"Saiko, get up. Magpahinga ka na muna," mahinahong sabi ni Sabrina.

She tried holding Saiko's arms pero nagulat kami nang tabigin siya ni Saiko. Nadamay rin ang mga bote kaya nabasag ito sa sahig.

"Sab, huwag muna kayong aalis diyan. I'll clean it," nagmamadaling saad ni Miyuki.

Naiiyak na pinagmasdan ko ang kaibigan ko na halatang problemado.

"Saiko, please tell us what's wrong. Nag-aalala na kami sa 'yo," naiiyak na pakiusap ko sa kaniya.

Tinitigan niya ako nang maiigi sa mata. Kumawala siya sa hawak ni Sabrina at nginitian ako.

"Oh! Arrow! It's you!" Tinuro niya pa ako habang tumatawa.

"Saiko," I uttered.

"It's you again! It's always you," bulong niya sa tainga ko.

Naguguluhang lumayo ako sa kaniya, tinitigan ko siya pero nakapikit na ang mga mata niya.

Sigurado ako sa narinig ko. May bahid ng galit at lungkot sa boses ni Saiko nang sabihin niya ang linyang 'yon.

Tulala lang ako sa tabi hanggang sa hindi ko namalayan na nadala na pala siya nila Sabrina papunta sa kwarto nito.

Hindi ko alam kung bakit ako sinabihan ng gano'n ni Saiko, at base sa himig ng boses niya, galit siya sa akin.

I wonder why. May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan? I'll say sorry kahit sa ano pa mang paraan, huwag lang siyang magalit sa akin.

"SAIKO. Bakit ka lumabas nang mag-isa? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" natatarantang tanong ko habang hawak-hawak siya sa balikat.

Kumapit siya sa pader habang hinihilot ang sentido.

"Gusto mo bang kumain? Or uminom? Aalalayan kita," nakangiting sabi ko.

She looked at me seriously without uttering a word.

Mariin ang pagkakahawak niya sa kamay ko nang tanggalin niya ito sa balikat niya.

Aaminin kong nagulat ako sa inakto niya, but she has a problem so I have to understand her.

"Saiko--"

"Get out of my way, Arrow," malamig niyang putol sa sasabihin ko sana.

Alanganin akong ngumiti. "O-Okay, pero sasamahan pa rin kita. Baka bigla kang matumba."

Lumingkis ako sa braso niya pero nagulat ako nang malakas niya akong tabigin.

"Puwede ba? Ano bang akala ko sa akin? Paralisado? Kaya ko!" she exclaimed.

I swallowed hard. "I'm sorry. Nag-aalala lang naman ako kasi baka--"

"You always act like you're the perfect one, Arrow," matigas niyang saad.

Umangat ang tingin ko sa kaniya. "W-What?"

"Akala mo ba ikaw lagi ang magaling? Ikaw lagi ang bida?" nang-uuyam na pagpapatuloy niya.

Naguguluhan ako sa sinasabi niya. "S-Saiko, bakit mo ba sinasabi 'yan?"

"Stop acting like you're an angel! Puro ikaw na lang ang nakikita ng lahat! Ikaw ikaw ikaw! Wala nang iba kung hindi ikaw!" I was surprised when she started crying.

Tinangka ko siyang lapitan pero mabilis niya akong tinulak.

"Saiko, anong nagawa ko?" umiiyak na tanong ko.

"I love him ever since I started studying here. Tinanggap ko ang lahat sa kaniya kahit hindi niya ako napapansin. Pero ikaw na baguhan lang, napansin ka niya agad! Nagustuhan ka niya agad!" Dinuro-duro niya ako kaya mas lumakas pa ang pag-iyak ko.

I tried reaching for her but she just slapped me so hard. Pumaling sa kaliwa ang ulo ko dahil sa ginawa niya.

"Ano bang m'eron ka na wala ako, Arrow? 'Yang ganda mo? Maganda rin naman ako, pero bakit nagustuhan ka agad ni Juanito? Mabait din naman ako, e. Pero laging ikaw ang nangingibabaw sa lahat. Ikaw lang ang palaging bida!" sigaw niya.

Tinulak niya ako dahilan para mapasubsob ako sa sahig.

"Hindi k-ko naman a-alam, Saiko. I'm sorry, h-huwag ka namang ganiyan," I begged.

She just smirked at me. "I really liked you as a friend, Arrow. Ayos lang sa akin kung mapansin ka ng iba, maganda at mabait ka, e. Pero kung pati si Juanito, aagawin mo sa akin. Pasensyahan na lang tayo."

She left me here, devastated. Hindi ko alam kung paano ko pupunasan ang mga luha sa pisngi ko dahil hindi sila tumitigil.

Tinanaw ko ang daan kung saan siya umalis. "I'm sorry, Saiko."

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Where stories live. Discover now