Hindi naman sila ang ipinunta ko rito kundi ang amo nila.

Sa likod ng bahay naroroon sina Zoren at ang ibang tauhan nito. They are drinking booze at ang iba naman ay nagkakasiyahan. Sa isang single sofa nakaupo si Zoren habang hawak-hawak nito ang bote ng alak na nangangalahati na.

When he saw me approaching a wicked smile formed in his lips.

"Mayroon pala tayong uninvited guest. Upo ka Trake, baka mangalay ka diyan sa kinatatayuan mo."

Hindi ko sinunod ang sinabi niya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagbabago. Mahilig pa rin siyang magpaligoy-ligoy.

"Gusto kong makipagnegosayon." Taas noo kong sabi. Pinagisipan ko ito ng maigi. Nakuha ko ang atensyon niya. He seems amuse at tila ba nakuryoso ito.

"Kilala mo nga talaga ako. You know how to make me listen and get my attention. Bakit pala? Wala ka ng maisip? Asan na ang palaban naming leader noon na sa suntukan idinadaan ang lahat? Iyon pa naman ang hinihintay ko. Tsk."

I look at him impatiently.

Mas lalo lang kumukulo ang dugo ko kapag nagtatagal ang tingin ko sa mukha niya.

Ng makita nitong hindi man lang ako naapektuhan sa kanyang mga sinasabi mas lumawak ang ngisi nito.

"So, what is it?"


Pristine

Tinignan ko ng masama sina Chase. I can't believe this is happening. Nagpapanik na ako't lahat lahat pero sila ay kalmado pa rin. Hindi ko sila nakikitaan ng pag-aalala.

"Bakit wala man lang kayong ginagawa? Baka nasa panganib na si Trake. Ano, ako lang ba ang nagpapanik dito?" hesterikal kong sabi.

Kung ano-anu ng pumapasok sa utak ko na pwedeng mangyari.

Hindi naman ako inosente pagdating sa mga ginagawa nila. Alam kong kaakibat ng mga ginagawa nila ang pakikipagbasag-ulo at pagkakaroon ng maraming kaaway. Nakidnap nga ako at nasampal pa ng dahil lang doon.

Saglit na nagkatinginan ang mga lalaki.

Si Gino ang lumapit saakin. Kumpara sa mga kaibigan ni Trake si Gino lang ang naglakas loob na kausapin ako ng maayos. Bakit parang pinagtitripan ako ng mga dating kaibigan ni Trake?

May distansya siyang inilaan sa pagitan namin. Ok lang naman saakin dahil alam kong hindi pa ulit kami nagkakausap simula nung nangyari. Gusto ko nga rin siyang kausapin tungkol kay Jessica pero kung hindi pa rin siya handa, nirerespeto ko ang desisyon niya.

"Tuso si Zoren. Hindi siya nanggulo ng dahil lang sa paghihiganti. He wants to use Trake. Maraming illegal na aktibidad si Zoren at gusto niyang si Trake ang gumawa noon para sa kanya. Naroon ngayon si Trake para makipagnegosasyon."

"We can't do anything about that. Desisyon niya 'yon." Si Lay.

Hindi ko alam kung papaano iyon nalaman ni Gino. That's the least of my concern.

Ilang beses akong napakurap. Biglang nanghina ang mga tuhod ko sa mga sinabi nila. Ang tanging tumatakbo sa isip ko ngayon ay bakit. Bakit kailangan niyang gawin ang bagay na iyon ng mag-isa.

Masyadong mapanganib. Oo at naging dati nilang kaibigan ang lalaking iyon pero paano kung gumawa pa rin siya ng masama. Paano kung gawin niyang oportunidad iyon para gawan si Trake ng masama?

Habang naiisip ko pa lang ang mga bagay na iyon mas lalo akong natatakot at kinakabahan para kay Trake.

Someone hold me kaya hindi ako natumba. Si Gino iyon. Mariin akong napakapit sa mga braso niya.

"Tara muna sa labas."

I did not object when he said that. Ang mga ka-gang lang ni Trake ang nagkaroon ng violent reaction. Mabuti na lang at hindi na lumala pa. Mga isip bata talaga. Manang-mana sa kanilang leader.

Doon kami sa may pool area sa bahay ni Trake. Dahil sa pag-ihip ng hangin pansamantalang nawala ang nakabara sa dibdib ko pero nag-aalala pa rin ako ng husto. Bakit kasi ang tigas tigas ng ulo niya? Bakit kailangan niya pang solohin ang mga ganoon samantalang may mga kaibigan naman siya na handang tumulong.

Why is he always being selfless?

"Ayos ka na?" si Gino.

Tumango ako. "Salamat nga pala."

Hindi na ulit nasundan pa ang usapan namin. Parehas lang kaming nakatingin sa pool na mayroong ilaw. It looks so serene.

"Kamusta ka?" I ask awkwardly.

Parang nagkaroon ng malaking gap sa pagitan namin. Pero hindi ako nakakalimot sa mga nagawa niya saakin. I will be forever grateful.

"fine." Ano ba yan ang tipid ng sagot.

"Ikaw?"

"Ok lang rin."

Nangangati na ang dila kong magtanong. Gustong-gusto ko na siyang kausapin tungkol sa bagay na iyon pero naunahan niya ako. I did not expect na mag-oopen siya saakin ng hindi ko man lang siya pinipilit.

"Nagkausap kami ni Jessica. Sinabi niya na saaakin ang totoo."

"Ano namang masasabi mo tungkol doon?"

Hindi siya umimik malayo ang tingin niya na parang nagiisip ng malalim.

"Sa totoo lang Gino alam ko naman eh. Sinasabi mo lang na gusto mo ako kasi natatakot kang harapin ang totoo mong nararamdaman. Ganyan rin ako, natatakot ako kaya imbis na sa kabutihan ang intensyon ko nasaktan ko lang iyong taong gusto ko."

Hindi ko naman talaga dapat sasabihin iyon pero parang otomatikong lumabas sa mga bibig ko ang mga salitang iyon. Hindi ko na namamalayan na nag-oopen up na rin pala ako sa kanya.

"I did like you. Hindi kasinungalingan lahat ng ipinakita ko sayo. Totoong hindi pa rin nawawala ang pagkagusto ko kay Jessica and maybe I did use you to forget her pero ngayong naiintindihan ko na ang mga nangyari unti-unti ko ng tinatanggap sa sarili ko na hanggang doon na lang."

Tama siya, minsan kailangan mo ring alamin ang limitasyon mo.

You cannot force someone to reciprocate the feelings you are giving to them. It's not always give and take. Iyon nga ang pinakanakakatakot. Iyong bigay ka ng bigay hanggang sa wala ng natira sayo at umaasa ka na magkakaroon ng bunga ang mga ginagawa mo.

Loving someone is all about taking the risk. Inaasahan mo na kahit nagbibigay ka hindi ka hihingi ng kapalit at hindi ako iyon. Isang malaking sampal saakin ang katotohanan na hindi ko kayang lumaban.

And now I'm suffering the consequence of my action.

"Alam ko namang wala na talaga akong pag-asa una pa lang. Ang sama kaya palagi ng tingin saakin ng gonggong na iyon. At alam ko rin naman na siya lang talaga ang gusto mo."

I appreciate his effort to make the situation light. Natawa ako habang naiisip si Trake na nanlilisik ang mga mata kay Gino. Na kung nakakamatay lang ang tingin matagal na siyang nakabulagta.

"Magtiwala ka lang kay Trake. That bastard knows what he's doing."

Sana nga. Sana.

That Girl Pristine MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon