(II)

577 31 8
                                    


QUINE's

"Hindi pa ba tayo aalis? " naiinip kong tanong kay Tim. Nasa labas kami ngayon, nakatambay sa tapat ng apartment namin habang nakasandal sa kotse nito.

" Teka lang, may hinihintay pa kase ako." tsk.

"Sino naman?" inis kong tanong dito habang tinatali sa bun ang buhok ko. 11 na kaya mainit-init na din ang sikat ng araw, at hindi na ako natutuwa. Wala pa nga kaming ginagawa tagaktak na agad ang pawis sa katawan ko.

" Yung— Oh! Ayan na siya!" nakatingin ito sa may kaliwa namin haban kumakaway-kaway pa sa taong tumatakbo palapit samen.

Teka...Si Van?

Nakasuot ito ng white shirt at tattered faded jeans. Mukha siyang malinis sa suot niya. In fairness. Mukha siyang bagong ligo, at nang makalapit na ito samen ay agad na umalingasaw ang pabango nito... mabango iyon, it immediately catches my curiosity.

Ano kayang brand ng pabango niya?

"Akala ko hindi ka pupunta! Tara na?" tanong ni Tim.

Nang mag-tama naman ang paningin namin ni Van ay pilit itong ngumiti saken. Tinaas ko lang gilid ng nguso ko bilang sagot sa kaniya.

Syempre...hindi nakaligtas saken ang mapupula niyang labi. Badtrip! Kapag nakikita ko yun gustong-gusto kong pindutin ang mga yun. Mukha kaseng ang lambot-lambot. Isama mo pa ang parang hiwa sa lower lip niya na mas nakadagdag pa sa pagiging plumpy ng labi niya.

Damn it. Tumigil ka nga Quine! Baka kung saan ka pa mapunta niyan.

Sa passenger's seat ako umupo habang si Tim ang nasa driver's seat. Sa backseat naman si Van, sa may likod ko banda.

Kailangan muna naming dumaan sa mall para bumili ng mga pagkain at pasalubong na din sa mga bata sa orphanage.

" Ako na ang bahala sa mga gamit kayo na lang sa foods and other things na pwedeng magamit nila." bilin samin ni Tim pagdating namin sa mall. Hindi pa man ako nakakapag salita ay agad na siyang umalis.

Nilingon ko si Van. Mukha namang gusto niya talagang sumama samen, maaliwalas kase ang mukha niya. At ako naman itonv hindi gaanong natutuwa.

"Tara, sa supermarket tayo." aya ko dito.
Pagdating namin sa supermarket ay saka ko sinabi sa kaniya ang mga dapat niyang kunin.

" Basta kahit anong pwede nilang pakinabangan." Tukoy ko sa mga bata at sa orphanage na din.

"Dapat ko bang punuin yung buong cart?"

"Hmmm, depende. Kung gusto mo. Si Tim naman ang magbabayad niyan kaya kumuha ka lang ng kahit ilan." sabi ko sa kaniya sabay tapik sa balikat niya.

Nakakadalawang cart na ako nang magkita ulit kami ni Van malapit sa may cashier.

" Tingin mo okay na 'to?" tinigan ko yung mga kinuha niya. Naka-dalawang cart din siya, lahat puno. Dahan-dahan akong tumango.

"Pwede na yan." sabi ko sa kaniya.

Matapos kumuha ng ilang prutas, gulay at karne na din ay saka na kami pumili sa may cashier. Wala pang masyadong tao kaya mabilis kaming naasikaso. Inantay naman namin si Tim sa labas ng mall.

Matapos mamili ay bumiyahe na ulit kami. Hindi na ako masyadong familiar sa lugar na dinadaanan namin. May nadaanan kaming squatter's area, wet and dry market, basketball court hanggang sa makapasok kami sa isang malaking gate at...narating din namin yung lugar.

Malinis ang paligid ng ampunan. May tatlong magkakadugtong na building sa aming harapan, luma na iyon at paniguradong nakakatakot kapag gabi na. Pero maraming nakapalibot na puno sa paligid, berdeng-berde ang mga dahon at mukhang inaalagan talaga.

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now