©29

84 1 0
                                    

©29

Ilang araw ang lumipas I've decided to leave for work first. Nakasubmit na din ako sa project ko pero binago ito ni LQ hindi na niya daw ito gawing tourist spot. Ewan ko kung anong pumasok sa isip niya pero yun ang plano niya kaya binalewala ko na din yun.

Hindi na din natuloy ang sunday party niya hindi ko alam ang dahilan pero binalewala ko nalang ito.

Nakatingin lang ako sa mukha ni LQ ngayon habang natutulog ito. Napangiti ako dahil alam kong nahihirapan ito sa akin dahil palaging galitin ako sa kanya. Ilang araw din itong hindi nakayakap sa akin o nakahalik man lang. Pero kahit ganun ay pinaparamdam niya parin sa akin na mahal niya ako.

Bumangon na muna ako sa pagkahiga pagkatapos ay lumabas sa kwarto. Pumunta ako sa kwarto ni Lolo Guil simula kasi nung dumating ito ay hindi na ako makadalaw kasi ang lahat ng atensiyon ko ay nasa mommy ni LQ.

Naging mabuti ang pakikitungo ng mommy ni LQ sa akin. Ina-alagaan niya ako,ina-alayan, at palaging pinagsasabihan tungkol sa pagbubuntis. Masaya ako sa pakikitungo nito sa akin dahil hindi ko akalain na pareho pala kami ng sitwasyon noon ng mommy ni LQ. Na inihalintulad din sa amin pero masaya ako dahil talagang gusto ako ng mommy ni LQ.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ni Lolo Guil ay nakita ko agad ito sa dati niyang paboritong location ang terrace.

"Lolo Guil?" tawag ko rito

Humarap naman ito " hija" sabi nito sabay lapit sa akin at binigyan ako ng yakap.

"Lo? Magbihis kayo may pupuntahan tayo" sabi ko rito.

"saan naman tayo pupunta? Nagpaalam kaba sa apo ko?" sunod-sunod na tanong ni Lolo

Ngumiti naman ako sabay hagod ko sa balikaw nito "Lolo hindi na kailangan ng pahintulot sa apo niyo kasi nagka-usap na kami kagabi at saka secret po ang pupuntahan natin pero gusto ko yung eligante ang suotin mo" mahabang sabi ko.

Alam kong naguguluhan si Lolo Guil sa inakto ko pero siguro panahon na para maging maligaya naman si Lolo. Alam kong dati niya pa ito hinihiling sa buong buhay niya.

'Lolo, sa pupuntahan niyo po ay siguro ito yung kaligayahan na  hinahangad niyo noon pa' masayang sabi sa isipan ko.

Lumabas muna ako sa kwarto nito at pumunta sa baba. Nakita kong nakahanda na ang pagkain habang ang mommy ni LQ ay busy sa pag-uutos nito sa mga kasambahay.

"Ma?" tawag ko sa mommy ni LQ na busy sa kaka-utos.

Tumingin naman ito sa akin at dali-daling lumapit " why hija? May problema bah?" nangangambang tanong nito.

"Ma gusto ko po sanang umalis muna kasama si Lolo may pupuntahan lang kami dun na din kami kakain" pagpapa-alam ko sa mommy ni LQ.

"Ha? Bakit? Saan kayo pupunta?" naguguluhang tanong nito.

"Ma pupuntahan ko lang ang magpapasaya kay Lolo at Ma ikaw na muna ang magbantay kay Veca ah? Wag niyo nang sabihin kay LQ na umalis ako baka kasi matataranta lang yun" pagpapa-intindi ko sa mommy ni LQ

Tumango lamang ito.

Habang nasa byahe kami ay palinga-linga lamang si Lolo sa mga dinadaanan namin.

"Lo? Chill lang po hindi po tayo naliligaw" pagpapakalma kong sabi

"hija? Alam kong hindi ka maliligaw pero itong lugar na tinatahak natin parang nadaanan ko na to dati ey" sabi sa akin ni Lolo.

Napangiti na lamang ako sa sinabi nito.

Nakita ko naman agad ang malaking bahay na kulay puti at may karatulang 'Harris Mansion' naguguluhan pa rin si Lolo rito hanggang sa pagbaba ng sasakyan.

Pagbaba namin ay agad naman lumapit sa amin ang magandang dalagita na siguro magkasing edad lang kami rito.

"Hi, You are Felicitae Casillio right?" pangiti nitong tanong

"Yes its me" sabi ko sabay ngiti rito.

