©7

87 2 0
                                    

Ito ang pangalawang araw ko na nakatira ako sa hacienda Quimpano. Rountine ko na ang gumising nang maaga pakatapos ay sisimulan agad ang routine ko.

Ang pagpakainin at linisin ang kwarto ni Lolo Guil Sa umaga pagkatanghali naman mag lilinis ng Quadra at sa golf area. Kaya heto ako ngayon naglalakd pa balik nang mansiyon dahil tapos na ako sa paglilinis ko.

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasan magtaka sa kulay blue na ulap at may tubig? Agad kong kinusot ang mata ko at tiningnan muli.

At tama nga ako karagatan nga ang nakita ko. Kaya napalakad nalang ako papunta sa kulay blue na ulap at tubig.

Pagdating ko nun ay nakita ko ang  malawakang swimming pool.

' Gaga! Kailan naging karagatan ang swimming pool' sabi ko sa isip ko hapang tinatapik ang noo ko.

"Felicicha? " pukaw ni manong edring sa akin.

Nakita ko lang si manong edring na naglilinis nang swimming pool nang tawagin niya ako. Kaya lumapit ako rito.

"Felicitae po" pagtatama ko sa pangalan ko

"basta yun na yon hija"

"So dito po kayo naglilinis manong edring? Araw-araw?" Tanong ko rito

"Hindi naman araw-araw hija ngayon lang dadating kasi dito ang pangalawang apo ni Don Guil" sabi ni manong edring habang panay abot nang mga dahon sa pool.

"Ganun po ba?"

"Oo, pero teka bakit ka pala napadpad dito hija?" tanong ni manong edring

Napakamot nalang ako nang aking ulo bago ko sagutin si manong edring " e kasi po napagkamalan ko po kasing karagatan tong swimming pool kaya pumunta ako dito" sabi ko.

Tumawa naman si manong edring sa sinabi ko.

Pagkatapos nang aming kaunting pagkukwentuhan ay agad naman akong bumalik sa mansiyon. Pagdating ko don ay agad naman bumungad sa akin si ate melanie.

"Feli pwede bang ikaw nalang muna ang maghuhugas nang pinggan? Si Xayah kasi nasa kwarto niya simula pa kaninang umaga" nababahalang sabi ni ate Melanie sa akin.

"sige po" agarang sabi ko

Pagpasok ko sa kusina ay agad bumungad sa akin ang nakatambak na mga plato. Hindi ito ginamit sa pagkaininan namin pero parang gagamitin ito sa malaking celebrasyon.

"Ate Feli wag kanang magulat jan" sabi sa akin ni amylyn na nag-aarange din sa mga baso na gagamitin.

"para saan to amylyn?"tanong ko rito

"Para sa gaganaping Thanks Giving sa Hacienda nang mga Quimpano ate" sabi ni amylyn sa akin

Napatango nalang ako. Kaya sinimulan ko na ang paghuhugas. Malapit na akong matapos sa paghuhugas ko nang biglang nagsalita si Lolo Guil ay agad naman akong napatigil sa ginagawa ko.

"Ikaw ang naghugas lahat nang yan?" tanong sa akin ni Lolo

"Opo Lolo" sagot ko nito

"Nasan si Xayah?" tanong nito

"Nasa kwarto niya po Lolo sabi ni ate melanie ay kaninang umaga pa po siyang nakahiga po" agarang sagot ko sa tanong nito

Umalis na nga si Lolo Guil kaya pinapatuloy ko lang ang ginagawa ko hanggang sa matapos ako.

Nasa kalagitnaan kami nang hapagkainan at nakita kong nakatingin nang masama si Xayah sa akin. Pagkatapos naming kumain ay sinabihan na ako ni Lolo na magpahinga at bukas ko na raw siya babasahan nang libro kahit hindi naman libro ang pinapabasa nito.

Pababa na ako nang mansiyon at tamang pagbaba ko ay agad hinablot ni Xayah ang buhok ko papunta nang swimming pool. Agad naman binitawan ang buhok ko.

"Ano ba ang problema Xayah?" tanong ko rito.

"anong problema?" tanong nito sabay sunggab sa akin nang sampal.

Hindi lang isang sampal kundi maraming sampal.

"alam mo! Nung dumating ka naging pabida kana ey! Alam mo ba yun! Tapos ngayon napagalitan ako dahil sayo!"sigaw nito sa akin sabay sampal ulit

Napa-iyak nalang ako sa ginagawa nito.

"Napagalitan ako dahil sayong litse ka! Well, palibhasa pokpok ka kaya inakit mo yung matanda"

Hindi na ako napagtimpi sa galit ko nang biglang sinampal ko siya nang malakas. Kaya natahimik siya dito.

"Alam mo Xayah wala akong inagaw sayo, at lalong hindi ako pabida alam mo kung bakit? Dahil hindi ko intensiyon na mang-agaw at lalong hindi ako pokpok! Hindi mo alam ang pinagda-anan ni Lolo Guil Xayah! Kaya wag mong sabihin sa akin na pokpok ako dahil simula nung pumasok ako dito ay hindi ko rin ginusto! Kagustohan ito ni Lola Rebe ko! At gusto ko din mapagamot si Lola kaya ikaw Xayah kong ano man ang ginawa ko sayo sabihin mo may kinuha ba ako? Nanghihingi ba ako nang atensiyon? Simulat pagmulat ko Xayah hindi ko binigyan nang atesiyon nang magulang ko at ni Lola Rebe dahil alam kong ikaw ang ina-atupag ni lola Rebe umuwi siya sa bahay gabi na at yung mga damit kong luma ay ibinigay sayo kaya Xayah isipin mong maigi ang mga pinagsasabi mo!" sabi ko dito.

Humakbang ako papalayo napatigil ako at hinarap siyang muli.

" Alam mo Xayah kong anong gusto ko?" sabi ko rito "ang maging kapatid ka kahit hindi sa dugo bastat sa puso dahil pareho ang taong nagpalaki sa atin at alam kong mas tinutukan at inilagaan ka nun hagang sa lumaki ka" sabi ko rito sabay alis pabalik nang kwarto ko.

Pagpasok ko dun ay agad akong napahiga ang umiyak.

'Masama bang maging mabuti?' tanong ko sasarili ko.

Habang umiiyak ako ay napaidlip na lang ako at nakatulog.

Hacienda Series:Quimpano's LoveWhere stories live. Discover now