©10

92 2 0
                                    

Sabado ngayon kaya nagmadali akong tapusin ang gawain ko ngayong umaga dahil aalis ako saglit upang bibili nang mga gamit para sa desinyo nang aking kwarto.

Nasa kwarto ako ngayon ni Lolo Guil tapos ko na itong pakainin kaya ngayon ay naglilinis na ako. Tumingin ako sa relo kong pambisig at eksaktong 9:30 palang kaya minadali kong linisin ang kwartong to.

Pagkatapos nang aking paglilinis ay agad naman akong lumapit kay Lolo Guil na nasa terrace na nagbabasa nang paboritong libro nito.

"Lolo Guil" Tawag ko rito

Itiniklop naman nang Lolo ang libro nitong binabasa at humarap sa akin. "O? Hija? Bakit?" tanong nito sa akin.

"Lolo magpapa-alam po sana ako sa inyo" sabi ko rito.

"O?"

"Lolo natatandaan niyo po ba yung plano ko sa kwarto ko? Gusto ko po sanang bumili nang mga kailangan ko" pahayag ko rito.

"Ah? Ganun bah? Sige pero pangako mo sa akin na wala pang alas dose nan dito kana sa bahay" sabi ni Lolo sa akin

"Lolo hindi naman ako si Cinderella ey Si Felicitae ako"

Natawa naman si Lolo at tumango " Sige humayo kana at mag-ingat ka ha?"

"Oo Lolo"

Dali-dali naman akong bumaba at pumunta sa kwarto ko upang magbihis. Sinuot ko yung sleeve ko tapos jumper na short at inayos ko na din ang buhok ko braid ang ginawa ko rito.

Nagdala rin ako nang bag pang palengke. Kaya paglabas ko ay agad ako nag lakad palabas nang gate. Paglabas ko nang gate ay agad namang may humarang na kotse sa harapan ko.

Nang e baba nito ang bintana nang sasakyan ay bumungad sa akin si Nicolas na kasama si Xayah.

"Feli sumabay kana sa amin pupunta kami nang bayan" sabi ni Xayah sa akin.

"Wag na Xayah maghahanap nalang ako nang Motorcab dito baka kasi madisturbo ko pa kayo sa lakad niyo ey" sabi ko rito.

"Ikaw baka matagalan ka pa" sabi ni Xayah sa akin

"Tumahimik ka nga Xayah! Sige na nic umalis na kayo at mag-ingat kayo ha?"sabi ko

Hindi na lumaban si Xayah kaya umalis nanga ang mga ito. ilang minuto din ako naghintay nang Motorcab. Kaya heto ako ngayon kakasakay palang.

Nasa isang boutique ako ngayon tapos na kasi ako bumili nang kailan ko kaya sa kwarto kaya yung sobra kong pera ay ibili ko nalang nang damit ko. Pagkalabas ko sa boutique ay nakahanap din agad ako nang masasakyan kaya naka-abot ako rito sa masiyon tamang-tama 11:30.

Dali-dali ako pumasok sa mansiyon pagkatapos kong ilagay ang mga pinamili ko sa kwarto ko. Nang makarating ako sa kusina ay agad kong sinimulan ang pagluluto.

Pagkatapos kong magluto ay pumasok naman sa kusina si Lolo Guil.

"Wala pa ba si-" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil nakita niya agad ako.

Napangiti naman ako nang nagsalubong ang tingin namin ni Lolo.

Agad kong sinerve ang pagkain ko sa lamesa. Nakita kong si Lolo Guil kang ang nasa hapagkainan. Kaya lumapit naman ako dito.

"Lolo Guil nasad po sila ate melanie?" mahinahong tanong ko dito.

" Nasa baba hija kumain" sabi nito sabay lunok ng kinain nito.

"Bakit hindi dito Lolo? Pinagalitan niyo po?" tanong ko ulit.

"halika hija" tapik ni Lolo sa tabi nang upuan nito agad naman akong umupo rito " Felicya alam kong kikay ka at gusto mo nang sama-sama pero kasi hindi ito nakagisnan sa mga kasambahay rito na kasama mo" mahinahong sabi ni lolo habang kumakain.

"ano pong ibig nyong sabihin Lolo?"

"Ang ibig sabihin ni Don Guil Feli ay itigil sa muna natin ang pagsasaya dahil kararating lang nang unang apo nito na si sir Louis" singit ni ate melanie na bago lang nakapasok dito sa hapagkainan.

" At ayaw kong ikaw naman ang pag-initan nito katulad nang ginawa niya sa Lola Rebe mo noon" pahabol na sabi ni Lolo

"Ano pong ginawa niya ni Lola Rebe ko dati?" naguguluhang tanong ko.

"Siya lang naman ang naglagay nang mga gawain na katulad nung linisin ang quadra at golf area dahil katulad mo may pagkamatigasin din ang Lola Rebe mo" singit naman ni ate Melanie.

Tumango naman si Lolo. Kaya pagkatapos nang pagkain at pagpainum ko nang gamot ni Lolo Guil. Ay agad naman ako pumunta sa gawain ko ang linisin ang quadra.

Habang pa-alis ako nangquadra ay nakarinig ako nang kaluskos sa loob nang quadra. Pero nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad papuntang golf area.

Pagdating ko dun ay agad naman akong naglilinis at sa gitna nang aking paglilinis ay agad naman lumapit sa akin si kuya nick na may dalang payong.

"Hoy! Pangit" sabi nito

"hmm?"

"ganda nang damit mo ngayon bagay sayo san pupunta?" tanong ni kuya Nick sa akin

"Tapos na akong umalis kuya nick kanina lang" bagot kog tugon dito

"saan ka naman pumunta?"

"Sa heart nang mapapangasawa ko kuya nick" pangbabara ko.

"Ayan ka na naman ey hindi ka na naman matinong kausap"

"E tanong ka nang tanong kuya nick ey"

"O sige na nga hindi na magtatanong pero may sasabihin ako sayo"

"ano naman yun?"

"hulaan mo muna"

"Ay! Naku! Kuya nick wala akong panahon jan kaya hindi ako nag-apply nangpanghuhula ey kasi palpak yung nga hinuhulaan ko" pagbabara ko kay kuya nick.

"hayss...sabihin ko na nga" sabi ni kuya nick sabay kamot sa batok nito. " Heto kasi, ang Sir Louis dumating na" natatakot na sabi nito.

"O ano naman?" bagot kong sagot

"pangit matakot ka non kung alam mo lang pano yun magalit mas matindi pa yun kay Don Guil" nangangambang sabi sa akin ni Kuya nick "basta hija mag-ingat ka ha? At sana gabayan ka nang panginoon at habaan pa sana niya ang pagtrabaho mo dito" pahabol na sabi ni kuya nick

Pagkatapos nang mahabang pagkukwentuhan ni kuya nick. Ay eksaktong natapos na din ako sa gawain ko kaya napatakbo akong pumunta sa kwarto ko. Naeexcite kasi ako sa pagdidisenyo nang kwarto ko.

Bago ako magdidisenyo ay hinalungkat ko muna yung pinamili ko hinanap ko kasi ang isang mini speaker na binili ko sa palengke. At tamang-tama may port ito para sa flashdrive ko.

Hacienda Series:Quimpano's LoveUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum