang mga labi niya sa labi ko. Bakit ba kailangan ko mag alala at bakit akilanagn ko pang ipagkompara si Shen sa lalaking nang iwan sa’kin noon. Alam ko naman na kahit kailan hindi ako iiwan ni Shen dahil mahal na mahal niya ako. Damang dama ko iyon kada hahalikan niya ako.

“A-ayusin ko ang lahat para sa’tin dalawa”- Shen.Nakatingin lang ako sa mga mata niya at naniniwala ako ngayon sa lahat ng sinasabi niya, walang doubt, dahil kilala ko siya at nagtitiwala ako kay Shen.

“Trust me, Kristine na maayos ko ang lahat”- Shen. Tumango ako. Nagtitiwala ako sa’yo Shen at hihintayin kita,hihintayin ko na maayos mo ang lahat.

Waiting For You (Sequel of MMF) [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon