Chapter 2

59 25 7
                                    

"What? Are you serious?!"

Halos umusok na ang ilong ko sa inis sa sinabi nang lalaking nasa harapan ko. Ikaw ba naman sabihan na may tagos ka?! Nakakahiya!

"You should check your tracker. I'll just get something, you stay there."

Kaagad ko naman tinignan ang period tracker ko at nakita ngang ngayon ang start ko. Why did i forgot about this! That's why I'm craving for chocolates and the stomachache. It was this damn period!


"Ayoko nang maging babae." I whispered at tinignan ang chocolate na nasa kamay ko. "Ako din, ayoko nang maging babae." Rinig kong sabi ng lalake kanina.


"Are you gay?" Kinamot naman nya ang kilay nyang makapal at tumingin sa'kin. "I'm not gay, so grab this and go doon sa cr. Malinis naman siguro yon, pinalinis ko dun kay Manang na nandoon." Sabay abot sa akin ng plastic.


Kinuha ko naman ang plastic at sinilip ang nasa loob. Pagkatapos, ay naglakad na ako palabas ng bus kaya naman tinignan ko sya at nakitang nag-thumbs up pa ang loko.

Pag ako iniwan ng bus, isusumpa kita tignan mo. Hindi ka makaka-graduate.


Tinakbo ko na nga ang cr dala ang plastic na may napkin at wipes pati nadin ang jacket nyang siguradong may mantsa na. Good thing i brought extra clothes, makakapag palit ako.


"Ate, malinis naman po diba?" Tanong ko sa ate na nagbabantay sa cr.


"Oo, nilinis ko yan ngayon ngayon lang. May nag-utos na bata 'e, nagkaroon pa'ko pagkain."


Nakita ko naman ang hawak nyang pagkain at tinignan ko ulet ang bus kung nasaan sya. Nginitian kona lang si Ate at pumasok na.

"You good?"

Tinabihan ko lang ang lalakeng nagmagandang loob kanina at inabot sakanya ang chocolate na kakabili ko lang.

"No thanks, i think mas kailangan mo pa yan. Nag-crecrave daw sa chocolates ang mga babaeng meron." He said.


Agad ko naman ngang binawi ang chocolate at binuksan ang wrapper. His loss, not mine.

"Grabe, 'di man lang ako ulet inalok." I looked at him na nakatingin na din sa chocolate na kinagatan ko.


"Sabi mo kase ayaw mo tapos ngayon gusto mo pala. Are you joking with me, Mister?" Tanong ko sakanya kaya naman natawa sya.

I glared at him kaya naman agad syang tumigil sa pag-tawa and raised his both hands to tell me that he was just joking.


"Thanks for the jacket and this. Magkano inabot mo dito? And for your jacket, labhan ko muna 'to. Pano ko ibabalik sayo?" I asked. Kailangan ko ibalik 'tong jacket nya na 'to malay ko bang baka eto lang jacket nya tapos ibabalik kong may mantsa.

"Uy ikaw ah gusto mo agad meet up?" He teased. Tinaasan ko lang siya ng kilay at umirap. "Di pa'ko ready uy." He continued.

"Sayo nalang yang jacket. Madami naman ako samin." He answered and gave me a thumbs up. I just scoffed at hindi na sya pinansin pa.


"Sta.Rita! Exit na nang Sta.Rita," Rinig kong sigaw ng konduktor nang nakapasok na sa entrance ng Sta.Rita.

I immediately stood up and saw na nasa tabi ko pa pala sya. He's just looking at his phone, reading something. But who cares? Ayaw nya na nang jacket na 'to. His loss, not mine.

Agad na nga akong bumaba at tumingin pa ulet sa bus bago pa ito umalis. I'll be staying at this suffocating house for a day. That's nice, yey.

One Night Ride ( Chasing Romance Series #1)Where stories live. Discover now