"Talagang malakas! Kaya nga ako sumigaw, e," pamimilosopo nito.

Namangha ako sa tapang na taglay niya, ang daming lalaki sa harapan niya pero parang hindi man lang siya natatakot.

"Walanghiya kang babae ka." Binitawan ako ng lalaki bago tumayo.

Tinawanan lang siya ng babae na parang nang-iinsulto pa. "Matagal na pre, since birth."

Napaatras ako nang biglang sumugod ang mga kalalakihan sa direksyon ng babae.

Akala ko ay mapapahamak siya dahil sa akin pero mukhang nagkamali ako.

Ilag lamang siya nang ilag sa bawat atake ng mga lalaki sa kaniya. Tinatawanan niya lang ang mga ito habang patuloy sa pag-ilag.

Mas namangha pa ako nang sipain niya ang isang lalaki dahilan para tumalsik ito sa malayo. She's so strong!

"One down mga pre, pakisabi na lang mamaya sa leader ninyo na sorry, ha?" nakangising sabi niya bago suntukin ang isa pang lalaki sa panga.

Sipa at suntok lang ang binibigay niya sa bawat lalaki pero tumba agad ang mga ito.

Those men's bodies are well-toned, pero walang kahirap-hirap niyang pinapatumba ang mga ito.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakahandusay na ang katawan ng mga lalaki sa lupa.

Umangat ang tingin ko sa magandang babae, pero hindi man lang ata siya hiningal sa ginawa.

Bahagya pa akong napaatras nang lumapit siya sa akin.

"Aba, atras na atras, a. Anong akala mo sa akin, mutant?" sarkastikong saad niya.

Tinulungan niya akong tumayo na pinagpasalamat ko naman. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako dahil sa takot.

"M-Maraming salamat, kung hindi mo ako niligtas, baka kung ano na ang nagawa nila," naiiyak kong sabi.

Tumango lang siya sa sinabi ko. "Anong nakakaiyak? Masyado ka bang na-starstruck sa akin?"

Napatawa ako sa sinabi niya. I hugged her tight dahil sa labis na tuwa. I really like her to be my friend!

Nilayo niya ako sa kaniya habang may nandidiring ekspresyon. "Gosh, mortals."

I smiled sweetly at her. "I am Arrow, by the way, ikaw?"

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Arrow?" nagtatakang tanong niya, tumango naman ako habang may nakapaskil na ngiti sa labi.

Lumingon siya sa ibang direksyon habang may nagtataka pa ring ekspresyon.

"What's a princess doing here?" She whispered something na hindi ko naman pinansin.

"Hey, ano pong pangalan ninyo?" tanong ko muli sa kaniya.

Nilingon niya ako. "Anong po? Mukha ba akong mas matanda sa 'yo?"

Nagulat ako sa reaksyon niya kaya mabilis akong umiling. "H-Hindi naman sa gano'n."

"I am Silhouette," she responded.

Lumapad ang ngiti ko nang marinig ang pangalan niya. Her name suits her so much!

"You're so pretty." I giggled.

Ngumisi siya at tinaasan pa ako ng dalawang kilay. "I know, right?"

Niyakap ko ulit siya sa sobrang tuwa, ang cute cute talaga niya!

"Ano ba't! Lumayo ka nga sa aking babae ka, yakap ka nang yakap! Ano bang akala mo sa akin? Cute na unan?" reklamo niya habang masamang nakatingin sa akin.

Napalabi ako sa sinabi niya. "I just really like you."

"Pang-limang daan ka na, sorry ka na lang, masyadong mahaba ang pila." I laughed when she said that.

"Let's be friends, okay? I promise, I'll be a good friend." Kinuha ko ang kamay niya at nagmamakaawang tumingin sa kaniya.

Mabilis niyang binawi ang kamay at naiinip na tumango.

Napatalon ako sa tuwa dahil sa pagtangong iyon. Kahit napipilitan lang siya, tumango pa rin siya, and it only means one thing! We're now friends.

"Be careful next time, Arrow. You'll never know kung sino ang aatake sa 'yo. Alam kong makukuha mo ang gusto kong sabihin balang araw," she said.

Tumango ako kahit naguguluhan ako sa sinabi niya.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Where stories live. Discover now