Chapter 18

921 21 1
                                    

[Kristine’s POV]

Wala kaming imikan ni Shen pagkarating sa rest house at dali dali naman akong tumungo sa kwarto ko para makalayo na rin sa kanya.

Napahawak ako sa mukha ko nung maalala ang mga sinabi ko sa kanya kanina. Hindi ako makapaniwala na nasabi ko ang mga bagay na iyon at nasaktan ko siya.

Kinabukasan pagkababa ko sa hagdan nagulat ako nung hindi ko siya nakita, late na rin kase ako nagising siguro mga ten na ng umaga. Napa isip ako at parang nakaramdam ng lungkot, umalis na siya at iniwan ako. Pero nung pagkatingin ko sa labas ng bahay nagulat ako nung makita ko siya at nakangiti ito. Mukhang maganda ata gising niya. Doon naman ako nakahinga ng maluwang pero natigil ang paghinga ko nung makita ko ang isang babae na nasa harapan niya at nakita kong masaya silang nagtatawanan habang umiinom ng juice. Napataas ang isa kong kilay, at sino naman ang babaeng ‘to?

Hindi ko nalang sila dinisturbo at tumungo ng kusina para kumuha ng makakiain, nakasalubong ko naman si Manag Lourdes.

Narinig ko ang tawanan nilang dalawa kaya parang nairita ako sa boses nila “Argh! Ang ingay nila” inis na sabi ko.Narinig ko naman natawa si Manang Lourdes kaya napatingin ako sa kanya ng masama pero agad ko naman binawi kasi naalala ko na mas matanda ito sa’kin, respeto ,matoto kang rumespeto, bulong ko sa sarili ko.

Busy busy si Manang Lourdes sa pag slice ng cake at inilagay ito sa dalawang plates.

“Kanina pa ba sila doon?” tanong ko. Tumango naman si Manang Lourdes, ewan ko pero nung malaman ko iyon parang nawala ako sa mood.

“Mga ilang oras?” inis kong tanong. Nag isip naman si Manang

“Siguro mga two and half hours na po”

“W-what?!” g-ganun katagal? Tinignan ko ulit sila at napaiwas ako ng tingin nung tumayo si Shen at tumingin banda sa’kin kaya parang bumilis nag tibok ng puso ko. Narinig ko ang mga footsteps ng paa niyang papalapit sa’kin at mas lalo ako kinakabahan.

“Manang Lourdes, iyong cake po” Napanganga ako nung dumaan lang siya sa harapan ko at parang hindi ako nakita and take note nakangiti pa ito habang kinuha ang cake at tumingin doon sa babae kasama niya kanina. Gaya ng ginawa niya kanina umarte din siya na parang di niya ako nakita. At tuluyan bumalik doon sa babae niya.

“Manang Lourdes” tawag ko kay manang.

“Oh bakit, Kristine?”

“Buhay pa naman ako di ba?” nakita ko na tumango naman si Manang Lourdes na parang may halong pagtataka. Kung buhay pa ako bakit parang umasta si Shen kanina parang multo na lang ako. Argh! Anong problema niya? Padabog akong umakyat sa kwarto at hindi nalang kumain.

“Nakakairita!” sigaw ko. Naalal ko na naman ang ginawa ni Shen kanina iyong parang hindi niya ako nakita at sa nakangiti lang siya sa iisang babae kausap niya.

Nagcomputer nalang ako para kahit paano mahimasmasan ako sa ginawa sa’kin kanina ni Shen. Bakit ganun siya umasta? Parang di niya ako bestfriend ah. Pagkalipas ng isang oras nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako para kumuha sana ng cake pero pa simple akong sumulyap sa dalawang nasa labas ng bahay.

Laking gulat ko nung biglang halikan si Shen nung babae sa pisngi at ito naman si Shen hindi man lang nagulat at nanatili itong nakangiti at kinurot pa ang pisngi nung babae habang natatawa.

Ramdam ko na napakuyom ang kamao ko sa nakikita ko. Argh ang lalandee! Parang may bumabara sa lalamunan ko at di ko namalayan na nang iinit na pala ang gilid ng mga mata ko.

“Potek, anong nangyayari sa’kin?” Sa inis ko lumabas ako ng bahay at pinuntahan sila. Napahinto naman sa paglalandian ang dalawa at gulat na napatingin sa’kin si Shen kahit iyong babae na nakapilipit pa sa leeg niya.

“Ay storbo” nadinig kong sabi pa nung babae. Aba’t inuubos ba nito ang pasensiya ko? Kung palayasin ko kaya siya sa bahay ko ngayon. Dahan dahan inilayo ni Shen ang babae sa tabi niya.

“Kate, sandali lang” tapos tumingin siya sa’kin at parang nagtatanong ang itsura nito. Parang tinatanong niya kung ano ang ginagawa ko sa harapan niya.

Para akong na tanga at hindi ko alam kung ano ang idadahilan kung bakit agad agad ako lumabas ng bahay at sinugod sila dito. Bigla ko nakita ang cake at doon ako nakaisip ng idea

“P-pwede ko bang kainin ang cake na nasa ref?” para naman napakunot nag noo ni Shen, ano iyon naggalit ba siya dahil na isturbo ko ang paglalandina nila?

“sure, ubusin mo pa kung gusto mo basta umalis ka na, isturbo talaga” sabi nung kasama  niyang babae. Nagtimpi lang ako sa kabastusan niya parang gusto ko siyang sabunutan.

“Kate, ano ba behave” pag sita ni Shen sa inasta nito. Halos hindi ako nakagalaw nung lumapit iyong Kate kay Shen at pinalibot ang mga braso nito sa leeg.

“Okay basta pa kiss muna” Nakita ko na mukhang hahalikan niya si Shen kaya agad ako tumalikod para hindi makita iyon. Ang lakas ng tibok ng puso ko at parang pinipiga ito.

Dahan dahan akong pumasok sa loob at napa upo sa sofa ng gulong gulo. H-hindi ko maintindihan ang naramdaman ko.

[Shen’s POV]

Agad na lumayo sa’kin si Kate nung pag kaalis ni Kristine at umupo ng maayos habang nakangiti.

“Sabi na sa’yo eh, effective ‘to” ang kulet niya talaga.

“Nakita mo ba iyon? Parang gusto akong sabunutan haha” natatawang sabi ni Kate. Potakte naman oh, saan banda doon ang nagselos? Eh wala nga siyang naging reaction sa nangyari eh.

“Sabi ko naman sa’yo huwag na natin gawin iyang selos selos, tignan mo parang di naman siya na apektuhan” medyo malungkot kong sabi. Ang sakit lang talaga, dahil sa nakikita ko wala talaga siyang nararamdaman sa’kin kahit kunti. Wala na nga siguro akong pag asa.

“Bulag ka ba o sadyang blind lang?” di makapaniwalang sabi ni Kate.

“Shen, nagselos iyon sigurado ako heller basang basa ko siya kase babae din ako” napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Babae ka pala? haha” pang asar ko sa kanya at bigla nalang ako hinampas ng pamaypay niya sa sinabi ko pero nakita ko na natawa siya.

“Ikaw talaga, Shen” Ginawa ko iyon para umiwas sa topic. Ewan ko parang masyado na akong napagod at parang gusto ko ng sumuko, pero alam ko pag ginawa ko iyon parang sinuko ko na ang buhay ko. Nagpaalam naman si Kate na mag restroom daw muna siya, naiwan naman akong nag iisip. Pupuntahan ko n asana siya dahil ang tagal niyang bumalik ng bigla siya dumating.

“Oh paano, alis na ako” pag paalam nito. Ha? A-alis na agad siya?

“Di ba pwedeng mamaya na lang” paki usap ko sana sa kanya.

“Sorry Shen, pero gusto ko pa mabuhay sa mundo kaya kailangan ko ng umalis” Hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya.

“Ang hina talaga ng kokote mo Shen” tapos may itinuro siya sa itaas kaya napatingin ako at nung tignan ko nakita ko si Kristine pero agad ito nagtago. Tinitignan niya ba kami?

Tinapik ako ni Kate “ Sabi sa’yo eh may pag asa ka pa haha” napangiti ako. Sana nga sana may pag asa pa ako.

“Sige na alis na ako, kailangan ko pang puntahan sa hotel ang asawa ko” –Iniwan niya kase ito sa hotel nung malaman niya kena Jhane na nandito ako sa panggasinan, tinuro naman nila Jhane ang address kaya pagkagising ko kanina nagulat nalang ako ng biglang sumulpot ang babaeng ‘to. Medyo na miss ko rin ‘to. Sila Kate at maging si Lelane na nakasama ko sa art club dati.

“Hatid na kita” nagcommute lang kase ito papunta dito. Nakakahiya naman sa kanya kung hindi ko siya ihatid.

Waiting For You (Sequel of MMF) [Fin]Where stories live. Discover now