Sa sobrang tahimik ng silid ay rinig na rinig ang magkakasunod na papalapit na yabag. Pumasok sa silid sina Lucia, Henry, at Manong Jules. Takang-taka kung bakit nila narinig na tila nagwawala si Yuan.



"Anak..." Mabilis na dinaluhan ni Lucia ang dalaga. Gamit ang sariling mga kamay ay mabilis niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi nito.



"Anong nangyari?" tanong ni Manong Jules habang inililibot ang tingin sa tatlo pang tao na nadatnan nila sa silid.



"Kevin?" Tawag ni Henry sa binata noong walang nagsalita. Sandali siya nitong tinignan bago malungkot na yumuko ulit.



Sa puntong iyon ay tumayo na si Dr. Vergara at pinagpagan ang sarili. "Believe it or not, Yuan, I'm here to help you. I know nothing about what happened to Rina."



"You said you know her," madiin na sabi ng dalaga saka muling lumingon sa matandang doktor.



"Yuan." Nagbabanta ang tono ni Henry. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari pero pakiramdam niya ay hindi na iginagalang ng kanyang anak ang may edad ng doktor.



Bumuntong hininga si Dr. Vergara at sinalubong ang mga mata ni Yuan. "I thought I do."



"Shut up with your nonsense--"



"Yuan!" mas mataas na ang boses na awat ni Henry sa kanyang anak.



"Yuan, stop." Taliwas sa kanyang asawa, mahinahon ang boses ni Lucia. "Magsisimula na ang prayer for Rina, nasa dalampasigan na ang iba. Let's go."



Sa huling pagkakataon tinignan ni Yuan si Dr. Vergara. Huminga siya ng malalim bago naunang lumabas ng silid.



*****



"If you're trying to kill yourself, find another way."



Mula sa mga naglalakihang alon ay nabawi ang tingin ni Yuan noong may nagsalita mula sa kanyang likuran. Kanina pa natapos ang prayer pero ngayon lamang ito lumabas. Nilingon niya ito at hinintay na tuluyang makalapit sa kanyang kinatatayuan.



"Kaka-try ko lang nito kaninang madaling araw, Yuan. Hindi ikaw ang tipo ng tao na gumagaya sa iba."



Sandali pang napatitig si Yuan sa pekeng ngisi ni Gian bago siya muling tumingin sa karagatan. "Wow. You're not stopping me?"



"I don't wanna be here either." Tumingala ang binata saka bumulong. "Who am I to stop you?"



"Do you hate me, Gian?"



Kahit pa alam niyang hindi nakatingin si Yuan ay umiling ang binata. "I feel nothing."



"Do you know that..." Napalunok si Yuan ng maramdamang nag-init nanaman ang kanyang mga mata. "...that it was supposed to be me?"



"Do you know what's the last thing she told me?"



Muling napalingon si Yuan noong hindi pinansin ni Gian ang kanyang tanong. Hindi siya nagsalita at hinintay lamang na sabihin nito ang sagot.



"She said she loves me because she knows that I trust her." Noon lamang binawi ni Gian ang tingin mula sa kalangitan. Napayuko siya. "It didn't even bother me that she said that out of the blue. I was... I was just happy when I heard those words."



2025: The Second HalfWhere stories live. Discover now