©6

106 1 0
                                    


'November 20, 1988'
'Dear Brinna,
        First time kong makakita nang isang babae may isang mabutihing puso. Salamat sa tulong mo sa akin. Ang sakit nang paa ko kasi. Sana magkita pa tayo
                     From:Guillermo Quimpano'
                        
'December 1, 1988'
Dear Brianna,
        You have a lovely dress today thank you dahil tinupad mo yung hiling kong magkita pa tayo. Salamat dahil nakasama kita kahit hindi kita makasama ngayong pasko.
                     From: Guillermo Quimpano'

'Febuary 14, 1989'
Dear Brianna,
        Happy Valentines day, sana naman mapatawad mo ako sa pagnanakaw nang halik ko sayo. Sana Brianna mapatawad mo na ako upang ang puso ko naman ay sagutin mo.
                    From: Guillermo Quimpano'

Hindi ko maiwasang mapakilig sa mga sulat na ibinigay ni Lolo Guil sa mahal na yumao niyang asawa.Kaya humarap ako kay Lolo Guil at nakita kong pagluha nang mga mata nito.

"ah..Lolo Guil wag kanang umiyak alam ko po yung feeling na mamimiss ang taong mahal niyo po lalo na po yung asawa niyo" malungkot kong tugon kay Lolo Guil

"Hindi ko siya naging asawa" sabi nito sa akin

Agad naman akong napatingin sa seryosong mukha ni Lolo Guil at napa-isip.

"Lolo Guil nang E-echos po ba kayo? E nagsusulat kayo nang love letter tapos hindi niyo pala asawa ngayon ano ba yan" pangbabara ko kay Lolo Guil

"Brianna is my first love Felicya" sabi ni Lolo Guil sa akin.

"O tapos po? Bat hindi niyo po siya naging asawa?" tanong ko kay Lolo Guil

"The letters will answer your question Felicya" sabi ni Lolo sabay kuha nang treasure chest box sa akin.

"kung ganun po hiramin ko na po yang box niyo para simulan ko nang basahin at para may answer na yung mga question ko" sabi ko kay Lolo Guil

"No, I will not let you" agarang sagot nito

"ok po" malungkot kong tugon

"I'm sleepy Felicya" sabi ni Lolo

Agad naman akong napatayo at pumunta na sa pintuan. Sabay off nang light sa kwarto ni Lolo Guil.

Napa-isip naman ako sa sinabi ni Lolo Guil. Hanggang sa bumaba na ako dito sa mansiyon ay hindi ko parin mawari na ganun pala ang sitwasyon nang lovelife noon ni Lolo Guil.

'Kaya siguro sinabi ni Lola sa akin na pasayahin ang bahay nito dahil kay Lolo' sabi nang isip ko.

Speaking of Lola patakbo kong bumalik sa kwarto upang pumunta sa sala upang kunin ang malapitang telepono.

Agad ko itong kinuha at umupo na sa sofa at agad dinayal ang number nang phone ko.

"Apo napatawag ka?" agarang bungad sa akin ni Lola

" E Lola itatanong niyo po ba yan?" sabi ko dito

"hay! Naku! Ang aking apo!" buntong hininga ni lola sa kabilang linya.

"Lola kumain kana po? Yung gamot niyo? Ininum niyo na po ba? Ok lang po ba kayo jan?" pag-alala kong tanong  kay Lola

"isa-isa lang apo aatakehin ako sa mga mabilisang tanong mo ey"

"ay sorry po lola akala ko kasi bagets pa kayo" pang babara ko kay lola

Natawa naman ito. " Oo apo, kumain na ako ngayong araw tapos uminom na din ako nang gamot at higit sa lahat ok ako apo" sabi ni Lola sa akin

Hindi ko naman maiwasang maiyak sa sinabi nang Lola ko "Huhu Lola! Miss na po kita Huhuhu sana naman alagaan mo yang sarili mo dahil kong hindi mo alagaan bibitawan ko talaga itong pagiging kasambahay ko!" mariing tugon ko kay Lola

"Shhh....tahan na apo alam kong nag-alala ka sakin pero paano naman yung pampa hospital sa akin diba?"

"Kahit na!" sigaw kong sabi sabay hagulgul ko dito.

"heh! Tahimik na jan Felicya baka makadisturbo ka nang mga taong natutulog jan" patahimik sa akin ni Lola

Kaya napatakip nalang ako nang bibig ko dahil sa sinabi ni Lola.

"Basta Lola pangako ko po Mag-aasawa talaga ako nang mayaman upang tulungan niya akong ma operahan yang heart niyo" sabi ko kay lola habang umiiyak parin.

"Apo wag kang mag-asawa nang mayaman dapat ikaw ang maging mayaman nagka-intindihan ba tayo?" pagmamaktol ni Lola sa akin

"Yes po Lola"

"O tahan na sige na matulog kana bukas marami kapang gagawin" sabi ni Lola

" Bat mo alam?" tanong ko kay Lola

"Kasi nasayo ang trabaho noon"

"Ay Oo nga pala" sabay hagikhik ko

"O cge na Good night na apo at ako ay magpahinga na"

"What!? Lola! Hindi po pwedeng magpahinga kayl kasi hindi niyo pa nakita ang mapapangasawa ko HUHUHU" hagulgul ko naman

"GAGA! Magpahinga na ako ibig sa bahin ay matulog na ako!" sigaw ni Lola sa telepono

"Ay sorry akala ko po kasi madedeads na kayo" pambabara ko kay Lola

"heh! Sige good night na"

"Sige good night Lola magdasal ka po na hahaba pa ang elvis niyo"

Agad naman ibinaba ni Lola ang tawag kaya napatawa ako nang mahina.

Nang ibinaba ko ang telepono ay nagulat ako dahil nakita ko ang batang si Amylyn na nakatingin sa akin na naka sakit ngipin pose habang ang elbow nito ay nakapatong sa mesa.

"hoy! Amylyn bat hindi ka pa natulog?" tanong ko kay amylyn

"pwede bang matulog sa kwarto mo ate feli?" tanong nito

"Bakit naman?"

"E sa gusto kong makita kwarto mo ey kaya dun na din ako matulog kasi takot na akong bumalik dito ey"

"Sige" pagsang-ayon kong tugon

Nang pumasok na kami nang kwarto ko ay agad naman namangha si amylyn.

"Wow! Ate nung sinamahan kita dito ang baho pa nito pero ngayon hindi na masyado" hagikhik ni amylyn sa akin

"ikaw talagang bata ka! Matulog ka na nga" sabi ko

"Ayaw mo pang matulog ate?"tanong nito.

"Matutulog na"

"Halika na ate tabi na tayo" sabi nito sabay tapik sa space na hinihigaan ni amylyn.

Nang nakahiga na ako ay agad akong bumangon kaya napabangon naman si amylyn.

"Ano pong problema ate?" takot natanong nito sa akin.

"wala naman magdadasal lang ako"

"ay? Nagdadasal po kayo? Si ate melanie at Xayah ay hindi ko po nakitang nagdasal" sabi ni amylyn sa akin.

"Oo , amylyn nagdadasal talaga ako bago ako matutulog"

"talaga po?pwede po bang sumabay?" tanong nito sa akin.

"Oo ba" halika turuan kita.

hayun nga at tinuruan kong magdasal si amylyn. pagkatapos naming magdasal ay agad naman kaming natulog.



                   
                        
                                 
                             

Hacienda Series:Quimpano's LoveWhere stories live. Discover now