©12

81 1 0
                                    

Excited na akong makita ang Lola rebe ko kaya hindi na ako mapakali habang nasa motorcab ako.

Pagkahinto nang motorcab ay mabilisan akong nagbayad at agad tumakbo kinalimutan ko na ang sukli ang importante makita ko Lola Rebe ko.

Pagdating ko ay tamang-tama hindi pa nagising si Lola ang aga ko kasi. Pumasok na ako sa loob nang bahay hindi naman to do lock ang bahay namin.Pagpasok ko ay agad kong nilapag ang ang mga gamit ko sa upuan at pumunta nang kusina naming maliit upang magluto para kay lola.

Habang nagluluto ako ay naglilinis din ako nang bahay namin. Nagulat nalang ako nang biglang may yumakap sa akin.

Nang tingnan ko kung sino ito. Nakita ko ka agad si puto ang anak ni aling prita. Yumakap na din ako sa bata.

" O puto bat ka narito? Baka hanapin ka ng mama mo" pangambang sabi ko

"namiss kita mahal kong Felicita" sabi nito na higpit din ang yakap.

natawa naman ako sa sinabi nito "ako din Puto miss din kita"

"Weh? Miss mo ko? Kiss mo nga ako?" tanong nito sabay bungad sa akin ang mukha niyang habang nakapikit ang mata at nakanguso ang mga labi.

Mas lalong natawa ako sa inakto nito " Sige e kikiss kita kapag maligo kana at kumain" sabi ko rito.

Napakamot naman nang batok si Puto "sige sabi mo yan ha?" pahabol nito sabay dali-daling umalis.

Natawa nalang ako rito. Pagka-alis ni Puto ay eksaktong bumaba na si Lola Rebe.

"Felicya apo?" tanong nito habang e sinuot ang tsinelas nito.

Lumapit naman ako rito upang alalayan " Opo Lola ako to"

"Bat ka naparito hija?" mahinahong sabi sa akin ni Lola.

"Kasi po pinagday off po ako ni Lolo Guil" sabi ko sabay pa upo ko kay lola

"Talaga?" masayang tanong nito

"Opo"

Pinaghanda ko na si lola nang kanyang almusal pagkatapos kong magluto. Kaya heto ako ngayon nakatingin sa lola kong kumakain.

"Lola inalagaan mo ba sarili mo?" tanong ko kay lola

Tumango lang ito

"mabuti naman pero Lola alam niyo po may chika ako sa inyo" sabi ko sabay tayo upang kunin ang mga gamot ni Lola at tubig na rin.

"ano naman yun?"

"Yung pangalawang apo po ni Lolo Guil Lola na si Nicolas ay naging magkaibigan kami tapos po yung bahay alam niyo po? Naku maraming nagbago kasi po sabi sa akin ni ate melanie dati raw sa baba raw sila kumain ngayon nasa hapagkainan na kaming lahat kasama si Lolo Guil tsaka ang apo nito na si Nicolas" sabi ko sabay upo ulit " tapos po nung isang araw nagkasiyahan po kami nasa sala kami nun ey" sabi ko

"Malaki nga ang pagbabago nang bahay hija" masayang sabi sa akin ni lola

"Pero ngayon po naging tahimik po ang bahay kasi sinabihan ako nila Ate melanie na ayaw ni sir Louis ang maingay tapos ano po ang daming bawal"

Agad naman napatigil si lola sa pag-inum nang tubig at sumeryoso nang tingin sa akin.

"hija mag-ingat ka ni sir Louis Quimpano ha? Kasi kung malalagot ka nun papahirapan ka nun" naawang sabi ni lola sa akin.

"Hay!naku! Lola chill kalang po ako nang bahala nang lalaking yun hindi niya matutuba si Feliciting maingay at sobrang daldal" pambabara ko kay lola

Natawa naman siya sa sinabi ko kaya iniligpit ko agad ang pinagkainan ni Lola. Napagtanto kong ipacheck up si lola total day off ko naman ngayon.

Habang nasa loob kami nang motorcab ni lola ay hindi ko naman maiwasang mapatanong tungkol kay LQ.

"Lola ano pong hitsura ni Sir LQ?" biglaang tanong ko.

"Sinong LQ?"

"Louis Quimpano po in short LQ"

"Naku hija napakagwapong bata yang si louis" sabi ni Lola sa akin

"ganun po? Sinong mas gwapo? Si sir nicolas o si sir LQ?"

"Aba? Tinatanong mo talaga yan ha? Hija nasayo na ang kasagutan kong sino sa kanila"

"ahh??"tango tango kong tugon "Lola matanong nga anong ayaw ni sir LQ?" pahabol kong tanong.

"yung maingay, madaldal, pala tanong, at higit sa lahat kikay na tao" diritsahang sabi ni lola

"Wait lang Lola? Ako ba ang ayaw ni Sir LQ? E ako yung diniscribe niyo eh" naguguluhan kong tanong kay lola

"ganun na nga" natawang sagot ni lola

"Ay? Ganun? Pwes kung ayaw niya sa ugali ko ay....hindi yan pwede dapat gustuhin niya! Pano kong ako na pala future wife niya char" pangbabara ko

"O sige maging maharot ka pa"

Napakamot nalang ako nang batok ko sabay baba sa motorcab. Umalalay lang ako kay Lola hanggang makarating na kami kay Dr. Gonzaga.Pagpasok namin sa loob ay agad naman napatayo si Dr. Gonzaga.

"Uy, Good morning Lola Rebe at Felicitae miloves" bati sa amin ni Dr. Gonzaga

"Uy, miloves good morning din magpapacheck-up sana si lola Doc bakakasi may feelings na siya sa inyo" pangbabara ko kaya agad naman ako natapik ni lola.

Natawa nalang ako sa ginawa ni lola sa akin.

"Kamusta ka pala miloves?" tanong sa akin ni Dr. Gonzaga

"ahm? Ok naman hindi pa kinukuha ni lord unahin niya raw si lola" pangbabara ko ulit.

"Haha ikaw talaga hindi ka parin nagbabago kulilat ka parin" natatawang sabi ni Doc na nagsimula nang nagcheck-up kay Lola.

"Hindi naman ako nag bago Doc heart ko lang nasaktan siguro nong iniwan mo ko" pangbabara ko ulit.

"Hahaha hindi pa nga tayo naging magjowa sinaktan na agad?" natatawang sabi ni Doc sa akin "By the way ayun dito sa results ok naman ang heart beat ng Lola basta't araw-araw lang eat healthy food at wag kalimutang uminum nang gamot" pahabol na sabi ni Doc sa akin.

"Ganun po ba Doc sige salamat mauna na kami ni Lola" paalam ko rito.

Gabi na kami naka-uwi ni lola pero tapos na din kaming kumain sa labas kaya ngayon ay nasa higaan na kami. Habang tinatapik ako ni Lola ako naman ay hinalikan si Lola sa pisngi sabay pikit nang mata.

"Hija pagmahanap mo na ang taong magmamahal sayo sana makita ko pa siya bago ako kunin nang panginoon" sabi ni Lola sa akin

Napadilat naman ako " Promise Lola kong mahanap ko na siya ipapakilala ko ka-agad sayo" sabi ko sabay idlip ko.

'Dear Mister Ko,
         Sana bukas makita na kita'

Hacienda Series:Quimpano's LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang