CHAPTER 21

12.1K 233 0
                                    

"MAY SASABIHIN BA KAYO?" Tanong ni Kuya.

Hinawakan ako ni Winston sa kamay. "Oo kuya."

"Ano ang sasabihin niyo anak?" Tanong naman ni Mommy.

"Magpapakasal na po kami." Masaya na saad ko.

"Talaga?" Nakangiti na sabi ni Mommy at niyakap kami parehas ni Winston.

"W–what?" Gulat na tanong ni Kuya dahilan para mapahiwalay sa yakap si Mommy.

"Hindi ka ba masaya para sa kapatid mo, Steffan?" Tanong ni Mommy.

Sumeryoso si Kuya Steffan. "Walang magpapakasal hangga't wala akong sinasabi."

"Kuya..."

"Payne, what's wrong?" Nagtataka na tanong ni Winston kay Kuya.

Tumingin siya kay Winston. "Another punishment?"

"Okay." Sabi naman ni Winston.

Nag-aalala na tinignan ko si Winston. "Winston..."

Ngumiti siya sa akin. "For you my serenity. I will take another punishment."

"Hindi ba puwede na walang punishment?" Nag-aalala na tanong ko.

Umiling si Winston. "Hindi pwede, baka pag hindi ako tumanggap ng isang parusa hindi tayo pwedeng ikasal kasi forbidden 'to sa rules ng Empire."

"Ayoko masaktan ka." Saad ko, parang bumigat pa ang loob ko.

"Let's tell mom about this upcoming wedding." Nakangiting sabi niya.

"Iniiba mo naman yung usapan e."

Hinaplos niya yung buhok ko. "Don't mind it, my serenity. Just always remember that I love you."

Hinawakan niya ulit ako sa kamay at hinila papalabas ng bahay na hindi man lang nagpapaalam kay Mommy at Kuya.

Naiintindihan naman ni Mommy bakit kami umalis, sigurado na pagagalitan niya si Kuya Steffan.

Tahimik lang ako habang nasa loob kami ng kotse, hindi pa din mawala sa isip ko yung kanina.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila ay humarap siya sa akin, hindi pa kami bumababa.

Pinalapit niya ako kaya yumakap ako sa kaniya ng sobrang higpit.

Naramdaman ko na hinalikan niya ako sa noo. "Huwag mo na isipin 'yon, palagi mo iisipin mula ngayon na ikakasal ka na sa akin."

"Parurusahan ka naman." Malungkot na sabi ko.

"It's part of rule, serenity. "

"One of these day, steffan will also have two punishment. Alvarez will give him that, kapatid ni Alvarez ang gilfriend ngayon ng kuya mo. You should understand my serenity dahil dalawamh beses ko na pinaliwanag sayo 'to."

Napapikit ako dahil sa nalaman ko. "Nanghihina yata ako."

"Bubuhatin kita." Sabi nito.

Lumabas muna siya at umikot papunta sa pwesto ko at dahan-dahan akong binuhat. Nakayakap lang ako sa leeg niya habang nakatingin sa kaniya.

Sigurado na mapupuno na naman ng sugat at pasa ang mukha niya.

Napabugtong hininga na lang ako at sumiksik sa leeg niya.

Can't Resist ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon