Chapter 13

973 19 1
                                    

[Shen's POV]

“I’m sorry I’m sorry,Shen”-Kristine. Hanggang ngayon patuloy pa rin naglalaro sa isipan ko ang sinabi niyang iyon. Hanggang ngayon ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit. Halos tatlong linggo na ang lumipas noong sabihin niya iyon. Simula din ng araw na iyon hindi na kami nag usap ni Kristine. Nandito ako ngayon sa tapat ng isang wedding shop kung saan nakikita ko si Kristine na sinusukat nito ang wedding dress at kasama niya ang lalaking nagmamay ari ng puso nito. Naka toxido ito ngayon at makikita kong gaano nila kamahal ang isa’t isa. Kitang kita ko kung gaano siya kasaya sa nalalapit nilang kasal at s atuwing naiisip ko na mawawala na nga ng tuluyan sa’kin ang babaeng mahal ko mas lalo dumidiin ang sakit, pero ayos lang iyon ang mahalaga masaya na siya. Siguro nga hindi siya para sa’kin. Siguro nga hindi ako ang makakapagpaligaya kay Kristine. Unti unti ko na rin natatanggap ang lahat kahit sobrang saket.

Lumabas silang dalawang magkasama at magka holding hands.

“Masaya ako para sa’yo, Kristine”  sa oras na tumalikod ako at maglakad palayo sa kanya ibig sabihin noon pinapalaya ko na siya. Hindi ko hihilingin na hindi ko na siya mamahalin  dahil kahit hilingin ko iyan wala pa rin kwenta. Hahayaan ko nalang itago at mahalin siya ng mag isa hanggang sa maka move on din ako.

“Mahal kita, Kristine Mae Lopez” at tumalikod na ako at dahan dahan lumayo sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang number ng secretary ni Dad.

“Reserve me a one plate ticket” utos ko sa kanya.

[Ha sir? Plane ticket? Saan naman po kayo pupunta?]

“Kahit saan basta sa ibang bansa kung saan makakapagbakasyon ako” Binaba ko na ang phone. Siguro nga tama silang lahat, tama sila noong sabihin nilang magmove on na ako kay Kristine. Pero ang tigas ng ulo ko kaya ngayon sobrang nasasaktan ako. Ayaw ko, ayaw kong pagsisihan na hinintay ko siya at mas lalong ayaw ko siyang sisihin dahil wala siyang kasalanan kong hinintay ko man siya at minahal dahil lahat ng iyon ang sarili kong decision.

Napalingon ako ulet sa kanila nakita ko na nakangiti siya kaya napangiti na rin ako.

“Hiling ko sana lagi ka lang nakangiti, Kristine” masaya na rin ako pa ganon ang nangyari.

***

“WHAT?!!” Halos sabay sabay nilang sabi. Si Jhane, Oliver, Ela and Hance.

“Oh easy lang guys babalik pa ako dito”- Shen. Sinabi ko na kase sa kanila na aalis muna ako ng bansa para magbakasyon at makapag isip isip.

“Shen paano kami magiging easy kung iiwan muna kami” Halos naluluha sabi ni Jhane.

“Jhane, gaya nga ng sabi ko babalik naman ako eh tsaka magbabakasyon lang naman ako” pagpapaliwanang ko ulit.

“Hay ganyan ba talaga nagagawa ng pag ibig? Basta basta mo nalang kami iiwan para lang diyan?”- Hance.

“Nagsalita ang hindi nangiwan dahil sa pagibig” Pag asar naman ni Oliver.

“Aba gusto mo atang masapak, Oliver” naasar na sabi ni Hance. Kararating lang kase ni Hance galing paris dahil sinundan niya doon ang kinababaliwan niyang babae simula college.

“Tama na nga kayong dalawa” pagsita ni Ela at tumingin siya sa’kin.

“Mas maganda na rin iyan para makapag isip isip ka at sana sa pagbabalik mo may bago ka ng babaeng ipapakilala sa’min ha” nakangiting sabi nito at napangiti rin ako. Sana nga, nakita ko naman si Jhane na pinandilatan niya ng mata si Ela.

“Magtigil ka nga diyan Ela si Shen ay para lang kay Kristine”- Jhane

“Kristine? Kristine na naman, tignan mo nga ang babaeng iyon masayang masaya na samatala itong isa halos miserable” natigilan si Jhane sa sinabi ni Ela.

“Oh tama na iyan baka mag away pa kayo” Pag awat ko.

“S-shen, basta bago ka umalis ayosin mo muna ang lahat”- Jhane

“Huwag ka mag alala Jhane, naayos ko na ang lahat” lahat sila napatingin sa’kin at parang nagulat.

“We?”

“Nakakatawa talaga kayo, oo naayos ko na. Masaya na rin ako na makita siyang masaya” – Shen.  Nagpabiglaan party si Oliver and Ela para sa despedida party ko. Nakakatawa talaga ang mga ‘to. Para naman mawawala ako ng ilang taon at kailangan pa mag p-party? Haha.  Sa totoo lang hindi ko rin alam kung kailan ako babalik o kung babalik pa ba ako. Lumabas na kami sa resto nila Ela and Oliver after ng biglaan party nila.

“Salamat san’yo “- Shen.

“Wala ano man iyon Pre” sagot ni Oliver at tinapik naman ako ni Ela.

“Mag iingat ka ha” tapos niyakap niya ako.

“Oo naman” tapos isang batok naman ang natanggap ko kay Hance.

“Balik ka ka agad Bro”

“Oo naman”- Shen at ang huli si Jhane. Niyakap niya rin ako at nagulat ako noong maramdaman kong umiiyak siya.

“J-jhane” medyo nagpanik ako.

“Kainiis ka! Ang dama mo ng pinagdaanan eh para kay Kristine huhu” napabuntong hininga ako.

“Jhane taha na, e-respeto nalang natin ang decision ni Kristine, tanggapin nalang natin na hindi ako ang magpapaligaya sa kanya”- Shen. Mas lalo umiyak si Jhane.

“Ano ba Jhane na taha lagot ako nito sa mister mo eh” Pabirong sabi ko at bahagyang natawa siya.

“Haha lagot ka talaga dahil pinaiyak mo ko” kumawala na siya sa pagkakayakap sa’kin.

“Kailan alis mo?’-Jhane. Nagkibit balikat ako at halos lahat sila napanganga.

“ano? Hindi mo pa alam?” tumango ako.

“Oo, mamaya palang kase ibibigay sa’kin ni Secretary San ang Plane Ticket” pagpapaliwanag ko. nag ring ang phone ni Jhane at ng tinignan niya ito agad naman iya sinagot.

“Best” lumakas agad nag tibok ng puso ko. Hanggang ngayon ganito ap rin ang nagiging reaction ng puso ko pag siya ang pumapasok s aisipan ko.

“Ha? Bridal shower?” – Jhane. Napatingin siya sa’kin pero agad na din umiwas.

“Bukas? O-okay” malapit na pala siyang ikasal. The day after tomorrow na magaganap ang isa pinaka masayang araw ng buhay niya.

“Sige mauna na ako” pagpaalam ko sa kanila. Ayaw ko ng makita pa sa mga mata nila ang awa. Ang maawa sa’kin dahil sa hindi ako minahal ng babaeng mahal ko at naghintay ako sa walang kasiguraduhan. Pagkarating ko sa condo nagtext  si Secretary San para ipaalam kung kailan ako aalis at saan lugar ako pupunta.

“The day after tomorrow, 10 am sa Hawaii” natawa naman si Shen sa nakita. I-ito ang araw kong saan tuluyan ng mawawala sa kanya si Kristine at ito rin ang araw na papalayain na niya ito.

Waiting For You (Sequel of MMF) [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon