CHAPTER 14

13.3K 243 0
                                    

"OKAY KA LANG BA?" Tanong ko kay Winston.

Inalalayan ko siya humiga sa kama niya, ngayon lang kasi siya nakauwi pagkalipas ng isang linggo.

1 week na din na parang ang lamig ng pakikitungo niya sa akin.

"Yeah, you can go now."

Tumalikod siya ng higa, umupo ako sa gilid ng kama. "May problema ba?"

Humarap siya sa akin. "Wala."

"Winston..."

"Hindi ba't ito ang gusto mo? Pag may nanggulo sayo o sa akin kahit titigilan na natin 'to." Saad niya.

"Ito ba ang dahilan kaya ang lamig ng pakikitungo mo sa akin?"

"Yeah, inaadvance ko na para mapanatag ka. You can go on a date if you want." Malamig na saad niya.

Huminga ako ng malalim at hindi na lang nagsalita atsaka hinaplos ang buhok niya.

"Leave."

Umiling ako. "No."

Tumawa siya pero nababakas ang walang emosyon. "Ang gulo mo." Saad niya bago ako tinalikuran.

Hinalikan ko siya sa noo. "Aalis na ako, babalik ako bukas."

Tumayo na ako at lumabas pero wala man lang akong narinig na pagtutol na gusto niya akong umalis.

Kinabukasan maaga ako nagising at nagbake ako ng 15 cupcakes at nilagay sa box.

Umalis na ako at pumunta sa bahay ng parents ni Winston.

"Hello po, Mama Lindsay."

Ngumiti siya. "Hi daughter-in-law."

Inabot ko yung box ng cupcakes. "Para po sainyo ni Winston."

"Thank you daughter-in-law, speaking of winston." Sumeryoso siya.

"Hindi pa lumalabas ng kwarto niya, hindi siya kumain magmula ng umuwi ka."

"Ipaghahatid ko po siya." Saad ko.

Ngumiti siya ulit at inabot yung tray na may pagkain. Pumunta ako sa kwarto ni Winston, nakahiga pa din siya at nakatingin sa labas ng bintana.

"Winston."

Tumingin siya sa akin. "What are you doing here?"

"You need to eat, sinabi sa akin ni Mama Lindsay na hindi ka daw kumain magmula kagabi ng umalis ako."

Umupo ako sa kama ay inilagay yung tray sa harapan niya. "Eat now, winston."

"Wala akong gana." Saad niya.

"Gusto mo ba subuan kita?" Tanong ko.

"Hindi na." Sagot niya at umupo atsaka nagumpisa na kumain.

Tahimik na pinagmamasdan ko lang siya kahit minsan ay tinitignan niya ako pero umiiwas din siya.

Can't Resist ✔️Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt