Chapter 9

28 15 0
                                    

"Putangina bakit ang aga aga mong nandito?"


Napasimangot ako ng makita si Train samin at nakangiti pa. Wala ba 'tong pasok!?

"Bakit ayaw mo ba akong makita dito?" He asked. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya hindi kona lang sya pinansin.

Bahala ka sa buhay mo.

"Saan ka punta, Rome?" He asked me, following behind me. Isn't it obvious? Edi malamang mag-aaral ako. Minsan talaga kailangan kaltokan si Train.


"Luh? Saan ka nga punta?" He asked me once more. Tumigil naman ako sa paglalakad ko at tinignan sya.


"Magcucutting ako. Punta ako comshop doon! Doon sa Katipunan!" I hissed as i rolled my eyes. Nakaka-inis 'tong kausap.


"May problema kaba? Bakit ka mag-cutting?"

Napasapo nalang ako sa noo ko sa sinagot ng MRT na 'to na nasa harap ko.
Mukha ding naguguluhan sya sa inaakto ko at naglakad na ulet.

"Tara sama ako sayo!" Sigaw nya pa at tumakbo papunta sakin. Tinignan ko lang siya ng masama at tinaas ang libro ko.

"I'm going to the library, bawal mag-dala pets don, Train."


Pumasok na nga agad ako sa loob ng library at iniwan na sya doon. Buti nalang mukhang wala syang balak sundan ako.


Goodness gracious. Thank you, Lord.

"Kala mo hindi kita susundan?"

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot sa tabi ko si Train na may dala pang libro.

"Buti talaga hindi sila nakakahalata." He chuckled, as he opens the book he grabbed.


He grabbed an IB Business Management book. Business Management? That's nice for him.


"Kakatamad mag-basa." He said shortly after reading few words from the book. Napailing nalang ako sa katabi ko at nagpatuloy na sa pag-rereview.


"Kain tayo pagka-tapos mo?" He suddenly asked. Tinignan ko lang sya at nagkibit-balikat.

"Saan tayo kakain? Tara dayo UP Town?" He asked.


"Ikaw bahala basta libre mo." I answered him, para din matigil na sya at lalong alam kong hindi sya titigil kaka-kulit sakin. I just wish na wala akong makitang kakilala mamaya sa UP Town.

"Wow first time mong pumayag ah." He sounded surprised ng pumayag ako na magpalibre. Whenever we see each other ako lagi nagbabayad para sa sarili ko. 'Cause why not? Hindi naman ako kasali sa expenses nya. 


"Why? Masama ba?" Pagmamaldita ko.

"Hindi naman, sinabi ko lang na-shooketh ako 'e." He answered.

"Are you sure na taga-DLSU ka? Lahat ng kilala ko don conyo tapos ikaw? Ibang lupalop kaba?" I asked. Dadalawa lang talaga ang kilala ko doon sa DLSU, si Kiran at siya.

"Taga puso mo ako, kaya mag-review kana dyan."

"What the heck, Train?" I scoffed as I continued reviewing. Ano ba pinag-sasabi nitong lalake na'to?

Tumahimik naman sya doon at nakahilig ang ulo sa lamesa. Nailang ako ng mapansing naka-titig pala siya sa akin.

"Ano tinitingin tingin mo dyan?" Pagmamaldita ko. Sasagot na sana sya ng may tumawag sakanya.

One Night Ride ( Chasing Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon