CHAPTER 7

683 43 10
                                    

QUINE's

WEDNESDAY.
Mas inagahan ko ang gising ko kesa dati. Mabilis akong nag-shower at gumawa ng breakfast para maaga kong masundo yung Van na yun at hindi ma-late.

Kahapon bago ako matulog ay nakatanggap ako ng text galing sa kaniya. Nakalagay dun ang address niya. Hindi ko masyadong natandaan ang mga nadaanan namin nung hinatid ko siya kaya okay na ding binigay niya ang address niya.

Salamat sa address at sa gps na din, hindi ako masyadong naligaw kakahanap sa building kung saan ko ihinatid si Van kahapon. Magkakamukha kase yung mga nakahilerang building, ang pinagkaiba lang ay yung mga number sa labas ng mga yun. May mga parking lot sila sa bawat gilid at may nakita din akong mga kotse na nakapark sa likod.

Ipinark ko yung kotse sa parking lot sa gilid ng building ni Van saka ko siya tinext. Habang naghihintay sa kaniya ay lumabas muna ako  para samantalahin ang oras at tumingin-tingin na din sa paligid.

Maayos naman ang itsura ng mga residential buildings. Hindi sila mukhang private pero mukha namang safe tirahan. Naglalakad-lakad pa ako sa parking lot habang naghihintay kay Van. Hindi siya nag-reply kaya hindi ko alam kung pababa na ba siya o kagigising palang niya.

Maaga pa naman. Pangungumbinsi ko sa sarili ko.

"Hoy!" Halos napatalon ako sa gulat ng bigla na lang may tumusok sa tagiliran ko.

Kainis na 'to!

" ANO KA BA?!" inis na sigaw ko kay Van na ngingisi-ngisi pa ngayon. 

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko! Ayoko pa naman sa lahat yung ginugulat ako lalo pa't magugulatin akong tao. Sa laki ng pagkakangisi niya kitang-kita ko ang pangil niyang parang pambampira.

"Sa susunod na gulatin mo pa ako ng ganon, sasapakin talaga kitang bwiset ka!" Banta ko dito sabay pakita ng kamao ko. Paulit-ulit akong humingi ng malalim para pakalmahin ang puso ko.

" Sorry sorry. Ang mga taong gaya mo kase ang masarap gulatin. Grabe yung mukha mo hahahaha sana pala napicturan kita!" tuwang-tuwa pa niyang sabi habang ginagaya yung expression ng mukha ko nung nagulat ako.

Ang panget niya.

"Eh kung hindi na lang kaya kita ihatid-sundo? Gusto mo yun? " kunwaring natutuwa kong sabi dito. Tumigil siya sa pag-tawa at kunyari pang nalungkot.

Mukha atang nasa good mood siya ah?

" Nag-bibiro lang naman ako, ang seryoso mo kase! Tara na? Gusto ko ulit sakyan yang mamahalin mong kotse." tsk. Talaga lang ah?

Hindi ko na lang siya sinagot at nagdire-diretso na papunta sa kotse. Nang makapasok kami sa loob ay parang bata namang tinignan ni Van ang loob ng kotse.
Nakasakay na siya dito kahapon pero manghang-mangha parin siya? Ano bang nakakamangha?

"Alam mo mahilig ako sa mga kotse, sinearch ko kahapon 'tong kotse mo... Ang mahal pala!" Namamangha pa nitong sabi saken. Kung magsalita siya para namang hindi mahal yung sa kaniya.

" Vintage yung sayo diba? Mas mahal yun." sabi ko dito matapos paandarin ang kotse.

"Talaga? Hindi ko alam kung magkano yung bili nun eh, pero ang sabi saken ng dating may-ari napalitan na daw makina nun since mabilis mag-over heat." sayang naman. Mas mahal ang vintage car kapag hindi pa nagagalaw ang mga parts nun.

" Nga pala hanggat hindi naaayos yung kotse ko dapat ihatid-sundo mo ako."

Wow. Hanga nga naman talaga ako sa kakapalan niya. Anyways, mukha namang wala akong magagawa. At isa pa, magkaklase din kami, iisipin ko na lang na kawang-gawa 'to.

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now