Chapter 8

31 16 0
                                    

"Okay naba tayo dito? Ang init kaya!"

Nauna na akong umupo sa damuhan sa Sunken Garden na lagi namen tinatambayan. Umupo na rin si Kiran sa tabi ko at nilapag ang dala niyang pagkain. Lumapit na din sa amin si Train at umupo sa pagitan namen ni Kiran. Kaya naman umayos din kame ng upo ni Kiran sa ginawa nitong lalake na'to.

"Tang'na Train, akala mo ba napaka-liit mong nilalang?" Kiran asked him, as Train just ignored him.

"Kiran, dito kana lang saken tumabi." Aya naman ni Orlin at nakita ko naman na umiling si Kiran.

"Wag ka third wheel dyan, Kiran. Kawawa ka tignan." Asar pa ni Unique kaya naman agad tumayo si Kiran at lumapit kila Orlin na may pinapanood nanaman. Probably si Phoebe nanaman.


"Sino ba yan? Mukhang ang arte nyan." Tanong ni Kiran kay Orlin na kaagad sumeryoso ang mukha sa komento ni Kiran.

"Kung gusto mopa mabuhay, bumalik ka doon kila Rome," turo nya sakin kaya naman kumunot ang noo ko.  "Magpaka-thirdwheel kana dyan sa dalawang nagkakahiyaan nayan." Dagdag nya.

"Ano ba yan lagi nyo akong pinagtatabuyan." Mukhang nagtampo pa si Kiran sa amin kaya naman agad kong hinigit paupo samin at kinuha ang pagkain na binili namen. Kanina pa ako gutom ang tagal nila.


"Uy parang sa K-drama lang ah. Ulitin mo Rome, dali." Biro ni Kiran. Tinaasan ko lang sya ng kilay kaya agad naman itong tumigil.

"Sabi konga kakain nalang tayo diba, Tren?" Muntikan na akong matawa sa pagkabigkas nya ng pangalan ni Train.

"Alam mo Kiran, papatawag kona talaga si Cole ng mag-tino ka." Panakot ni Train.

"Rome, pag yan umamin sayo i-reject mo. Ipag-ganti mo ako!"

Pinapansin ko na din naman si Kiran katulad ng pagpansin ko kay Train na halos araw araw na ata akong puntahan dito.

"Kiran, kumain kana lang dyan. Ang ingay mo." I whispered at nakitang nagsimula na din syang kumain. Hindi umiimik sa gilid ko si Train kaya naman agad kong sinilip kung ano ginagawa nya.

He was just scrolling through his Twitter account at nang maramdamang sigurong may tumitingin sakanya agad naman syang nag-angat ng tingin kaya naman agad akong umiwas ng tingin.

"Bakit kaya hindi nagpapansinan yung dalawa? Sayang punta nung isa dito." Paparinig ni Althea sa dalawa at mukhang na-gets ng dalawa ang punto niya at tumingin sa amin ni Train.

"Ano tinitingin tingin nyo dyan?" Malditang sagot ko. I don't really know bakit ang dalas na nila dito wala naman silang pupuntahan.

Speaking of that, what Train said last weekend made me sleepless for nights.
Hindi kona alam kung ano trip sa'kin ng lalakeng 'to.

"Aalis nga muna kame dito. Kiran tara dito, wag ka pa-epal dyan." Aya ni Orlin kay Kiran. At naiwan na kame dito ni Train.

"Why do you keep coming here? Nagsasayang kaba talaga gas?" Pagmamaldita ko.

"Wala, may gusto lang makita." He answered, not interested.

"Si Kiran? He's your schoolmate for fuck's sake, Train. Dinadala mo pa yung tao dito."

Napatingin na sya sa akin at napatawa ng mahina.

"Hindi mo talaga naiintindihan?" He asked me.

"Anong kailangan kong intindihin?" Kumunot ang noo ko.

"Pagpunta ko dito, pangungulit ko. Hindi mo talaga naiintindihan?" He asked me again, making me more confused.

One Night Ride ( Chasing Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon