©23

82 1 0
                                    

Pa-akyat na ako papuntang taas na kung saan sinabi ni LQ sa akin na puntahan ko raw ang opisina niya. Nang nakita ko itong pumasok sa huling kwarto ay agad ko naman itong sinundan.

Pagpasok ko ay nakita ko itong naka-upo na sa upuan nito habang nakatingin sa akin. Nang lumapit ako sabay nang pag-upo ko sa guest chair rito.

"Good morning Sir Louis, sir I'm here today to inspect the whole area here in the hacienda to see if it can be a best tourist spot here in the whole Philippines" deritsahan kong sabi rito.

"how long is your inspection here?" tanong nito na nakatingin pa rin sa akin.

'Nang-aakit ka ba? Kung nang-aakit ka hindi mo ako madadala niyan'

"depending on when I finish my inspection po it is not easy to inspect it throughout your whole hacienda kasi sir" sabay ngiti kong sabi.

"then you should finish your inspection before the end of the week as there will be a party here on Sunday"

"ok po sir do you want me to start now?if you haven't done anything now sir  because you need to be able to answer my questions po kasi"

"is also part of your question 'can I go back to your heart?' if part then we now start with the questions"

"sorry sir but love is not related to work talk, maybe i'll be back tomorrow" sabi ko sabay tayo.

Bago ako umalis ay biglang nagsalita si LQ "you rested for a few years how are you by the way?"

Hunarap naman ako rito sabay ngiti "I'm very fine sir"

"Good"

Hindi ko na pinahaba ang usapan namin kaya umalis nalang ako sabay isinara ang pinto. Pagdating ko sa baba ay nakita ko sila ate melanie at xayah and amylyn na nakabihis ang mga ito.

"melanie? saan kayo pupunta?"nalilito kong tanong.

"Uuwi na kami Feli" sagot ni ate melanie

"Po? Sino po ang magbabantay dito sa bahay?"

"Dadating na din yung mga kasambahay Feli" sagot ulit ni ate Melanie.

"So? Hindi na po kayo kasambahay dito?"

Napaligoy naman sila "Matagal na kaming wala rito melanie mula nong umalis si Don Guil papuntang britania pero ok naman ang pamumuhay namin ako nga may negosyo na sa palengke at si amylyn din may negosyo na at ito si Xayah may bahay na yan na tinitirhan kasama ang asawa nitong si sir nicolas" pagpapaintindi ni ate melanie sa akin.

"Matagal nga akong nawala rito noh?" malungkot kong tugon sa kanila

"Oo, girl simula nung umalis ka maraming nagbago" sabi ni Xayah.

Nung umalis na sila ay umalis na din ako. Nasa kalagitnaan ako nang pagbabyahe ko papunta sa bahay nang Lola Rebe ko. Napa-isip nalang ako sa mga nangyari ngayon hindi ko mawari na kasal na pala si Xayah at Nicolas.

'Buti pa si Xayah may Nicolas e ako anong meron ako? Edi trabaho haysss' pabuntong hininga ko.

Pagdating ko nang bahay ay agad akong nagluto para sa haponan ko. Habang nagluluto ako ay bigla nalang may sumulpot at yumakap sa akin. Napatingin naman ako kung sino ito at agad kong nakita ang nakangiting si puto.

"Magandang gabi mahal kong Felicita" sabi sa akin habang hinahalikan ang braso ko"

Natawa naman ako sa ginawa nito kaya humarap ako rito upang tingnan ang napakagwapong bata na si puto. "Puto ang laki muna" sabi ko rito.

"Oo, naman po para mapakasalan na kita mahal kong Felicita" taas noong sabi nito.

"Talaga lang ha?" tanong ko rito na ikinatawa ko. Ang bata pa kasi ni Puto ay para na itong baliw. Nung nandito pa ako sa bahay noon ay palagi ko itong kasama. Kaya hindi ko mawari na ang laki na pala ang pinagbago nang batang ito.

"Puto!" sigaw nang babae na nasa punto. Hindi na ako nagtanong kong sino ito dahil nakita ko ka-ahad si aling prita na galit na galit habang may dalang walis.

"Nay!" gulat na tawag ni Puto sa ina nito sabay tago sa likod ko.

"Ikaw'ng bata ka! Kanina pa kita hinahanap tapos dito ka lang pala nakatambay!" sigaw ni aling prita. Habang papalapit na sa gawi namin.

"Aling prita?" tawag ko rito

"Sino ka!?"sigaw ni aling prita

"Si Felicitae po" mahinahon kong tugon

Agad naman inilagay ni aling prita ang walis nito sabay lapit sa akin. Matanda na si aling prita kaya hindi gaano ito nakakita sa malayo " F-felicitae?"utal nitong tugon

Tumago naman ako rito.

"jusko! Kamusta kana hija?" sigaw ni aling prita. Katulad nang dati hindi talaga mahina-an ang boses ni aling prita kahit nasa malapitan lang kayo ay sinigaw ang mga sinasabi nito.

"ok lang po, aling prita dito na po kayo kumain nagluto po kasi ako nang haponan ko sayang naman kong hindi ko yun maubos" mahinahon kong tugon.

"Aba? Sige ba hija"

Kaya pagkatapos kong magluto ay dito ko na nga pinakain sila aling prieta sa bahay nang Lola ko. Pagkatapos naman naming kumain ay umalis na din silang aling prita kasama si puto kaya ako naman ay naglinis muna nang bahay. Pagkatapos kong maglinis ay pumunta ako nang kwarto ni Lola. Dito sa muna ako mananatili sa kwartong to habang may trabaho pa akong ina-asikaso.

Nasa kalagitnaan ako nang panonood ko nang The kissing Both nang biglang nagring ang phone ko ay agad kong hinagilap kong saan ko yun inilagay.

Nang nakuha ko na ang cellphone ko ay agad ko itong kinuha. Nakita ko na naman ang caller name at si Abella yun kaya agad ko itong sinagot.

"Hoy! Abella Muthemore! Hayop ka! Sabi mo nasa britania e bakit kaharap ko siya kanina ha!?" galit kong bulyaw rito.

"Fren, chill lang ok!? Ano ka ba! Totoo yung nasa britania ang may ari si Don Guillermo pero hindi ko sinabi na ang apo niya pala ang tinutukoy mo" sabi nito sabay tawa lang ng tawa.

"HaHa wag mo nga akong kausapin naiirita ako sayo" sabi ko rito sabay baba ng tawag.

Tumawag ulit si Abella sa akin pero hindi ko na ito sinagot. Sa ngayon ay nakatuon ang atensiyon ko sa pinapanuod ko. Mahapdi na ang mata ko kaya no choice kundi isinara ko na ang laptop ko.

Habang nakahiga sabay tingin sa kisame hindi ko maiwasan ang mga ala-ala namin ni Lola dito sa kwartong to. Nakatingin lang ako sa kisame hanggang sa dinalaw na ako nang antok ko.

Hacienda Series:Quimpano's LoveWhere stories live. Discover now