©4

117 1 0
                                    

Habang naglalakad ako pa balik nang
mansiyon ay hindi ko maiwasang mag visualize sa pag-aayos na gagawin ko sa kwarto ko.

Nang makarating ako nang mansiyon ay agad kung tiningnan ang pambisig kong relo at nakita kong maaga pa at may oras pa akong maglinis kaya. Agad kong kinuha ang mga kagamitan na gagamitin ko sa paglilinis.

Ang una kong ginawa ay ang kunin ang mga gamit ko at itabi, pagkatapos ay kinuha ang mga patay na hayop, pagkatapos ay nilinisan ko naman ang ceiling na puno nang cabwebs.

Inilabas ko naman agad ang katreng kahoy na higa-an ko. Pagkatapos ay agad pumasok. Dala ang isang balde nang tubig at binisbisan ang sahig. Pagkatapos nang paglilinis ko sasahig ay agad naman akong pumunta sa loob nang mansiyon.

Hinanap ko si ate melanie. Nang makita ko itong naka-upo sa sala. Kasama nina amylyn at Xayah. Ay agad ko itong nilapitan.

"Melanie" tapik ko sa balikat nito

Agad naman itong nakatingin sa akin. Sabay tayo " O Felicitae? Bakit anong kailangan mo?" tanong ni ate melanie sa akin.

"Ate melanie may floormat po ba dito?" agarang tanong ko.

"Aba! Meron teka lang dito ka muna ha? Titingnan ko sa sa stock room"

Katulad nang sabi ni ate Melanie at naghintay nga ako.

Habang naghihinatay ako ay nabaling din ang atensiyon ni amylyn sa akin. "Ate Feli ano pong gagawin niyo sa floormat?" tanong sa akin ni amylyn

"Ahh, lalagyan ko lang nang floormat yung kwarto ko amylyn" sabi ko rito

"Wow? Maging maganda na ba ang kwarto mo ate feli?"

"paano naman maging maganda ang kwarto niya amylyn ey nung nakatira nga dito si manang Rebe ang pangit pano kung apo na niya ang kapalit?" pangsisingit ni Xayah ni amylyn

"tumahimik ka nga Xayah malamang ang pangit nang kwarto ni Lola Rebe e matanda na siya eh kaya wala na siyang panahong linisin yon" tanggol ni amylyn sa akin.

Nang dumating na si ate melanie dala ang white at plain na floormat ay agad ko itong kinuha at agad nagpasalamat at umalis.

Pagbalik ko sa kwarto ko ay tamang-tama ay nakita kong hindi na basa ang sahig kaya agad kung ibinuklat ang floormat. Pagkatapos nun ay nilinisan ko naman ang katre na hihigaan ko at sabay ipinasok sa loob

Natapos ko naring linisin ang kabinet pati na ang malit na kabinet na inilagay ko sa gilid nang katre ko.

Yung mga damit ko naman ay ini-ayos ko na at nasa loob na nang kabinet.

Yung mga bag na ginamit ko ay inilagay ko sa pinakadulo nang kabinet. Pagkatapos yung mga higaan ko naman ay malinis na din. Yung maliit na kutson na kay Lola rebe dati ay hindi ito gaano ka luma. At nagpasalamat din ako dahil may magic pillow din palang pinadala sa akin si Lola at sapin para sa kutson.

Nakaupo ako ngayon sa higaan ko hindi ko ina-asahan na malaki ang pagbabago nang kwartong to. Kaya nag plano ako na sa sabado ay pipinturahan ko ang buong kwarto ko.

Napahiga ako sa kama habang tinitingnan ko ang kisame ng kwarto ko. Nang biglang hindi na kinaya ng mata ko ang antok ay napaidlip na rin ako.

Paggising ko ay napabalikwas ako nang bangon at dali-daling tiningnan ang relo ko. Napabunting hininga ako nang malakas nang tingna ko ang oras ay 5:00 pa.

Bumangon ako at lumabas na sa kwarto  ko. Pumasok ako sa loob nang mansiyon at ngayon ay nakita kong naglilinis ang lahat. Napatingin nalang ako rito.

Hacienda Series:Quimpano's LoveWhere stories live. Discover now