©21

77 1 0
                                    

Simula nang dumating ang Ina ni LQ ay palaging nanghihingi nang atensiyon ang ina nito. Kaya bilang girlfriend niya ay ini-intindi ko naman ito kahit alam kong nilalayo nang ina ni LQ si LQ sa akin.

Katulad ngayon, wala si LQ dito dahil dinala siya nito sa ina nito papunta sa kaibigan nito. Gusto sana akong pasamahin ni LQ pero hindi ako pumayag rito lalo na't masama ang tingin nang ina nito sa akin.

Gabi na kaya bago ako bumalik sa kwarto ko ay pumunta muna ako sa kwarto ni Lolo Guil. Pagdating ko dun ay nakita ko ito agad na papahiga na sa kama nito. Kaya lumapit ako dito nang nakita nito ang presensya ko ay agad nito kinuha ang treasurechest box nito at agad kumuha nang isang sulat na para kay brianna.

"Hija" pukaw nito sa akin

"Bakit po Lolo?"

"Ok ka lang ba?" nangangambang tanong ni Lolo

"Ok lang po ako Lolo" tipid kong ngiti rito

"Alam kong hindi ka ok" sabi ni Lolo sabay Lahad sa akin ng sulat na ibigay nito kay Brianna "hija basahin mo to para sa akin" sabi nito

Tumango naman ako bago buksan ang papel.

'December 25 1998,
Dear Brianna,
Merry christmas, Maybe this is my last letter to you because you know that you will never read my letter again if i will send because you will get married and Congratulation on that. Brianna I also saw a girl she was Lianne Palmer Half american like you and she loves me.Maybe our romance is just up to this point may you keep in your heart that I love you and I will never forget you.
From: Guillermo Quimpano'

Nagulat naman ako sa sulat na nabasa ko. Kaya napa tingin nalang ako ni Lolo na lumuluha naman. Kaya agad ko naman itong nilapitan.

"Lolo tahan na" sabi ko rito sabay hagod sa likod nito.

"Lolo? Si Lianne po ba ang asawa niyo?" tanong ko rito

Tumango naman si Lolo sabay bangon sa pagkahiga. "I love Lianne at kahit kailan hindi ako nagkulang sa pagmamahal sa kanya until namatay siya" pahabol na sabi ni Lolo

"Lolo tanong ko lang po ito na po ba ang huling sulat niyo sa kanya?" tanong ko ulit

"Oo, hija yan ang huli"

"Sa lahat ba nang sulat niyo po wala po bang response kay Brianna?"

"Wala" tayo ni Lolo papunta terrace kaya sumunod naman ako rito. " Pagkatapos nang kasal namin ni Lianne ay bigla nalang may nag-abot sa akin ng isang malaking kahon at yun nga yung mga sulat ko pero ni isa walang sulat ni brianna na nakasama sa kahon" napaluhang sabi ni Lolo

"L-"

"Feli ang tita bebang mo" hiningal na sabi ni ate melanie na nakahawak sa telepono.

"Lolo teka lang po ha"

Tumango naman si Lolo na agad ko namang nilapitan si ate melanie at agad kinuha ang telepono nito.

"Hello?" nangangamba kung tugon

" Feli hija! Ang Lola mo" natatakot na sabi ni ate bebang na nasa kabilang linya

"Bakit ano pong nangyari?" nangangamba kong sagot

"Inatake siya kanina kaya papunta na kami ngayon ng hospital hinahanap ka niya Feli" nagmamadaling sabi ni ate bebang

Napatakbo naman ako papunta sa kwarto ni nicolas sabay katok nang malakas.

"Ano ba?" sabi nito habang nahihikab pa

"Nic please tulungan mo ko ang lola ko kasi inatake pwede bang samahan mo ako papuntang hospital ikaw lang kasi ang may kotse ey" napaluha kong sabi nito.

"Sige" sabi nito sabay dali-daling kumuha nang susi nito.

Nakita ko si Lolo na nakatingin lang sa akin kaya napalapit naman ako rito. " Lolo pupuntahan ko lang Lola ko ha?" sabi ko rito

Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Lolo dahil nagmamadali na ako. Agad naman akong pumasok sa kotse ni Nicolas.

Kaya habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasang magdasal at manginig na din. Tiningnan ako ni Nicolas sabay hawak sa balikat ko.

"Chill Feli your grandmother is in good condition ok?" pagpapakalma ni Nicolas sa akin

Napa-iyak naman ako rito.

Pagdating ko sa hospital ay agad kaming pumunta sa nurse area.

"Rebe Casillio nurse" nanginginig kong sabi.

"Nasa 2nd floor miss at room 123"

Hindi na ako nakapagthank you dahil agad akong tumakbo papuntang 2nd floor. Pagdating dun agad naman bumungad sa akin ang nakahigang si Lola Rebe ko habang nasa gilid naman si tita bebang.
Lumapit naman ako agad dito.

"Tita anong nangyari?" agarang tanong ko kay tita

"hija hindi ko din alam kasi pagdating ko nakabulagta lang si mama sa sahig"

"Ano naman ang sabi nang doctor?"

"Stable na daw ang kalagayan niya and maari raw sana dito sa muna siya dahil baka maulit ulit at baka hindi na raw ma-agapan pa"

Napaluha naman ako sa sinabi ni tita bebang habang hawak ang kamay ni Lola rebe. Ako na ang nagbabantay rito ngayon sa hospital. Kaya na pagpasya kong dito muna magpalipas nang gabi sa hospital.

Kinabukasan napa-angat ang ulo ko dahil sa kamay na hinihimas ang buhok ko. Nangtingnan ko ito kung sino ay agad ko naman nakita ang mukha ni Lola Rebe ko.

"Lola" pag-ayos ko ng upo.

"Kamusta ka na hija?" tanong nito sa akin

"Lola ako po dapat ang magtatanong sa inyo niyan" napaluha kong tugon nito

"O? Bat ka umiyak? Ok naman ako ah?"

"Lola? Nahihirapan na po ako" napayuko kung sabi habang umiiyak pa rin

"saan ka naman nahihirapan? Sa trabaho mo o Sa relasyon ninyo ni Louis?"

"Sa Relasyon po namin kasi Lola hindi po ako gusto nang mommy ni LQ at ayaw ko pong pagsisikan ang sarili ko na magustuhan ako nang mama niya dahil para po sa mama niya ang langit at lupa raw ang agwat naming dalawa" pagsusumbong ko kay Lola

"hija, ganun talaga diba dati sa mga napanood mo at nababasa mo ganun-ganun din ang sitwasyon nila o paano naman nila yun nalalampasan?"

"Pero Lola, hindi ko po kayang kontrahin ang mama nang taong mahal ko"

" Alam mo apo nasa sayo na yan bastat nandito lang ako kung kailangan mo ang tulong mo"

Napa-iyak naman ako sa sinabi nang Lola ko sabay yakap.

Hacienda Series:Quimpano's LoveWhere stories live. Discover now