"Lets go inside? She's waiting at the balcony of her room" pagpapa-alam nito sa amin.

Tumango lamang ako at agad pumasok sa loob. Pagpasok namin ay kitang kita ko ang magandang bahay. Pagpunta namin sa kusina ay inanyayaan na kami nung babae na kumain muna. Pero bago umupo si Lolo ay lumaoit ako rito.

"Lo? Hindi po kayo dito kakain" sabi ko na ikinagulat niya.

"Ha? Bakit hija saan ba dapat ako kakain?"

Kunuha ko ang dalawang plato na naglalaman ng pagkain at nilagay ko ito sa tray. "Halika po sundan niyo ako"

Sumunod naman sa akin si Lolo. Pagdating namin sa isang kwarto na nakabukas ay agad kong nakita ang babaeng nasa balconahe naka-upo  habang nakatingin sa kalangitan.

Lumapit ako rito at agad inilagay ang tray ng pagkain. Pagkalabas ko ay  nakita ko aka-agad si Lolo na naguguluhan pa rin.

"Lo pasok na kayo at kita niyo ba ang babaeng yun?" sabi ko habang tinituro ang babae.

"Oo tapos?"

"Siya ang kasabay mong kumain magpakilala ka muna sa kanya sabihin mo ang buong pangalan mo Lolo ha?" sabi ko rito.

Tumango naman si Lolo at agad pumasok. Nakita ko ang pag-upo ni Lolo na nakaharap kay Lolo Bria. Sa pag-upo ni Lolo at tumingin naman si Lola Bria kong sino si Lolo Guil.

Nangsabihin ni Lolo ay pangalan nito ay agad niya itong tinawag na mahal. Naguguluhan si Lolo sa umpisa pero ng sabihin ni Lolo Bria ang buong pangalan niya ay agad naman itong lumapit ay yinakap ito.

Napapatak naman ang luha ko dahil sa masaya kong nakikita. Mula nung umalis ako sa Hacienda ng mga Quimpano ay hinanap ko naman ang Brianna Harris kong patay na ba ito o buhay pa. Ilang buwan akong naghanap hanggang sa may napatawag sa akin at yun yung babaeng pamangkin nito.

Nalaman ko ding hindi pala nag-asawa si Lola Brianna dahil sa pangakong hinihintay niya hanggang ngayon. Lalong nalaman ko din na hindi pala natanggap dati ni Lola Brianna ang mga sulat na nanggaling kay Lolo Guil dahil sa ina nito na hindi gusto kay Lolo. Kaya ng bumalik si Lola Brianna sa pilipinas ay nalaman na niyang nagpapakasal na pala si Lolo Guil kay Lolo Lianne. Sa kasalan pala nun ay nan dun pala si Lola na nagmamasid.

Hindi ko ina-asahan na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin si Lola Brianna sa pagbabalik kay Lolo Guil.

Buong araw kaming narito sa bahay ni Lola Bria. Naka-upo lang ako sa sofa nila habang nagkukwentuhan kami sa pamangkin nitong babae na ka-edad ko lang. Sa tanghali ay lumabas si Lolo Guil at Lola Bria sa labas para lang magsasayaw. Nakangiti lang ako buong araw habang masaya akong nakatingin sa kanila.

Nagpa-alam na kami ngayon kay Lola Bria dahil uuwi na kami pagabi na kasi baka nababaliw na yun.

Nasa byahe kami habang si Lolo ay panay ang ngiti.

"Lolo?" tanong ko rito

Bumaling naman ang atensiyon nito sa akin " Bakit hija?" agarang tanong nito.

"Lolo baka naman gusto mong tawagan si Lola Bria mamaya may telephone number po ako sa bahay nila"

"Talaga hija?" pagkamanghang tanong nito.

Tumango naman ako. Pagpasok namin sa Hacienda ay hinagilap ko ang kotse ni LQ pero wala doon. Binalewala ko lang iyon pagbaba ni Lolo ay natawa nalang ako dahil sumasayaw kasi ito habang papasok sa bahay.

Para kasi itong teenager na sinagot lang ng nililigawan nito.

'Ang pag-ibig mo pala sa isang taong mahal mo noon hindi pala basta-basta mawawala lalo pat minahal mo ito ng buong puso katulad ni Lola Bria naghintay siya almost 31 years hindi pa niya alam kong makikita ba niya talaga ito o hindi basta nanatili parin siyang loyal at naghihintay ganon ang epekto ng LOVE' pagsasaysay sa isipan ko.





Hacienda Series:Quimpano's LoveWhere stories live. Discover now