CHAPTER 21 (I)

523 33 9
                                    

QUINE's

NEXT day.

Nagising ako mas maaga pa kesa sa alarm ko. Nag-decide ako na gumawa muna ng breakfast bago mag-shower. Pagkatapos kong kumain ay agad din akong naligo at pagkatapos ay inayos ang sarili sa harap ng salamin. Konting powder at lipbalm lang ay tapos na din ako.

Pagkababa ko sa parking lot ng bahay ko ay hindi inaasahang si Van agad ang makikita ko doon. Nakasandal pa siya sa may kotse niya.

"Good morning!" Masayang bungad nito saken. Yung mukha niya, mas maliwanag pa kesa sa umaga.

Taka ko siyang tinignan.
" Bakit nandito ka?"

"Inaantay ka." Agad nitong sagot  na para bang sinasabing hindi pa ba obvious?

"At bakit?" tanong ko ulit sa kaniya. Kung inaantay niya ako bakit hindi na lang siya umakyat sa bahay ko at sa loob naghintay?

" Para sabay tayo pumasok?"

"May kotse ako."

"Alam ko. Pero saken muna gamitin natin." ngumiti ito ng pagkalapag-lapad pagkatapos.

" Tara na?" dahan-dahan na lang akong tumango. Alam ko kaseng final na ang decision niya, at wala na akong magagawa dun.

Pagkapasok ko sa kotse niya ay agad kong naamoy ang pabangong gamit nito. Hindi ko namalayang napapangiti na pala ako habang isinu-suot ang seatbelt ko.

Saktong pagka-andar ng kotse ay narinig ko ang pagtunog ng phone ko.

Nang kunin ko iyon sa bag ay pangalan agad ni Dale ang bumungad saken, may message siya. Tungkol iyon sa email ng company ng papa ni Van. Yung project proposal.

"Ang seryoso mo ata? Sino yan?" tanong ni Van saken.

" Ah, si Dale." Agad kong sagot sa kaniya.

Teka, kilala na ba niya si Dale?

"Si D-Dale ang tumatayong guardian ko ngayon, siya din ang namamahala sa mga naiwan ng pamilya ko." Agad ko pang dagdag.

Hindi ko alam kung bakit may bigla na lang akong naramdaman, na para bang kailangan kong sabihin sa kaniya kung sino si Dale at baka...may iba siyang isipin.

Si Dale, mag-isa niya hinahandle lahat ng businesses namin ngayon dahil unstable pa ako.

Nag-compose agad ako ng message kay Dale na tignang mabuti ang project na yun. Kahit pa kaibigan ni Lolo si Fred, hindi parin kami dapat mag-tiwala at baka maging ghost project iyon.

Dumating ang first sub namin. Akala ko ay nagti-take note din si Van pero hindi pala.

Maya-maya pa ay may iniabot siya sakeng drawing, cartoon iyon na lalake at may hawak na banner na may nakasulat na 'smile'... In fairness, cute ang drawing niya. Kaya naman, agad-agad din akong napangiti.

Lunch. Sumabay samen si Van at siya din ang umorder ng pagkain namin.
Habang hinihintay sila ni Alec ay bigla namang nag-tanong saken si Kary.

" Anong meron sa inyo ni Van?"

"Hmm? Anong... anong meron samen?" taka kong tanong sa kaniya.

"I mean...kayo na ba?" Sabi ko na nga ba at ito ang itatanong niya.

"Pansin ko kase na may...something sa inyo eh." Dagdag pa nito.

"Ha? Naku, hindi ah." Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na maski ako...hindi alam kung ano nga ba kami ni Van, pero naisip ko na wag na lang.

Heartbeat Road  (Completed)Where stories live. Discover now