CHAPTER 9

16.7K 316 6
                                    

"WEAR this." Sabi ni Kuya Steffan at may ibinigay na paper bag.

Tinignan ko yung loob. "Fairy gauze two-piece dress?"

Tumango siya. "Below the knee 'yan."

"Kuya."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Ano sa tingin mo? Hahayaan kita na maikli na dress ang isusuot mo? Baka maulol yung mga gago, besides expose ang braso mo kasi thin silk yan."

"Huwag ka magpakaganda masyado." Dagdag na sabi niya bago umalis.

Napailing na lang ako at pumasok sa kwarto ko atsaka naligo. Pagkatapos ay nagpatuyo ako ng buhok at nag apply ng light make-up sa mukha ko.

Dala-dala ko yung white 3 inches heels. Bumaba na ako at dumeretso sa kusina. Dahan-dahan ko inilagay yung cake sa loob ng box.

Isinuot ko na yung heels ko at dinala yung box ng cake sa labas ng bahay.

Nakita ko si Kuya Steffan na naghihintay, sinamaan niya ako ng tingin. "Ang tagal mo."

"Matagal ba 'yon? Hindi naman ah."

Umirap siya at pinagbuksan ako ng pinto, sumakay naman ako.

"Para kay Tita Lindsay ba 'yan?"

Tumango ako. "Sabi ni mommy magbake na lang daw ako."

30 minutes ay huminto kami sa white house na hindi masyadong malaki pero sobrang gandang tignan.

Bumaba na ako, hinawakan ako ni Kuya Steffan sa bewang.

Lumapit kami sa ginang na nakacolor red blouse. "Hi Tita, happy birthday." Bati ni Kuya Steffan at nakipagbeso.

Ngayon ko lang nakita ang mama ni Winston, hindi ko kasi kilala ang parents niya.

Napatingin siya sa akin at ngumiti. "Ito na ba ang kapatid mo, steffan?"

Tumango si Kuya. "Yes tita, she's Serenity."

"Happy Birthday po." Bati ko at inabot sa kaniya yung box ng cake.

"Thank you, hija."

"Steffan puntahan mo na mga kaibigan mo, ako na ang bahala sa kapatid mo."

Inalis ni Kuya Steffan yung braso niya sa bewang ko at tinignan ako. "Huwag ka masyado lumayo, huwag makipaglapit sa kung kaninong lalake. Bata ka pa."

"Kuya nakakahiya." Suway ko.

Hindi niya ako pinakingan. "Sige na kuya, enjoy ka na. Dito lang ako."

Hinawakan ako ni Tita Lindsay at pinaupo sa tabi niya. "Ang ganda ganda mo naman." Puri niya.

Ngumiti ako. "T–thank you po."

"Alam mo bagay kayo ng anak ko, kaso babaero 'yon ayaw ko masaktan ka."

Natawa ako ng mahina. "Halata nga po."

Gulat na tinignan niya ako. "Kilala mo siya?"

Tumango ako. "Opo, may mga article din po kasi ako nababasa about kay Winston na every week ay may bago siya."

"This week lang wala siyang babae." Saad niya.

Hinawakan niya ako sa kamay. "Gusto mo ba ireto kita sa anak ko?"

Nanlaki ang mga mata ko. "P–po?"

Ngumiti siya. "Irereto kita sa kaniya, mabait naman 'yung bata na 'yon. Sweet siya."

Ngumiwi ako. "Hindi po yata magandang paraan 'yon tita."

"Mommy."

Alam na alam ko kung sino 'yon. Winston.

Lumapit siya sa kinaroroonan namin at tumabi sa mommy niya, napatingin siya sa akin.

"Serenity..."

"H–hi."

"Anak nirereto kita sa kapatid ni Steffan, ito ang gusto ko para sayo. Hindi yung mga babaeng dinadala mo dito sa bahay natin."

"Mom... nakakahiya." Suway ni Winston.

Mukhang nahihiya siya dahil namumula yung tenga niya at napaiwas ng tingin.

"Nako, basta si Serenity ang gusto ko para sayo. Si Serenity yung tipo na hindi pinapakawalan at hindi sinasaktan."

"B—balik na ako doon, mommy." Biglang paalam ni Winston at biglang umalis.

Tinignan ako ni Tita Lindsay. "Dito ka na magstay okay? Sasabihan ko ang kuya mo."

Umiling ako. "N–nako hindi na po tita."

"I insist, dito ka na magstay. Bonding tayo dahil ikaw na ang soon to be daughter-in-law ko."

Gulat na napatingin ako kay Tita Lindsay na nakangiti pa. Ibinibigay niya ba talaga sa akin si Winston?

Can't Resist ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon