©11

82 3 0
                                    

"Mom! I'm driving so stop calling me!" sigaw ko sa telepono

"Louis Quimpano! How dare you shout at me!?" sigaw naman pabalik sa akin ni Mama

"Ma nagdadrive kasi ako" mahinahong kong tugon rito

"Ok, Call me later when your arrived in your lolo's house understand?"

Binaba ko ka-agad ang tawag at nagfucos sa pagmamaneho. Nasa harap ko na ang gate nang hacienda ni Grandpa Guil.

Agad naman itong binuksan nang guard nito na si manong dom. Pagpasok ko ay pinabilisan ko ang pagpapatakbo pagkatapos ay agad lumabas at agad pumasok sa loob nang mansiyon.

" Melanie!" sigaw ko rito

Agad naman tumakbo ang kasambahay. Malapit itong natumba dahil sa pagmamadali pero mabuti at hindi yun nangyari.

"S-sir Louis" gulat na bati nito sa akin sabay yuko

"Nasa sasakyan yung mga gamit ko paki akyat nalang sa kwarto ko and by the way where is Grandpa Guil?" agarang tanong ko dito.

"Nasa taas po" sabi nito na nakayuko parin

Tumango lang ako at agad nilampasan. Humakbang na ako papunta nang taas nang makarating na ako ay wala akong paligoy-ligoy at agad na binuksan ang kwarto ni Granpa Guil.

"Granpa" mahinahong sabi ko

Nakaupo lang kasi ito sa terrace nito habang nakatingin sa paligid. Kaya lumapit ako rito. Nang mapansin niya ako ay agad niya ako sinunggaban nang yakap.

"hijo!" sabi nito sabay tapik sa likuran ko

"So, how are you?" tanong ko rito

"I'm fine" masiglang sabi ni Lolo

"kamusta naman ang hacienda?"

"very fine hijo"

"Ok, sige Lolo magroll around lang ako dito sa hacienda" pa-alam ko rito

Tumango naman ang matanda at agad akong lumabas at dali-daling lumabas nang mansiyon. Patakbo na akong pumunta sa quadra. Namiss ko kasi ang pangangabayo.

Pagpasok ko nang quadra ay bumungad sa akin ay isang babae na naglilinis nang quadra. Hindi ko ito kilala binalewala ko lang ito at agad pumasok sa isang silid dito sa quadra upang kunin ang paborito kong kabayo.

Paglabas ko nang silid ay wala na ang babae kaya binalewala ko nalang ito. Habang nakasakay ako nang kabayo ay hindi kalayuan ay makikita ko rito ang golf area at nakita ko nanaman ang babaeng nakita ko kanina.

Ngayon ay kitang kita ko ang suot nito. Naka longsleeve ito at nakajumper habang nakabraid naman ang buhok. Nagwawalis ito nang golf area nang biglang dumating si manong Dom ay pinayongan niya ito kaya hindi ko na ito nakita.

Hindi na ako nag-asikaso na kilalanin ang dalaga pagkatapos kong mangabayo ay naglalakad ako pabalik nang mansiyon. Hahakbang na sana ako nang makarinig ako nang tugtog na galing sa kwarto ni Lola Rebe ay agad akong dinala nang mga paa ko at bumungad sa akin ang babaeng nakita ko kanina sa quadra at sa golf area.

Nagpipinta ito ngayon. Napatingin lang ako sa maliit na mukha nang babae at ang matangos na ilong hindi maputi ang balat nito pero ang kulay nito ay bagay na bagay sa mukha nito.

Napa-iling nalang ako at bumalik sa mansiyon. Pumunta na ako sa kwarto sabay higa sa higaan ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako nagising nalang ako sa ingay nang telepono ko. Dinilat ko ang mata ko at inabot ang telepono ko at agad ipinatong sa tenga ko.

"Louis! Bat hindi mo ako tinawagan?" sigaw nang mama ko sa kabilang linya kaya kinuha ko nalang ang telepono ko at ibinababa.

Bumangon na ako sa pagkahiga at agad lumabas sa kwarto ko. Paglabas ko ay agad ko namang nakita ang babae na nakita ko kanina.

"Pahinga na po kayo Lolo Guil" sabi nito sabay ngiti na kitang kita ang malalim na dimple nito.

Nagtagpo naman ang kilay ko sa sinabi nito na Lolo Guil. Gusto sana itong sugurin pero tiningnan ko lang ito na pababa nanghagdan. Nakita ko kung gaano cya kakinis kahit hindi siya maputi at bagay niya ang sinuot nitong bestida. Napa-iling nalang ako.

Tapos na akong kumain kaya napagdesisyonan kong maglakad-lakad muna.

Sa paglakad-lakad ko ay agad naman nahagilap ko ang babaeng nakita ko kanina. May inayos ito na parang higaan pagkatapos ay humiga ito.

Gusto ko sanang pa-alisin ang babae pero tiningnan ko lang ito. Hanggang sa bumangon ito at inayos ang hinigaan nitong kumot. Pagkatapos ay binalot ito sa sarili nito. Sabay lakad pa-alis sa golf area. Sinundan ko lang ang babae hanggang sa bumalik sa kwarto nito at hanggang sa dumilim na ang loob nang kwarto nito. Kaya napag-isipan kong pumasok na ako sa mansiyon.

Kinabukasan napabalikwas ako nang bangon dahil sa ingay sa baba kaya agad akong pumunta sa bintana ko.

Nakita kong nakasampay nang bag ang babae na nakita ko kahapon. Tumingin ako sa orasan na nasa mesa ko at 7:00 palang nang umaga.

"Bye everyone alagaan niyo si Lolo Guil sa akin ha? Don't worry peps babalik si ako" sabi nito na kumakaway parin habang naglalakad.

'What's wrong with that girl ang weird niya' sabi ko sa isipan ko.

Isinara ko nalang ang bintana. Tamang-tama naman dumating si Nicolas second gradson ni Grandpa.

"What are u doing here?"

"Nothing" sabi nito sabay upo sa sofa ko.

"Bat ba ang ingay sa baba?" galit kong sabi kay Nicolas

"Well, The kikay kasambahay just having a day off today kaya ganun nalang kahinayang ang lahat" pachill na sabi nito

"So, anong meron nang babaeng yan bat kailangan pa magday off? Diba sa katapusan pa nang buwan ang day off ng mga kasambahay?" iritang tugon ko

"You know what you're nega and dapat ma meet mo yang bagong kasambahay para hindi ka maging bad mood always" advice ni nicolas sa akin bago lumabas.

'Who are u Kikay Kasambahay?'

Hacienda Series:Quimpano's LoveWhere stories live. Discover now