©20

84 1 0
                                    

Ngayon ay pabalik na kami nang bahay habang nakaholding hands na naglalakad. Hindi ko inaasahan na ganito ako kasaya ngayon. Kaya hindi ko din maiwasan na tingnan ang lalaking nagpasaya sa akin ngayon.

"Why are you looking at me?" sabi nito habang tumitingin lang sa daan.

"Feeler mo"

"I know you're lying" sabi nito sabay tingin sa akin.

"At paano mo naman nalaman na nagsisinungaling ako aber?" sabay taas ko nang kilay.

"because I love you and because I love you I learned your moves too" kindat nito sa akin.

"Asus....ang drama e paano na yan? Dahil girlfriend mo na ako hindi mo na ako mauutusan" sabi ko sabay belat nito.

"I will not command you anymore and I will help you in your work and so that the two of us will work together"

"tapos? Maging bugnotin ka parin? Tapos pagagalitan mo nanaman ang mga ibang katulong? Ha!?" pagalit-galitan ko

"Hindi na, maybe because I'm afraid that might be the reason for our fight"

"sabi mo yan ah?" nagpapababy kong sabi.

"pero teka lang nasan ang mga tao dito sa hacienda?" pahabol kong tanong

"they are having there day off"

"So ibig sabihin tayo lang nila Lolo ang nan dito?" gulatan kong tanong

"Yes"

"Ano!?" Gulat kong sabi rito

"Oo, para masolo kita" sabi nito sabay hayag nang mapanuksong tingin nito.

Napahiwalay naman ako sa paghawak nang kamay nito at agad tumakbo. Siya naman ay hinahabol ako na sumisigaw nang "Isang gabi lang sweetheart please"

"Ayoko ko nga! Kagabi inakit mo ko kaya ngayon magdusa ka dahil hindi mo na ako maiisahan pa" pasigaw kong sagot habang tumatakbo papunta mansiyon.

Pagpasok namin sa mansiyon ay agad bumungad sa amin sila ate amylyn, Xayah, Nicolas, at Amylyn na sumigaw nang sabay ng "CONGRATULATIONS"

"Bakit anong nangyari?" agaran kong tanong

"Wala namang nangyari" sabi ni Xayah na nakangiti.

Si Nicolas naman ay sumaludo kay LQ sabay sabi din nang " Congrats bud you pick a nice lady" sabi nito.

"Thank you bud same to you" sabi ni LQ na sumaludo din kay Nicolas pabalik.

"Hay!naku naguguluhan ako sa inyo para-anin niyo nga ako at pupuntahan ko Lolo Guil ko" sabi ko sabay lagpas sa kanila.

"Sweetheart this evening ok!?" sigaw ni LQ sa akin.

"In your dreams" pabalik kong sabi rito

Na-ikanatawa naman nang lahat. Pagdating ko sa loob nang kwarto ni Lolo GuIl ay nakita ko itong nasa terrace nito. Kaya agad naman akong lumapit dito sabay hagod sa likod nito.

"Hi Lolo" pukaw ko sa atensiyon nito.

"hija" sabi sa akin sabay yakap " kamusta naman ang Lola mo" pahabol nitong tanong sabay bitaw sa pagyakap.

"Ok naman Lolo, actually Lolo may sasabihin po sana ako sa inyo" nangangambang sabi ko

"Is this about what happened earlier?"

"Alam niyo po?" gulat kong tanong

"Of course hija, Louis also came to me to help with his plans"

"hindi po kayo galit dahil isang kasambahay po ang niligawan nang anak niyo?"  diretsahang tanong ko

"hija Louis choose the right girl why am I angry? Kung ito ang ikaka saya nang apo ko then Go ahead I will support both of you"sabi ni Lolo

"Thank you Lolo"

"No, hija Thank you for changing my grandson" sabi nito sabay tapik sa balikat ko.



Dalawang araw ang nagdaan katulad nga nang sabi ni LQ sa akin na tutulungan niya ako sa mga gawain ko ay tinupad naman niya yun. Pero sa ngayon ay nangangamba ako dahil sa pagdating nang mama ni LQ.

"Hey," pukaw ni LQ sa akin sabay halik sa pisngi ko. "Are you ok!?"pahabol nitong tanong.

"natatakot ako Louis na baka hindi ako magustuhan nang mama mo" nangangambang sabi ko kay LQ

"Ok, chill sweetheart mommy is a good woman magugustuhan ka nun for sure" ngiting sabi ni LQ sa akin.

Ilang sandali nang aming pagyayakapan ay biglang may bumusinang kotse na agad pumaglas si LQ upang takbuhin ang sasakyang dumating. Alam kong ito ang mommy ni LQ kaya napatingin nalang ako sa sarili ko.

Nakasuot ako ngayon nang simple bandage dress na kulay bughaw. Kinakabahan pa rin ako hanggang sa nakita kong bumaba ang mommy ni LQ sa kotse.

Nang papunta na ito sa gawi ko ay mas nakita ko pa ang magandang mukha nang mommy ni LQ.

Lumapit si LQ sa akin sabay akbay "Mom, This is Felicitae Casillio my girlfriend" pagpapakilala ni LQ sa akin.

Ngumiti naman ako sa ginang "Good afternoon po ma'am" pormal kong sabi sabay yuko

"Hi" mahinang tugon ng mommy ni LQ
Agad nilagpasan kami.

Pinisil naman ako nang mahina ni LQ "Pagpasensyahan mo na si Mommy Sweetheart" sabi nito  sabay punta sa loob.

'Father Almighty sa Libro lang to ni Nicolas Sparks ey bat napunta sa akin' pagsasabi ko sa sarili kong isip sabay labas nang buntong hininga.

Habang nasa hapagkainan kami ay hindi ko maiwasang mangamba dahil sa titig ng ina ni LQ sa akin na napaligoy sa akin. Para bang hindi niya ako gusto para sa anak niya. Pagkatapos naming kumain ay nilapitan naman ako ng mommy ni LQ

"Can I talked to you?" sabi nito sabay ngiti na parang peke lang.

Tumango lang ako rito sabay sunod papuntang pool area. Pagdating dun ay napayuko nalang ako.

"hija, anong trabaho mo ulit?" tanong sa akin ng ina ni LQ

"Kasambahay po dito" mahinahon kong sabi

"Ow, So may lakas ka talagang loob na akitin ang anak ko?" sabi ng ina ni LQ sabay tingin sa akin nang masama.

"Ma'am sorry po pero hindi ko po inakit ang anak niyo" magalang kong tugon rito.

"hija kung hindi mo inakit edi sana hindi ka naging girlfriend niya ngayon"

"Ma'am sa totoo po hindi po totoo yang sinasabi niyo"

"So anong totoo? Na pera lang ang habol mo sa anak ko?" sabay bigay sa akin ng masamang tingin

"Ma'am patawad po pero sumusobra na po yata kayo sa totoo lang po hindi ko po intensiyon na gustohin ang anak niyo bugso po yun ng pagmamahal ko sa kanya kaya sinagot ko ang anak ninyo at lalong hindi po pera ang habol ko sa anak ninyo. Dahil para sa akin ang pera hindi hinihingi o kinuhuha kundi pinaghihirapan po"

"Then, leave my son alone" mahinahong sabi nito.

"Sorry po ma'am pero desisyon na po yun nang anak ninyo siya na po ang pagsabihan niyo total kayo naman po ang ina" sabi ko rito hahakbang na sana ako papa-alis pero hinarap ko ulit ang mommy ni LQ "kung tunay kayong ina dapat sinusupportaan niyo po ang gusto nang anak niyo at lalo na po sa mga bagay na nagpapasaya nito" pahabol kong sabi sabay alis.

Napatakbo nalang ako papunta nang kwarto ko. Sabay subsob nang mukha ko sa higaan ko.

'Father Almighty bakit ganon? Dahil ba isang kasambahay hindi na pwedeng magkagusto sa isang mayaman?' agarang tanong ko.

Hacienda Series:Quimpano's LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang