CHAPTER 13

13.6K 251 7
                                    

NILAPITAN ko kaagad si Mama Lindsay ng makarating ako ng Mondragon Medical Hospital.

"Ano pong nangyari, Mama?" Nag-aalala na tanong ko.

Umiling siya. "Hindi ko alam, ayaw niyang sabihin ang totoo." Malungkot na sabi niya.

Tinignan niya ako. "Kausapin mo siya para sa akin, daughter-in-law."

Tumango ako. "Opo, Mama."

"Sige uuwi muna ako, kukuha lang ako ng mga gamit niya. Ikaw muna ang magbantay sa kaniya ah?"

Tumango ako. "Opo, Mama. mag-iingat po kayo."

Pumasok ako sa loob ng room niya, naabutan ko siya na kasama ang mga kaibigan niya. Mukhang hindi sila sumunod sa patakaran ng hospital.

Lahat sila nandito, napatingin sila sa kinaroroonan ko kahit si Winston.

Mabilis na nilapitan ko siya at dahan-dahan umupo sa kama.

"Anong nangyari?" Nag-aalala na tanong ko.

"It's nothing, serenity." Sagot niya at ngumiti.

"Winston, sabihin mo na."

Tumingin ako kay Kuya. "What happen kuya?"

"We beat him."

Gulat na tinignan ko siya kahit yung mga ibang kaibigan nila, umiwas pa sila ng tingin.

"W-what? All of you."

"Yes." Sagot niya.

"W-why?" Nagtataka na tanong ko.

"Serenity, in our group we have a rule. Huwag pumatol sa kapatid ng kaibigan o pinsan."

Napasapo ako sa noo ko. "Damn that rule!"

Tumingin ako kay Winston na puno ng pasa sa mukha kahit sa braso meron. Itinaas ko yung damit niya.

Nanlaki ang mga mata ko meron din pasa. "Hinayaan mo lang sila?"

Tumango siya. "Oo."

"Bakit?" Nagtataka na tanong ko.

"Rule, my serenity." Sagot niya.

Tumingin ako kay Kuya. "Labas muna kayo."

Tumango siya, tumingin siya kay Winston at ngumiti. "Congrats, nakaya mo."

Ngumiti si Winston. "For serenity."

Lumabas na sila kaya matiim na tinignan ko si Winston na tumingin sa akin. "Why?" Nagtataka na tanong niya.

"Pwede ka naman lumaban." Saad ko.

Umiling siya. "Bawal gumanti, rule 'yon. Atsaka pinaubaya ka ng kuya mo sa akin pagkatapos nila akong bugbugin."

Sinuntok ko siya ng mahina dahilan para mapadaing siya.

"Para saan 'yon?" Tanong niya.

"Nagpabugbog ka para sa akin." Naiiyak na sabi ko.

Ngumiti siya. "It's okay, aangkinin naman kita kahit magpaligaw ka pa sa Oreo na 'yon."

Napailing ako. "Hindi sapat na dahilan 'yon.

"Para sa akin oo."

"Pag may nanggulo sayo na iba tulad ng mga babae mo o kahit may nanggulo sa akin. Titigilan na natin 'to." Saad ko.

Bigla siyang sumeryoso. "Are you sure?"

Tumango ako. "Y-yeah."

"Okay." Tipid na sagot niya.

Can't Resist ✔️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang