MH-6 "The HorseBack Rider"

Start from the beginning
                                    

“Hay nako Rio, mas maganda kung e t-try natin” hinawakan ko ang kamay niya.

“Inoue, ano plinaplano mo?”  Mukha nababasa niya ang nasa isip ko.

“No..ayaw ko!..ikamamatay ko iyan! Sige ka..habang buhay magiging single si Kai pagnawala ako waaaah!” Niloloko ko lang naman siya tapos ganyan na siya makapagreact.

“Ikaw naman hindi mabiro haha” Inikot lang naming ni Rio ang lugar at matapos ay nagmeryenda habang pinapanuod ang iba na nag zipline. Hinhintay lang namin mag alas kwatro para mapanuod ang simple paligsahan ng mga horseback rider. Dito na kami pumwesto sa isa bench at nakikita ko ang mga horseback rider ay mukhang naghahanda na.

“Sino bet mo diyan?” Tanong k okay Rio. Tumingin naman siya kung saan ang mga rider at parang may hinahanap.

“Iyong number 11, maganda kase ang kabayo iyon napaka bilis at magaling din iyong rider. Siya iyong champion last year at ang gwapo niya kyaaah” Malayo sila kaya hindi makita at na ka cup pa ito. Mabilis ba talaga? Na e-excite tuloy ako manuod sa laro. Medyo dumadami na ang tao, maya maya pa ay nagsimula na. Pinakilala muna iyong bawat player. Hanggang sa nag umpisa na ang laro at nag umpisa na rin ako magtakip ng tenga dahil sa lakas ng sigaw ni Rio.

“GO NUMBER 11! GO!” Napaka supportive naman niya. Nakita ko na nauuna nga si number 11 pero nakasunod sa likod niya si number 4. Nasa kalagitnaan na ng laro.

“GO NUMBER 4! GO! TALUNIN MO SILA” sigaw ni Rio. Ang buo akala ko pa naman sa babae ito ay napaka loyal sa number na napili. Pero nung makita niya nauuna na si number 4 ay lumipat na siya ng numero 4. Ilang mura pa ang binato niya bago iwanan ng tuluyan si number 11, kase ngayon iyong bet niya na pag iiwanan na. =___=

“Yahoooo! Ang galing na napili! ANg galing napili ko number di ba? Oh yeah number 4 I heart you na!’ Nagtatalon sa saya si Rio.

“Ang alam ko number 11 ang pinili mo” sabi ko. Tumingin sya sa akin.

“Number 11? May number pala na ganon? Basta 4 ako yahooo” nakatingin ako ngayon sa number 4 na winawagayway pa ang kamay sa mga tao. Hiyawan lang lahat. Inikot niya ang buo field. At dumaan siya sa amin. Ang yabang naman ng dating.

“Inoue, Inoue pa picture tayo sa kanya mamaya” Wala nga ako nagawa at after ng laro ay pumunta kami sa mga rider.

“Kuhaan mo kami ng litrato dali” Utos sa akin ni Rio. Natatawa na lamang ako itinutok ang camera sa kanila dalawa. Then I click.

“Isa pa” Nagpacute ulet si Rio. Kinuhaan ko sila ulet. Nagrequest pa ito ng isa pa. Mukha wala ata ito katapusan. Pero nung kukuhaan ko sila ulet. Parang may nahagip ang mga mata ko na dahil para bumilis ang tibok ng puso ko. Napatingin ako sa di kalayuan.

“Number 11?” bulong ko. Hindi ko malaman pero familiar na familiar ang tindig niya ang gesture niya. Nakasakay pa siya sa kabayo at maya maya ay bumaba na siya. Hinablot sa akin ni Rio ang camera pero hindi ko iyon pinansin. Dahil ngayon ayaw maalis ang tingin ko sa lalaki iyon. Tinignan ko lang siya ng mabuti. Ngayon ay naglalakad na siya palayo sa amin. Tinanggal niya ang cap niya.

“Bye number 11!” sigaw ng isa babae sa likuran ko kaya napatingin si number 11 sa amin. Hindi ako nakagalaw nung makita ang mukha niya. Parang tumigil sa pag ikot ang mundo ko sa mga oras na iyon.

Nanlaki lamang ang mga mata ko. Nanatili nakatitig sa kanya. Ngumiti siya sa amin at kumaway na parang nagpapaalam. Mas lumakas nag tibok ng puso ko.

Totoo ba talaga ito nakikita ko? Muli ay naglakad na siya. Hindi pa rin ako makagalaw. Para ayaw ko maniwala sa nakikita dahil napaka impossible. Impossible na siya iyon.

Muli ay tumingin ako sa kanya. Sumakay na siya sa kotse niya pero bago tuluyan pumasok sa loob ay kumaway muna siya sa mga fans niya.

Kamukha kamukha niya. Hindi ito ilusyon.Totoo ito at doon na ako nagsimula tumakbo. Tumakbo ng mabilis papunta sa kanya at sinigaw ang pangalan ng asawa ko.

“SAITO!” –Inoue

A/N:

Bitin? Next year ang next update hehe..iyan lang talaga ang laman ng chapters na ito halata naman sa title eh.

MISSING HEART [Book2of BH] ONGOINGWhere stories live. Discover now